"Bakla, dito muna aketch burlogs sa pad mo ha. See, ang lakas ng ulan sa labas.." silip ni Toni sa bintana ng apartment ni Russel. Alas nuebe na kasi ng gabi iyon at medyo inabot pa si Toni ng malakas ng ulan kaya hindi na siya makakauwi.
"Sige, bahala ka." sang-ayon naman ni Russel. Wala na rin siya magagawa dahil nagpasabi na si Toni na makikitulog siya.
"Movie marathon tayo..."agad na suhestiyon ni Russel dahil may kasama na siyang manood.
"Bet ko manood ng chuk-chak." biro na wika ni Toni. Humalakhak agad ito ng makita ang reaksyon ni Russel na nakasimangot.
"Gusto mo ba umuwi sa inyo na basa Mark Anthony?" inis na turan ni Russel. Kanina pa kasi siya pinapaamin ni Toni kung may sex ba na nangyari sa kanila ni Gio. Siyempre, hindi niya ito puwedeng sabihin dahil pribado ito kahit bestfriend niya si Toni.
"No no no no way!!" kantang wika ni Toni. Ginaya pa niya si Jessica Sanchez sa tonong And I Am Telling you Im not Going na kanta.
"Yun naman pala. So behave ka ha Toni." wika ni Russel at hinawakan niya ang ulo ni Toni.
"Bakla, di ako aso..". tabig ni Toni sa kamay ni Russel.
Bumabawi lang ako sayo. Bahay ko kaya ito.
Natatawa naman na naghanap si Russel ng dvd na kanilang panonoorin.
"Total, makikitulog ka dito, magluto ka nga ng potato fries. Snack natin habang nanonood tayo. " utos na wika ni Russel. Hawak ang dvd na puro harry potter movies ang laman.
"Kanina aso, ngayon muchacha aketch???"iritang tanong ni Toni.
"May reklamo ka?"
"Ay hindi po senyora, heto na po at tatayo na at magbabalat na ako patatas." nag-ala Princess Sarah pa ang bakla.
"Gaga, hindi mo bagay maging Princess Sarah." birong wika ni Toni.
"Tse!" irap ni Toni at nagtsunami-walk na nagtungo ito sa kusina.
"Make sure hindi sunog yung lulutuin mo ha!"pahabol na wika ni Russel kay Toni.
"Yes Madam Rochelle." sigaw naman ni Toni mula sa kusina.
"F*ck you."inis na sagot ni Russel. Ayaw niya kasi tinatawag na Rochelle dahil kung babae daw siya, dapat Rochelle ang ngalan niya. Pakana ito ni Toni dahil may alyas pa na binibigay pa sa kanya.
Aayusin na sana ni Russel ang kurtina ng kanyang bintana ng mapansin niya na may taong nakatayo sa labas ng gate. Medyo kinabahan siya baka magnanakaw iyon. Muli siyang sumilip at agad niya nakilala ang taong nasa labas ng kanyang gate.
"GIO?!!"
Agad kumuha ng payong si Russel at mabilis na lumabas ito sa kanyang apartment.
"Gio, anung ginagawa mo dito sa apartment ko at nagpapakabasa ka. Halika ka nga dito." alalang wika ni Russel at pinasukob niya sa kanyang payong.
Yumakap si Gio at biglang itong umiyak kay Russel.
"Wala na kami ni Monika. Pinalayas na niya ako." sumbong na wika ni Gio. Nanginginig pa ang kanyang buong katawan dahil sa lamig.
"Pumasok ka muna sa aking apartment at magbihis ka. Baka magkasakit ka pa." turan ni Russel.
Magkasama na pumasok sina Gio at Russel sa apartment. Agad kinuha ni Russel ang sarili niyang tuwalya at iniabot niya ito kay Gio.
"Sandali lang at kukuha ako ng damit mo. Tanggalin mo yang basa mong damit doon sa banyo." sambit ni Russel at itinuro niya ang banyo ng kanyang apartment. Nagtaka siya kung paano nalaman ni Gio ang apartment niya. Tatanungin na lang niya ito pagkatapos makapagbihis nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/40331841-288-k265196.jpg)
BINABASA MO ANG
My Mom's Lover (M2M)
General Fiction[COMPLETED] "Ano sa tingin mo sa amin? Barbeque?? Na isang tuhog lang ay puwede mo kaming kainin sabay-sabay?! " Paano kapag ang isa sa mahal mo sa buhay ay kaagaw mo sa pagmamahal sa taong pinakamamahal mo? Dito masusukat kung saan hanggang ang puw...