After seven years...
NAPAILING SI JB habang tinitingnan niya ang mga nasa paligid habang sinasabayan ng sayaw ang malakas na musika. Naroon siya sa isang Bar, pagkatapos ng trabaho sa opisina ay niyaya siya doon ng mga kasamahan. Palibhasa'y araw ng suweldo at biyernes pa kaya todo gimik ang mga ito. Pero kung siya ang tatanungin, mas nais niyang umuwi at tapusin ang nakapending niyang trabaho.
"Pare! Ano? Let's dance! Kanina ka pa nagmumukmok dito," yaya sa kanya ni Lloyd. Nang makapagtapos silang dalawa sa kursong Architecture, sabay silang kumuha ng board exam. Nang makapasa ay sabay din silang nag-apply ng trabaho. Mapalad na kapwa sila natanggap sa kompanya na siyang pinagtatrabahuhan nila ngayon.
"Sinabi ko na sa'yo na wala akong hilig sa ganito," sagot ni JB.
Tinapik ni Lloyd ang likod niya. "Ikaw naman oh, simula ng magkahiwalay kayo ni Kathy nawalan ka na ng social life," ani Lloyd.
Sumulyap siya dito saka napailing. "Pare, halos magkadugtong na bituka natin. Mga bata pa lang tayo magkasama na tayo, hindi mo pa rin ba ako kilala? Alam mo naman wala akong hilig sa night life. Kaya lang naman ako sumasama dati sa ganito dahil mahilig si Kathy mag-party. Ngayon, wala ng dahilan para magpunta ko dito. Iinom din lang ako, eh di sa bahay na lang," paliwanag niya.
"Talaga? Hindi dahil kay Kathy?"
Napabuga siya ng hangin saka sunod-sunod na umiling. "Nope. I told you, didn't I? Hindi ba ito ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya? Masyado siyang mahilig sa party at masyadong alcoholic. I can't live with that," sagot niya.
"Sabagay," kibit-balikat ni Lloyd. Naputol ang pag-uusap nilang dalawa ng may lumapit sa kanyang maganda at sexy na babae. Napakunot noo siya ng makilala na si Kathy pala ang lumapit sa kanya, ang ex-girlfriend ni JB.
"Hi JB! Would you like to dance?" tanong ng babae sa kanya. Halata niya sa tinig ni Kathy na gusto nitong makipag-flirt sa kanya.
Tiningnan niya ito ng deretso sa mga mata saka tumingin ng deretso sa mga mata. "What are you doing?" iritableng tanong ni JB sa ex.
"Bakit parang galit ka? Niyayaya lang naman kitang sumayaw," nakangiti pang sagot ni Kathy saka pinadaan ang daliri nito sa mukha niya.
Pasimple siyang umiwas. "Stop it Kathy, I'm not interested. We're done," mariin na wika ni JB.
"No we're not! Ako ang magsasabi kung kailan tayo matatapos!" pagmamatigas nito.
Napailing na lang si JB. "Stop playing with people. Hindi mo sila pag-aari, lalo na ako. We're done and we're over," giit naman niya.
Nakita ni JB sa mga mata ni Kathy na hindi nagustuhan ng dalaga ang sinabi niya. "It's not yet over, JB. And it will not be over!"
"Tigilan mo na 'to, Kathy. Huwag mong pahirapan ang sarili mo," sabi pa ni JB sa dating nobya.
"Sabihin mo na kasi ang totoo! Kaya mo ako hiniwalayan ay dahil sa lintik na first love mo na hindi mo makalimutan! Di ba? Ginawa mo lang dahilan ang pagiging alcoholic ko! Pero iyon talaga ang reason kaya mo ako iniwan!"
"Umuwi ka na," sa halip ay sagot ni JB.
"Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba sa akin! I'll have you back JB," banta ni Kathy saka tumalikod at mabilis siyang iniwan.
"How can you resist her? Kung ibang lalaki 'yon, sa ganda at sexy ng babaeng 'yon siguradong hindi nila pinalagpas," sabi pa nito.
Napangiti siya ng maalala niya ang taong nagturo sa kanya kung paano igalang at irespeto ang isang babae. Hanggang sa mga sandaling iyon, nakatanim pa rin sa puso niya ang tinuro nito sa kanya. Maging ang mismong taong iyon ay nakatanim pa rin ang alaala sa kanyang puso. Mayamaya ay tumayo na siya at nagpaalam sa mga kasamahan.
"O pare, uuwi ka na agad? Maaga pa!" anang isang kasamahan niyang Engineer. Si Lloyd ang sumagot para sa kanya.
"Sinabi ko na sa inyong hindi mahilig sa ganitong night life 'to eh," sabi pa nito.
"I'll go ahead, Pare. Magkita na lang tayo sa office sa Monday," segunda niya.
"Ano? Kaya mong mag-drive?" tanong pa ni Lloyd sa kanya.
"Oo naman! Hindi ko nga nakalahati ang beer na binigay mo sa akin eh," sagot niya.
Pagdating niya sa parking lot ay agad siyang lumapit sa kotse niya. Papasakay na lang siya ng mapansin niya ang isang babae sa may gilid ng bar kung saan medyo madilim. Nakalupasay ito sa semento ang babae at sa tabi nito ay may malaking maleta kung saan nakahiga ang ulo nito sa ibabaw. Mukhang naglayas pa yata ito at dumiretso doon sa para magpakalasing dahil sa laki ng problema. Napailing si JB nang mapansin niyang maigsi pa ang kulay puting palda na suot nito at nakakulay itim itong sleeveless blouse. Habang nakasukbit ang bag nito sa katawan nito. Napakunot noo siya ng makita niyang nilapitan ito ng tatlong lalaki.
"Pare, wasted na 'to! Tara, isama na natin," anang isang lalaki.
"Huwag na! Baka sumabit tayo diyan!" tanggi ng isa pa.
"Hindi 'yan! Akong bahala! Tingnan mo nga, wala ng kamalay-malay ito sa sobrang kalasingan nito," anang ikatlong lalaki.
Akmang lalapitan na ng dalawang lalaki ang babae ay kumilos na siya.
"Pare!"
Napalingon ang tatlo. "Kilala n'yo ba siya?" salubong ang kilay na tanong niya.
Hindi agad nakasagot ang tatlo, bagkus ay nagkatinginan ang mga ito.
"Tara na Pare! Sabi ko na sa inyo sasabit tayo diyan eh!" sa halip ay sabi ng pangalawang lalaki kanina. Pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo palayo ang tatlo.
Lumapit siya sa babae bago lumingon sa paligid, mukhang wala ngang kasama ito.
"Miss, wake up! You can't sleep here" aniya sa babae saka marahan niyugyog ang balikat nito. Mukhang maraming nainom ito dahil hindi na halos ito makapagsalita, narinig lang niyang umungol ito.
"Miss," wika niya ulit.
Hindi makita ni JB ang mukha nito dahil nakasubsob ang mukha nito sa ibabaw ng maleta nito. Mayamaya ay nilapitan sila ng guwardiya.
"Sir, mabuti na lang po at dumating na kayo. Kanina pa ho iyang girlfriend n'yo diyan. Lasing na lasing na 'yan, mukhang naglayas pa," sabi pa nito.
"Naku, hindi ko po siya—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla silang mapalingon ng may marinig silang nabasag, may nag-aaway palang dalawang lalaki. Agad silang iniwan ng guwardiya at lumapit sa mga ito para umawat. Napabuntong-hininga si JB, ngayon hindi niya alam ang gagawin sa babaeng ito. Hindi naman niya puwedeng iwanan ito dahil siguradong mapapahamak ito.
"Bahala na nga," sabi pa niya. Tumayo siya saka inalalayan tumayo ang babae. Dahil hindi na ito makalakad sa sobrang kalasingan kaya minabuti niyang buhatin na lang ito. Bahagyang gumalaw ang ulo nito dahilan upang kusang mahawi ang buhok na tumatabing sa mukha nito.
Agad siyang natigilan ng tumambad sa kanya ang mukha ng babae. Bumilis ang tibok ng puso niya, kumabog ng malakas ang dibdib niya. Isang damdamin na pamilyar sa kanya. Hindi alam ni JB kung ilang minuto na siyang nakatayo doon at nakatitig sa mukha ng magandang babae. Pitong taon na ang nakakalipas, pero hanggang sa mga sandaling iyon ay malinaw pa rin sa alaala niya ang maamong mukha ng babaeng una niyang inibig. Mayamaya ay unti-unting siyang napangiti at umahon ang saya sa puso niya.
"Nice to see you again," sabi pa niya. "Yerin."
BINABASA MO ANG
Puppy Love, First Love At True Love
Romance"Hintayin mo ako! Paglaki ko! Hahanapin kita tapos liligawan kita! Ako ang mag-aalaga sa'yo! Hindi kita paiiyakin! Papakasalan kita! Promise!" JB was only thirteen years old when his heartbeat fast for the first time. Nang mga panahon na iyon, hind...