Author's Note: Maghanda po kayo ng tissue.. haha..kasi super intense ang chapter na ito.
Why you are so tagal?" asik na tanong ni Toni kay Russel. Halos kalahating oras na kasi siyang naghihintay sa labas ng apartment. Wala kasi ang landlady ng nasabing apartment kaya hindi agad siya nakapasok. At isa pa, wala naman siyang duplicate key na hawak sa apartment ni Russel. Nagtext kasi ito na pupunta siya sa apartment ni Russel.
"May date kasi ako eh."ngingiting-ngiti na wika ni Russel habang ipinapasok niya ang susi sa door knob ng kanyang pintuan.
"Bakla!!! May bago ka na lulurki???" gulat na tanong ni Toni.
"Gaga, OA mo, pumasok ka na nga!"
Nagtsunami walk pa si Toni bago ito umupo sa malambot na sofa ni Russel. Nauna pa ito pumasok kay Russel.
"Aminin mo nga teh, may bagong lulurki ka na?" muling usisa ni Toni.
"Wala, hindi mo ako katulad na malandi ka." prangkang turan ni Russel sa kaibigan niyang si Toni.
"And why your eyes are shining like a diamond in the sky? Alam ko na may bago kang ka-chuk-chak!" walang kapreno-prenong turan ni Toni.
"Hay naku, ewan ko sayo!" turan ni Russel at umupo din ito sa sofa.
"Sino ba itey? Spluk mo nga!" pamimilit ni Toni kay Russel.
Natatawang tumingin si Russel kay Toni. Alam na hindi siya titigilan ng baklang ito kung hindi siya magsasabi. Napaka-obvious kasi yung saya na nadadarama niya ngayon. Kinilig kasi siya sa eksena nila ni Gio kanina sa restaurant.
"Spluk na ah! Listen aketch!" namilog pa ang mga mata ni Toni at tinitigan niya si Russel.
"Okay fine. Nagkita kami ulit ni Gio." pagsasabi ng totoo ni Russel.
"WHAT???????!!!!!" sigaw ni Toni kay Russel.
"Napaka-OA mo bakla ka!" inis na turan ni Russel kay Toni at kinuha ang throw pillow at ibinato sa kaibigan niyang bakla.
"Are you insane bruha ka??!! Di ba pinili ni Gio ang mother earth mo tapos makikipagkita ka pa dun sa ex mo? Tanga lang teh???" maarteng turan ni Toni at pagkuway binato niya ang throw pillow. Tumama ito sa mukha ni Russel.
"Quits lang tayo sis!" peace-sign na sabi ni Toni.
"Dinalaw niya ako sa clinic eh." dugtong amin ni Russel.
"Tapos?" naka-arko pa ang kilay ni Toni na nagtanong.
"Basta!" tumayo si Russel at tinalikuran niya si Toni.
"Hahaha, nagchuk-chak kayo anu?"
Namula si Russel sa kawalang prenong tanong ni Toni. Buti na lang ay agad siyang nakatalikod kundi makikita siya ni Toni na pulang-pula ang kanyang pagmumukha.Alangan kasi sabihin niya na nag-sex sila ni Gio sa loob ng kanyang clinic. Ang mga bagay na ito ay personal na lang niya tinatago dahil hindi siya sanay pag-usapan ang sex experience niya.
"Ewan ko sayo. Bihis muna ako." pamamaalam ni Russel kay Toni at nagtungo na ito sa kanyang kuwarto sa ikalawang palapag.
Dinig ni Russel ang malanding tawa ni Toni habang naghahanap ito ng makakain sa kanyang kusina.
--------------
"Dumating na ba si Monika, Nanay Ysabelle?" tanong ni Gio sa kasambahay nila. Mag-aalas-singko na kasi dumating ito sa mansion.
"Opo Sir Gio. Gaya pa rin kaninang umaga ay nakabusangot pa rin ang pagmumukha nito." mahinang sumbong ni Nanay Ysabelle.
Napatawa naman si Gio sa paglalarawan pa ni Nanay Ysabelle sa mukha ni Monika.

BINABASA MO ANG
My Mom's Lover (M2M)
General Fiction[COMPLETED] "Ano sa tingin mo sa amin? Barbeque?? Na isang tuhog lang ay puwede mo kaming kainin sabay-sabay?! " Paano kapag ang isa sa mahal mo sa buhay ay kaagaw mo sa pagmamahal sa taong pinakamamahal mo? Dito masusukat kung saan hanggang ang puw...