AUTHOR'S NOTE: Haiisst, nakakalungkot, wala naman nagcocomment o nagbibigay ng votes dito sa story ko. Sana po magcomment po kayo para sa ganun mahasa pa ang pagsusulat ko sa ganitong genre. Libre naman po mag comment eh at magvote!
--------------------------------
KRING- KRING- KRING
"Hello?" wika at angat ni Nanay Ysabelle sa telepono na malapit sa dining table.
"Nay Ysabelle, si Gio?" tanong sa kabilang linya.
"Umalis po siya Ma'am Monika." matipid na sagot ni Nanay Ysabelle. Agad niyang nabosesan ang taong nasa kabilang linya.
"Saan daw pumunta?" muling tanong ni Monika.
"Ang sabi niya po, may dadalawin siyang kaibigan." sagot agad ng kanilang kasambahay.
"Sino naman yung bibisitahin niya?" inis na tanong ni Monika.
"Ay hindi ko po alam."
"TONTA ka pala eh!! Sana tinanong mo kung saan siya pupunta!" galit na wika ni Monika. Ayaw niya sa lahat ay yung kulang yung impormasyon na masasagap niya.
"S-sorry po Ma'am Monika." hinging paumanhin ng kaawang-awang kasambahay nila.
Isang mura ang muling nadinig ni Nanay Ysabelle bago niyang marinig ang pagbagsak ni Monika sa telepono.
"Tsk! Eh di hanapin mo!" asik na wika ni Nanay Ysabelle sa kanyang sarili. Hindi niya napigilan ang mainis sa inasal ng kanyang amo na si Monika. Alam niya sa kanyang sarili na isa lamang siyang kasambahay pero ang kanyang hiling kay Monika ay igalang siya dahil matanda na siya gaya ng paggalang sa kanya ni Gio.
--------------------------
"GIO?"
"Hi Russel este Doc Russel." birong wika ni Gio kay Russel.
"Anong ginagawa mo dito sa clinic ko?" maang tanong ni Russel. Halos hindi siya makapaniwala na nasa loob ng clinic niya si Gio.
"Gusto lang kita dalawin." ngiting sagot ni Gio. Lumabas pa dito ang dimple nito sa kanang pisngi.
Biglang namula si Russel sa kanyang narinig mula kay Gio. Dinadalaw daw siya? Pilit tinago ni Russel ang pagkakilig na nadadarama niya. Ayaw niya kasi makita ito ni Gio. Oo, aminado din siya sa kanyang sarili na mahal niya pa rin si Gio. Dahil si Gio ang una niyang minahal.
Hindi namalayan ni Russel na nakalapit na si Gio sa kanyang kinaroroonan.
"Bakit mo ako dinadalaw? Baka hanapin ako ni.... ng kasintahan mo." mapait na sambit ni Russel. Kailangan niya pa rin itago ang nararamdaman niya kay Gio alang-alang sa kanyang pride, kaya hindi niya binanggit ang pangalan ng kasintahan ni Gio na si Monika.
"Dahil sa gusto ko." wikang sagot ni Gio. Hindi pa rin naaalis sa kanyang labi ang kanyang ngiti kay Russel.
Hindi nakapagsalita si Russel dahil biglang hinapit ni Gio ang kanyang baywang at siniil siya ng halik.
Biglang nanlaki ang mata ni Russel sa ginawang paghalik sa kanya ni Gio. Kitang-kita niya nakapikit si Gio habang humahalik sa kanya. Napakaamo ang mukha ni Gio sa malapitan. Amoy na amoy niya pa rin ang paboritong pabango na laging gamit ni Gio.
Agad siyang kumawala kay Gio ng marinig nila ang katok ng kuwarto mula sa labas. Narinig nila ang boses ni Jenny.
"Doc Russel, naghihintay na po yung susunod na pasyente." wika ni Jenny sa labas ng kuwarto.
"Gio.."mahinang wika ni Russel. Nakatitig ito sa mga mata ni Gio.
"Huwag kang mag-alala,nakalock yan."pilyong ngiti ni Gio kay Russel. Tila nabasa niya ang nasa isip ni Russel at baka mahuli sila ng kanyang nurse assistant.
"May mga pasyente pa ako."giit na tugon ni Russel. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hindi niya makuhang magalit kay Gio.
"Russel.."muling hapit ni Gio kay Russel sa kanyang baywang.
"Gio naman uh.." tutol na saad ni Russel dahil nasa oras pa siya ng trabaho.
Hindi nagpapigil si Gio kahit alam niya na tumututol na si Russel. Hinatak niya bigla si Russel at niyakap niya ng mahigpit hanggang sa naglapat muli ang kanilang mga labi sa isa't-isa.
Hindi na tumutol si Russel bagkus niyakap niya rin si Gio ng mahigpit at sinabayan niya rin ang paghalik ni Gio sa kanya. Ramdam ni Russel ang paglaro ng mga dila ni Gio sa loob ng kanyang bibig.
"Gio..." mahinang wika ni Russel ng maghiwalay na ang kanilang mga labi.
Nakangiti pa rin si Gio at hinamplos pa nito ang makinis na mukha ng doctor.
"Nasa oras pa ako ng trabaho." giit ni Russel. Alam niya na ilang minuto na naghihintay ang kanyang pasyente sa labas.
Ngumiti muli si Gio at hinalikan ulit si Russel pero hindi na sa kanyang mga labi kundi sa kanyang pisngi.
"I'll wait you for lunch." ngiting sambit ni Russel at lumabas na ito sa kuwarto. Magiliw na kinausap ni Gio ang pasyente na naghihintay sa kanila at pinapasok nito.
Paglabas ni Gio, kita niya ang nakakunot-noo na si Jenny. Waring nagtataka kung bakit medyo natagalan siya sa loob ng kuwarto ni Russel. Ngumiti lamang si Gio kay Jenny at umupo ito sa waiting area.
---------------
ITUTULOY!

BINABASA MO ANG
My Mom's Lover (M2M)
General Fiction[COMPLETED] "Ano sa tingin mo sa amin? Barbeque?? Na isang tuhog lang ay puwede mo kaming kainin sabay-sabay?! " Paano kapag ang isa sa mahal mo sa buhay ay kaagaw mo sa pagmamahal sa taong pinakamamahal mo? Dito masusukat kung saan hanggang ang puw...