"JAY BRENAN LIM," basa ni Yerin sa buong pangalan ni JB sa diploma na nasa loob ng frame. Gusto niyang mahiya sa sarili, sa totoo lang, ngayon lang niya nalaman ang buong pangalan nito. Masaya siya na maganda ang naging buhay nito at isa na itong ganap na Architect. Kapag tinitingnan niya ito, hindi pa rin siya makapaniwala na ito ang batang paslit noon na madalas niyang nakikitang nakasakay sa bisikleta. Hindi niya napigilan ang sariling matawa ng maalala niya noon na tinamaan ito ng bola ng volleyball sa mukha.
"What's funny?" kunot-noo nitong tanong.
Napalingon siya. Hindi niya namalayan na nakatayo na pala ito sa may pintuan. Ang alam niya kasi ay nasa labas ito at naglilinis ng kotse nito.
"Wala, may naalala lang ako," natatawa pa rin na sagot niya.
Nilapitan siya nito. "Ano 'yon?" pang-uusisa pa rin nito.
Imbes na sumagot agad ay lalo siyang natawa.
"Hoy! Ano nga iyon?" pangungulit nito.
"Eh kasi naalala ko noong bata ka pa. Iyong unang beses kitang makilala? Iyong tinamaan ka ng bola sa mukha tapos pagdilat mo tinanong mo ako kung nasa langit ka na at kung anghel ako?" pagpapaalala niya saka sinundan niya ng malakas na tawa.
Biglang tumalikod si JB habang napapakamot sa batok. "Huwag ka ngang maingay diyan," saway nito sa kanya.
"Oy, aminin mo? Nahihiya kang maalala 'yon," panunukso pa niya dito.
"Tumigil ka na ha?" saway ulit nito sa kanya.
Pero imbes na sundin ito ay lalo siyang tumawa. Ganti niya iyon sa pagsusungit nito sa kanya kanina.
"Bakit? Ayaw mo bang maalala 'yon? Ang cute nga ng moment na 'yon eh," dugtong pa niya.
"Ay! Sabi nang tumigil ka na eh!" singhal nito sa kanya.
Bahagya siyang napapitlag sa pagtaas ng boses nito, pero muli siyang tumawa at pinakita niyang hindi siya apektado.
"Sige na nga, titigil na ako," natatawa pa rin na wika niya.
Dumiretso ito sa kusina nang nakasimangot. "Pero iyong totoo? Ang sakit no'n, ano?" pangungulit na naman niya.
"Ay ang kulit talaga!" ani JB.
Tumawa na naman siya. "Pikon! Binibiro ka lang eh," sabi pa niya.
"What do you want for lunch?" kapagkuwan ay pag-iiba nito sa usapan.
Umiling siya. "Hindi na ako dito magla-lunch. Tumawag na ako sa hotel nagpa-book na ako ng room, doon na lang din ako kakain. Masyado na kasi kitang naabala simula pa kagabi," tanggi niya.
"What? Aalis ka na?" gulat na tanong nito saka biglang nagsalubong ang dalawang kilay nito.
"Oo, hindi naman ako puwedeng dito tumuloy. Nakakahiya na—"
"Sino may sabi sa'yong hindi ka puwede dito?" sansala nito sa sinasabi niya.
Napahalukipkip siya saka sumandal sa kitchen counter. "Bakit parang nagagalit ka?" nagtatakang tanong din niya dito.
"Saan hotel 'yan?" tanong na naman nito.
Wala sa loob na sinabi niya ang pangalan ng hotel na tutuluyan niya. Pagkatapos ay kinuha ni JB ang cellphone nito.
"Yes, good afternoon. Regarding Miss Yerin Sandoval's reservation... yes, she asked me to call you and inform you that she's canceling the reservation. Thank you very much," narinig niya sabi nito.
BINABASA MO ANG
Puppy Love, First Love At True Love
Romance"Hintayin mo ako! Paglaki ko! Hahanapin kita tapos liligawan kita! Ako ang mag-aalaga sa'yo! Hindi kita paiiyakin! Papakasalan kita! Promise!" JB was only thirteen years old when his heartbeat fast for the first time. Nang mga panahon na iyon, hind...