Chapter 2

6.2K 89 17
                                        

Chapter 2


"Doc Russel, hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ni Jenny, ang kanyang nurse secretary/assistant sa kanyang private clinic.

"Anong oras na ba?" tanong ni Russel habang busy siya sa pagsusuri sa mga medical records sa kanyang mga pasyente nitong linggo.

"6:30 pm na po Doc." ngiting sagot ni Jenny.

"Ganun ba, mauna ka na lang umuwi, ako na bahala dito sa clinic. Maya-maya na rin uuwi na rin ako." tugon agad ni Russel habang ang mata niya ay tutok na tutok sa mga medical records.

"May pupuntahan ba kayo Doc, after nito?" tanong ni Jenny.

Napakunot sa noo si Russel.

"Dadaan ako mamaya sa supermarket para maggrocery." pormal na sagot nito kay Jenny.

"Ganun po ba?" medyo dismayadong tugon ni Jenny.

"Bakit?" tanong ni Russel at tiningnan niya si Jenny.

"Uhmm.. wala naman po Doc." naiilang na sumagot si Jenny. "Mauna na po ako Doc. See you tomorrow." at hindi na niya nilingon si Russel ng lumisan na ito sa office room ng doctor.

Napailing na lang si Russel. Alam niya kasi na may pagnanasa si Jenny kay Russel. Hindi niya kasi alam ni Jenny kung "ano" siya. Alangan naman kasi ipamukha niya sa mga kakilala niya na isa siyang bakla. Kung magtatanong si Jenny tungkol sa sexual preference niya ay sasabihin naman niya kung ano siya.

Eksaktong alas-siyete ng umalis si Russel sa kanyang private clinic. Gamit ang sarili niyang sasakyan ay mabilis siya nakarating sa isang supermarket ng isang mall. Pagkatapos icheck ng guard ang bag niya ay humila siya ng isang shopping cart at tinungo niya ang condiment section. Paubos na rin kasi ang mga ilan niyang gamit sa kusina gaya ng cooking oil, oyster sauce, at iba pa. Bago niya nilisan ang clinic niya ay nilista niya sa isang malinis na papel ang mga bibilhin niya para mabili niya agad ang mga dapat na bilhin. Tulak ang isang shopping cart na nagbabasa sa papel ay hindi niya sinasadya nasagi ang isang shopping cart ng isang customer.

"S-Sorry-" hinging paumanhin ni Russel pero agad niya nakilala ang taong nakasagi niya.

"Russel-" gulat na wika ng customer.

"Gio?" pati rin si Rusel ay nagulat din.

Agad nabawi ni Russel ang kanyang pagkagulat at hinila niya agad ang cart niya at pumunta sa ibang section pero pinigilan siya ni Gio.

"Wait Russel, can we talk please?" pakiusap ni Gio kay Russel.

"No!" mariing sagot ni Russel. Kita sa mata ni Russel ang poot at galit na nadadarama niya kay Gio.

"Russel naman uh." kulang na lang lumuhod si Gio kay Russel para lang makipag-usap nito.

Medyo nakadama ng awa si Russel sa pakikisamo ni Gio. Hindi pa rin nagbabago ang hitsura ni Gio. Napaka-guwapo nito, maputi at medyo mamula-mula ang manipis na labi nito. Hindi kasi ito naninigarilyo. Lalo pang gumanda ang tikas niyang pangangatawan .Marahil ay lagi ito nag-gy-gym.

Kakausapin na sana ni Russel si Gio ng makitang may babaeng palapit sa kanilang kinaroroonan. May hawak itong nakaplastic na manok. Galing ito sa meat section area.

"I need to go now." pamamaalam ni Russel kay Gio at mabilis niyang nilisan ang condiment section.

"Hon, sino kausap mo?" tanong ng babaeng lumapit kay Gio.

"J-just a friend hon." pagsisinungaling ni Gio.

"Bakit siya umalis kaagad?" tanong ng babae.

"Uhmm nagmamadali kasi siya eh." medyo pumiyok pa ang boses ni Gio. Hindi niya kasi alam kung nahuli sila na nag-uusap ni Russel.

"Let's go Monika. Magbayad na tayo. " ani Gio at nilinga niya ang kanyang paligid. Wala na si Russel.

"Okay." kibit-balikat ni Monika. Tila din parang kakilala niya rin ang kausap ni Gio kanina. Ganunpaman, iniwaksi na lang iyon at hindi pinansin.

Lingid sa kaalaman nina Monika at Gio, nagtago sa isang sulok si Russel at dinig na dinig niya ang pagsisinungaling ni Gio. Ang awa na nadarama niya kanina para pagbigyan na kausapin ni Russel si Gio ay agad napalitan na naman ng galit at selos.

Matalim na tiningnan ni Russel sina Gio at Monika habang nakapila sila sa counter area.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nalilimutan si Gio. Kahit anong galit ang nadadarama niya kay Gio ay agad-agad itong nawawala. Pilit na iwinawaksi ni Russel sa kanyang isipan ang pagtatagpo nila ni Gio ngayon. Sinisikap  na rin niya ang move-on at kalimutan ang kanyang nakaraan kasama doon ang pagsasamahan nila ni Gio. Napailing na lang si Russel ng biglang pumailanlang sa ere ang tugtuging" First Love Never Dies.."

"F*ck that song!" inis na wika ni Russel sa kanyang sarili.



-----

Itutuloy!


---------------

AUTHOR'S NOTE: Hahaha, artemuch ni Russel.. >_<




My Mom's Lover (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon