Pagkatapos ang mainit nilang pagtatalik nina Gio at Monika, unang bumangon si Monika at agad niya tinungo ang shower room. Naalimpungatan si Gio ng marinig niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower room. Bumangon ito mula sa kanyang kinahihigaan at hinanap ang kanyang boxer short na inihagis niya kanina.
Tumayo ito at pinagmasdan ang kabuuan ng kuwarto ni Monika. Kasing-laki siya ng buong bahay nila noon. Sana ganito din sila kayaman. Maya't-maya biglang muling bumalik ang sinambit ni Monika sa kanya kanina.
Mahal daw siya ni Monika?
Ikinibit-balikat ni Gio ang sinabi ni Monika. Napagtanto niya kung bakit ganun kabait sa kanya ni Monika. Dahil mahal na siya ng kanyang boss. Pero ang tanong niya sa kanyang sarili ay kaya niya bang suklian ang nadadaramang pag-ibig ni Monika para sa kanya? Nangako kasi siya na hihintayin niya ang pinakamamahal niya. Tama, may iniibig na si Gio. Nag-aral ito sa America upang magpadalubhasa sa pagiging doctor. Nangako ito na babalik siya dito sa Pilipinas.
Napadako si Gio sa tinutukoy ni Monika na kuwarto. Marahan niyang pinasok at pinag-aralan ang kabuuan ng nasabing kuwarto. Sa pagkakawari niya ay kuwarto ito ng lalaki dahil halos panlalaki ang mga kagamitan. Kasing luwag at kasing-laki din ito sa kuwarto ni Monika. Muli niya itong nilibot at nakita ang isang larawan. Isang binata. Namutla siya sa kanyang nasaksihan.
"Nandito ka pala sa kuwartong ito."ngiting wika ni Monika. Nakabalot ng robe ang buo niyang katawan.
Nagulat si Gio ng nasa bungad ng pintuan ng kuwarto si Monika.
"Ah.. nililibot ko lang itong kuwarto na tinutukoy mo." utal na wika ni Gio.
Muli niyang pinagmasdan ang binata na nasa larawan. Kilalang-kilala niya ito.
"Kaanu-ano mo siya?" mahinang tanong ni Gio, hawak na niya ang photo frame at ipinakita ito kay Monika.
"He is my son. Si Russel."diretsong sagot ni Monika at kinuha niya ang photo frame na hawak ni Gio.
Napalunok si Gio sa kanyang narinig. Anak ni Monika si Russel?
"A-anak mo si Russel?" pagkukumpirmang tanong ni Gio kay Monika.
"Yes. Kilala mo ang anak ko?" pabalik na tanong din ni Monika.
Hindi puwede ito! Anak ni Monika si Russel! Si Russel ang hinihintay ni Gio at pinangakuan na magsasama sila pagkatapos siya mag-aral sa America.
"M-magkaklase kami noon nag-aaral ako pa sa college.."utal na wika ni Gio. Hindi niya puwedeng sabihin na sila ni Russel.
"Oo nga pala anu, nag-aral ka din pala ng Biology. Mabait yan anak ko, pero he is gay." ngiting turan ni Monika.
"Kahit isang bakla ang anak ko ay pinalaki ko naman siya ng maayos. Siya yung tinutukoy ko sayo na nag-aaral sa America." dinig ni Gio ang sinambit ni Monika tungkol kay Russel.
Napaupo si Gio sa isang upuan dahil nanghina ang kanyang mga tuhod sa kanyang natuklasan. Mahal siya ni Monika pero mahal naman niya si Russel. Ang masaklap dito ay mag-ina pa sila.
---------------
"Baka hanapin ka ng aking ina na si Monika." mahinang wika ni Russel kay Gio habang kumakain sila sa isang restaurant.
Uminom si Gio ng malamig na fresh pine-apple juice at hinawakan niya ang kamay ni Russel.
"Hindi naman niya alam eh. Bati na tayo di ba, hindi ka na galit sa akin di ba?" samong wika ni Gio kay Russel.

BINABASA MO ANG
My Mom's Lover (M2M)
General Fiction[COMPLETED] "Ano sa tingin mo sa amin? Barbeque?? Na isang tuhog lang ay puwede mo kaming kainin sabay-sabay?! " Paano kapag ang isa sa mahal mo sa buhay ay kaagaw mo sa pagmamahal sa taong pinakamamahal mo? Dito masusukat kung saan hanggang ang puw...