"Good morning Sir Gio." bati ni Nanay Ysabelle ng makita niyang papunta na ito sa kusina. Naghuhugas siya ng ilang mga pinggan na nagamit kanina.
Bagong ligo at bihis si Gio ng pumunta na ito sa kusina.
"Good morning din po Nanay Ysabelle, favor naman po, puwede po ba itimplahan ninyo ako ng kape, please. Ang sarap po ninyo kasi magtimpla eh. " ngiting pakiusap ni Gio sa kasambahay nila.
"Hala Sir, binola mo pa ako, hahaha! Kahit hindi po ninyo sabihin iyan, gagawin ko po yun. Trabaho ko na pagsilbihan kayo. " natatawang turan ni Nanay Ysabelle.
Natawa naman si Gio at umupo na ito sa dining table.
"Oo nga pala Nay." nakasanayan na kasi niyang tawagin Nanay dahil may edad na rin ito. Nasa sitenta na rin ang edad ng kasambahay nila. Ayon kay Monika, halos tatlong dekada na naninilbihan si Nanay Ysabelle sa kanilang pamamahay.
"Hindi po ako maglulunch dito, may pupuntahan po kasi ako."
"Ganun ba? Gusto mo ba kumain muna ng breakfast? Nagluto ako ng siningag at longganisa. Paborito mo un di ba?" wika ni Nanay Ysabell sabay lapag nito sa mesa ang kapeng tinimplahan niya para kay Gio.
"Okay lang po Nay. Wheat Bread na lang yung kakainin ko."
"Sige, heto uh." turan ng kasambahay nila at sabay iniabot ang hinihiling na wheat bread.
"Salamat po." ngiting sambit ni Gio.
"Matanong ko lang, saan ka pala pupunta?" usisa ni Nanay Ysabelle at umupo rin ito sa dining table.
Humigop si Gio sa kanyang kape at magalang niyang sinagot ang matandang kasambahay.
"Ah.. sa kaibigan ko po, dadalawin ko lang siya."
"Ganun ba?" ani Nanay Ysabelle.
"Oo nga pala, anong oras po umalis si Monika kaninang umaga?" si Gio naman ang nag-usisa.
"Maaga siyang umalis. Parang bugnutin pa nga eh." pasimpleng nagsumbong si Nanay Ysabelle kay Gio. Open kasi si Nanay Ysabelle kay Gio sa mga ganitong bagay.
Alam ni Gio ang dahilan kung bakit bugnutin si Monika sa araw na ito. Galit pa rin ito dahil sa kanya.
"Baka naman kasi aasikasuhin niya ang nalalapit na 10th year anniversary ng Santiago Corporation." pag-iiba na wika ni Gio. Tinutukoy niya ang kompanyang pinapamahala ni Monika.
"Marahil nga, baka nasstress si Ma'am Monika kaya ang bilis niya mabugnot." turan naman ni Nanay Ysabelle.
"Posible Nay." sambit ni Gio at muling humigop ito ng kape.
Inabot ng halos isang oras ang pagkukuwentuhan nina Gio at Nanay Ysabelle. Maya-maya pa , tumayo at inayos ni Gio ang kanyang sarili.
"Sige po Nanay Ysabelle, aalis na ako." sabay tingin ni Gio sa mamahalin niyang relo na rolex.
"Sure ka na hindi ka kakain dito ng lunch?" muling tanong ng matandang kasambahay.
"Opo nay, hindi na po." sagot ni Gio. Hindi na niya nakuhang lumingon dahil kinuha pa nito ang susi ng kanyang kotse malapit sa kanilang ref.
-------------------
"Salamat Doc Russel." ngiting wika ng isang pasyente at tumayo na ito sa harapan ni Russel.
"Huwag po ninyo kakalimutan ang mga binilin ko sayo para bumaba na po ang cholestherol ninyo ha." pahabol na wika ni Russel sa kanyang pasyente.
"Opo Doc. Salamat po." ngiting muli ng pasyente at umalis na ito sa loob ng clinic room ni Russel.
Mahilig kasi makipag-usap si Russel sa kanyang mga pasyente. Isa ito sa pinaka-asset niya kung bakit maraming pasyente ang kumukunsulta sa kanya. Magiliw kasi siyang makipag-usap at ang trato pa ni Russel ay kapamilya niya ang mga pasyente.
Pagkatapos makaalis ang pasyente ay kinuha ni Russel ang intercom para tanungin kung ilan pang mga pasyente na naghihintay sa kanya.
"May apat pa po Doc." sagot ni Jenny.
"Ganun ba, sige, papasukin mo na yung susunod." ani Russel. Ibababa na sana niya ang intercom pero muling nagsalita si Jenny.
"Doc, may naghahanap po sayo pala." pahabol na wika ni Jenny sa kabilang linya.
"Sino daw?" kunot-noong tanong ni Russel. Wala kasi siyang inaasahan na bisita ngayon liban lang kung bibisita ang kanyang kaibigan na si Toni.
"Si Toni ba?" tanong ni Russel. Kilala kasi ni Jenny si Toni pero ang hindi niya pa rin maintindihan kung bakit hindi man lang makaramdam o makaamoy si Jenny na katulad siya kay Toni. Napapangiti na lang siya kung naiisip niya yun kung talagang boba lang ba si Jenny.
"Hindi po Doc. Lalaki siya. Ang Cute niya at ang guwapo!!" kilig na wika ni Jenny.
Tsk! Ang landi!
"Ano daw ang pangalan niya?" tanong muli ni Russel. Naiirita na kasi siya dahil hindi kumpletong magbigay ng impormasyon si Jenny.
"Ang sabi po, kaibigan ka niya daw." turan na sagot ni Jenny.
Dala ng kuryosidad, nagdesisyon si Russel na paunahin muna ang kanyang bisita kaysa sa kanyang pasyente. Sasabihin na lang niya na mag-usap na lang sila mamayang lunch time.
"Sino kaya yun?" tanong sa isip ni Russel.
"Jenny, papasukin mo na lang siya dito please. Pakisabi sa susunod na pasyente, na kakausapin ko lang ng isang minuto yung bisita ko. " muling tawag ni Russel kay Jenny sa intercom.
"Sige po Doc." agad na sagot ni Jenny.
Siguro naman hindi itong masamang tao dahil ang kanyang clinic ay nasa loob ng building na nangungupahan. Dito niya piniling mangupahan dahil maganda ang security sa building na ito at hindi naman gaano kalaki ang bayad ng renta ng unit ng kanyang clinic.
Habang binabasa ni Russel ang medical record ng kanyang huling pasyente kanina ay nadinig niyang pumihit ang door knob ng mismong room na kinalalagyan niya.
Napaawang ang kanyang bibig ng makita at makilala niya ang bisitang tinutukoy ni Jenny.
"GIO?"
Ngumiti si Gio ng ubod ng tamis kay Russel ng marinig niyang binanggit ni Russel ang kanyang pangalan.
======
( Please VOTE and COMMENT po! ^__^ )
ITUTULOY!

BINABASA MO ANG
My Mom's Lover (M2M)
General Fiction[COMPLETED] "Ano sa tingin mo sa amin? Barbeque?? Na isang tuhog lang ay puwede mo kaming kainin sabay-sabay?! " Paano kapag ang isa sa mahal mo sa buhay ay kaagaw mo sa pagmamahal sa taong pinakamamahal mo? Dito masusukat kung saan hanggang ang puw...