Chapter 1

10.8K 113 4
                                        

AUTHOR'S NOTE:  Isang hamon ang ginawa ko sa aking sarili para lalo pa lumawak at humasa ang aking pagsusulat. Ngayon,this is my first ever "romance" slash " drama" slash boyXboy story ... ^__^v Sana suportahan ninyo. Tatalbugin ko ang kuwento ng My Husband's Lover at The Rich Man's Daughter.. hahaha charot! So alam na this ang kuwento nito ha! ^__^

 



"S-siya ang "bhe" mo?" nanginginig na sambit ni Lally ng mahuling naghahalikan sina Eric at Vincent. Sinundan kasi ni Lally si Vincent na nagpunta ito sa tinitirhan na condo unit ni Eric. Kamakailan ay biglang nagbago at nanlamig si Vincent kay Lally. Dinig pa ni Lally na may kausap si Vincent at tinawag niyang "bhe" ang kausap nito. Sigurado siyang may babae ang kanyang asawa. Ayaw niya masira ang pamilya niya at gagawin niya ang lahat para maayos at manumbalik ang mainit nilang relasyon ni Vincent bago mahuli ang lahat.


Halos mamutla sa gulat sina Vincent at Eric dahil hindi nila inaasahan na makita sina Lally.


"L-Lally..." nauutal na wika ni Vincent. Agad siyang kumalas sa pagkakayakap niya kay Eric

.

Bahagyang lumayo si Eric at inayos ang kanyang nagusot na damit.


"Huwag mo akong hawakan Vincent." mariin at naiiyak na wika ni Lally ng akma siyang hawakan ni Vincent.


Halos hindi makapaniwala sa sarili si Lally sa kanyang nasaksihan. Ang akala niya na ang kinalolokohan ni Vincent ay isang babae. Pero nagkamali siya. Isang lalaki.


Halos marindi si Russel sa tinis ng tili ni Toni sa pinapanood nilang "My Husband's Lover."

"Ang ingay mo!" inis na turan ni Russel kay Toni habang kumakain sila ng ceasar salad.

"Oh my God! Na-Julie Andrews sila!" maarteng turan ni Toni habang iwinawasiwas ang throw pillow na hawak niya sa mga hita niya.

"Ang OA mo ah!" ani Russel sabay kagat sa isang hiwa ng carrot.

"Wow! As if hindi ka nakaka-relate dito!" pang-aasar na wika ni Toni kay Russel.

Natahimik bigla si Russel sa sinabi ni Toni. Tama naman kasi si Toni. Dahil ang sitwasyon nina Lally, Eric at Vincent sa "My Husband's Lover" ay nangyari na rin sa totoo niyang buhay. Nagbuntung-hininga ito sabay tayo at nagtungo ito sa kusina. Binuksan niya ang ref at kinuha ang fresh mango juice na ginawa niya kanina.

Parehong "out" sina Russel at Toni. Pero hindi mo masasabing katulad sila ng "iba". Hindi sila nagbibihis ng damit pambabae. Pero sa lagay ni Russel, hindi mo makikitaan na "gay" siya. Guwapo kasi siya, matikas tumayo, medyo moreno at para siyang isa sa mga hot models na makikita sa mga adult magazine. Hindi katulad ni Toni na napaka-feminine kung kumilos.

"Bet na bet ko ang drama-serye itey!" dinig na dinig ni Russel ang maarteng boses ni Toni hanggang sa kanyang kusina.

Pagbalik ni Russel sa sala ay nakita na niyang nag-aayos na si Toni. Dumaan kasi si Toni para makinood lang ng paborito niyang drama-serye na "My Husband's Lover". Mag-isa kasi si Russel na nangungupaan sa isang 2-story apartment.

"Saan punta mo?" tanong ni Russel.

"May booking ako.... charot!" natatawang sambit ni Toni. Ang totoong pangalan ni Toni ay Mark Anthony.

My Mom's Lover (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon