"Damn you Gio!!!" galit na wika ni Monika sa loob ng kanyang opisina. Nakatatlong beses na siyang tumatawag pero hanggang ngayon at hindi naman sinasagot ni Gio ang kanyang cellphone.
"I know where you are!!!" galit na galit ibinagsak ni Monika ang hawak na telepono. Alam niya na pinuntahan niya ang "bhe" na binanggit niya kagabi habang may ginagawa silang kalaswaan sa kanilang garden.
Malakas na napabuntong hininga si Monika at bigla niya naalala ang eksena kung paano niya nakilala at pumasok sa buhay niya si Gio.
START OF FLASHBACK...
"Kumusta na pala ang nanay mo Gio?" alalang tanong ni Monika kay Gio habang busy ito sa kanyang trabaho. Iisa kasi ang kompanyang pinagtratrahuan nila. Siya ang nagpapasok kay Gio bilang kapalit sa pagligtas sa kanya noon sa mga holdaper. Pauwi na kasi siya noon mula at pasakay na siya ng taxi ng biglang may humarang sa kanya. Nagkataon na nasa talyer ang kanyang kotse noon kaya napilitan siya mag-commute at makipag-agawan sa mga taxi sa kapwa niyang pasahero. Biglang hinablot ang kanyang bag ng isang holdaper at nagkataon nandoon si Gio na bumibili ng palamig at fishball sa mga street vendors. Humingi ng saklolo si Monika at hinabol ito ni Gio. Sa kabutihang palad, nabawi ito ni Gio at binigay niya ito kay Monika.
"Salamat.."ngiting wika ni Monika kay Gio ng iabot ng binata ang kanyang bag.
"Walang anuman. Sa susunod mag-ingat ka na ha, lalo dito sa part na ito. Maraming mga nagsikalatan na holdaper ngayon. Lalo na araw pa ng suweldo." ngiting tugon ni Gio.
Napangiti si Monika sa sinabi ni Gio. Tila ramdam niya na napaka-sweet ang binata.
"Ohh, by the way, my name is Monika. And you are?" pakilala ni Monika sa kanyang sarili. Kailangan niya makuha ang pangalan na nagligtas sa kanya.
"Gio." muling ngiti na wika ni Gio kay Monika.
Hindi maiwasan ni Monika na humanga sa taong nagligtas sa kanya. Naguguwapohan kasi siya at napaka-gaan niya makipag-usap kay Gio.
"Baka gusto mo kumain muna tayo, bilang pasasalamat ko sa pagliligtas mo sa akin." alok na wika ni Monika kay Gio.
"Salamat na lang, pero kailangan ko muna maghanap ng trabaho eh." saad ni Gio.
Tila agad napansin ni Monika na nakabihis ng red long sleeve at gray na pants at naka-top sider shoes pa si Gio.
"Ganun ba, ano ba ang inaaplyan mo?" usisang tanong ni Monika. Hindi niya tuloy napigilan ang magtanong kay Gio.
"Kahit ano, di naman ako choosy."wika agad ni Gio.
"May resume ka ba?"muling tanong ni Monika.
"Siyempre naman."
"Puwede ko ba tingnan?" giit na wika ni Monika.
"Sige, pero huwag mo pagtatawanan ang picture ko ha, ang pangit ko diyan."tawang wika ni Gio. Kitang-kita ni Monika ang cute na dimple sa kanang pisngi ni Gio.
"Ang guwapo mo kaya." natatawang sambit ni Monika.
Iniabot naman ni Gio ang long brown envelope na may laman na resume. Agad tiningnan ni Monika ang nasa loob ng long brown envelope.
"Hala, ang pangit talaga ng ID picture ko." lait na wika ni Gio sa kanyang sarili at muli itong tumawa.
Napangiti naman si Monika sa nakita niyang resume. Biology student din pala ito pero under graduate. Katulad niya ng kanyang anak pero nag-aaral ito sa America.
"Can I get your resume?" tanong ni Monika kay Gio ng makita na niya lahat ang mga personal information na nakasulat sa kanyang resume.
"Hala, bakit? Yan na lang yung natitira sa akin kasi naipasa ko na yung dalawa sa mga inaplyan ko." sambit ni Gio.
"Di ba sabi mo, you need a job?" turan ni Monika.
Nag-nod naman si Gio bilang pag-oo nito. Nagtataka lang siya kung bakit gusto niya kunin ang kaisa-isa niyang resume sa araw na iyon.
"Bakit mo ba kukunin?" muling usisa ni Gio sa kaharap niya.
"Because I'm gonna hire you. Magreport ka sa akin tomorrow at 8am ha." diretsong sagot ni Monika sa tanong ni Gio.
"Weh?, seryoso ka??" di makapaniwalang tanong ni Gio kay Monika.
"Seryoso ako. " ngiting sambit ni Monika.
"Di nga?!"
"Heto yung bussiness card ng company kung saan ako nagwowork."wika ni Monika, sabay bigay sa isang card galing sa kanyang bag.
Halos hindi makapaniwala si Gio ng mabasa niya ang kumpanyang nakasulat sa bussiness card na iniabot ni Monika sa kanya. Si Monika ang Chief Executive Officer dito.
"T-tanggap na ba ako?"mahinang tanong ni Gio kay Monika. Hindi niya inaasahan na kukunin siya ni Monika.
"Yes."ngiting sagot ni Monika.
Biglang hinila ni Gio si Monika at niyakap ng mahigpit.
"Salamat po!" maluhang-luha na sambit ni Gio.
Nabigla si Monika sa ginawang pagyakap ni Gio sa kanyang. Pakiramdam niya ay lagi siyang safe sa mga bisig ni Gio. Tila gusto niya rin na niyayakap siya ng binata.
-----------
Author's Note: Keneleg be keye? Haha anu ba yan, pabebe na akong magsalita. Please vote ang comment po. May libre kiss kay Gio ang magvovote at comment. Pwamis ^______^
BINABASA MO ANG
My Mom's Lover (M2M)
Ficción General[COMPLETED] "Ano sa tingin mo sa amin? Barbeque?? Na isang tuhog lang ay puwede mo kaming kainin sabay-sabay?! " Paano kapag ang isa sa mahal mo sa buhay ay kaagaw mo sa pagmamahal sa taong pinakamamahal mo? Dito masusukat kung saan hanggang ang puw...