Paggising ni Gio ay nag-iisa na siya sa kanilang kama ni Monika. Marahan siyang humikab at ini-unat ang kanyang mga kamay, sabay kuha sa cellphone niyang Iphone 6 plus sa tabi ng kanilang higaan. Pasado alas-otso na ng umaga ng tingnan niya ang orasan sa kanyang cellphone. Inilapag niya ang kanyang cellphone sa ulunan nito at tumingin ito sa itaas ng kanilang kuwarto. Sinikap niyang inaalala ang nangyari kinagabihan.
Napaawang ang bibig ni Gio at hinimas ang mukha nitong ng maalaala na niya kung bakit nagtampo at nagalit sa kanya si Monika. May nabanggit kasi siya na agad ikinatampo ng kanyang kasintahan.
"Oh God!" sambit ni Gio sa kanyang sarili. Naabutan niya noon si Monika kagabi na pagilid itong natutulog. Bukod pa diyan, nilagyan niya pa ito ng dalawang malalaking unan sa gitna ng kanilang kama. Hindi na rin niya nakuhang kausapin si Monika at nagbabakasali siya na magkakaayos sila sa kinaumagahan.
Nagpakawala ng buntung-hininga si Gio at kinuha niya ang kanyang cellphone. Sa isang folder ng kanyang cellphone , isang larawan doon ang nakakubli na lingid ito sa kaalaman ni Monika. Pinagmasdan niya ito.
"Sorry bhe.. ginamit ko lang ang utak ko kaya nagawa ko ito." wika ni Gio sa kanyang sarili. Lumaglag ang namuo niyang luha dahil hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ang taong nasa larawan ng kanyang cellphone.
START OF FLASHBACK
"Si Inay?? Anong nangyari sa kanya Marc?" nag-aalalang tanong ni Gio sa nakakabata niyang kapatid na si Marc. Nasa loob ng ICU ang kanyang ina at kagagaling lang ni Gio sa kanyang trabaho. Humahangos ito dumating sa hospital dahil tumawag si Marc ng mabalitaan niyang isinugod sa hospital ang kanilang ina.
"Bigla siyang nawalan ng malay kanina kuya habang nagluluto siya sa kusina." mangiyak-iyak na sumbong ng labin-walong taon na si Marc. Limang taon ang tanda ni Gio sa kanyang kapatid na si Marc.
Tumingin sa maliit na bintana at sinilip niya ang kanyang ina. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita niya ang mga aparato na nakakabit sa patpating katawan ng kanyang ina. Hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon at napaiyak ito dahil nahabag siya ng husto sa kaawang-awang sitwasyon ng kanyang ina.
"Nakausap mo na ba ang doktor?" mapiyok-piyok pa ang boses ni Gio na nagtanong sa kanyang kapatid na si Marc. Ayaw niya kasing umiiyak sa harapan ni Marc.
"Hindi pa kuya." mahinang sagot ni Marc.
Maya-maya pa lumabas ang doktor na sumuri sa nanay nilang magkapatid sa ICU. Mabilis na sinalubong ni Gio ang doktor na nasa edad kuwarenta. Matipuno at may hitsura din.
"Doc, kumusta na po ang inay namin?" mabilis na tanong ni Gio. Bakas sa mukha nito ang takot at kaba sa anumang isasagot ng doktor.
Nagpakawala ng buntung-hininga ang doktor at seryosong tumingin ito kay Gio. Medyo nailang si Gio sa pagtitig sa kanya ng doktor at nilipat niya ang tingin ito sa kanyang kapatid. Kapwa silang kinakabahan sa sasabihin ng doktor.
"Didiretsuhin ko na kayo.." panimula ng doktor. " Ang inay ninyo ay may sakit sa puso. Kailangan niya sumailalim sa heart transplant otherwise..."
"Magkano po ang heart transplant?" agad na tanong ni Gio. Alam na niya ang gustong iparating ng doktor. Ayaw niya kasi marinig iyon.
"Magastos ito iho. MILLIONS. Hindi lang isang milyon ang magagastos kundi nasa sampung million. Excluded pa diyan ang mga ilang gamutan na kailangan niyang inumin o gawin after the heart transplant." seryosong sagot ng doktor.
Napalunok si Gio sa kanyang narinig. 10 MILLION. Ni wala pa isandaan libo ang kanyang savings sa bangko. Saan siya kukuha ng 10 MILLION??
"But I can't give you the 100% assurance that she will be recovered after the heart transplant. Depende kung kakayanin ng inyong ina. She is not healthy enough." turan ng doktor.
Aminado si Gio na napakapayat na ang kanyang ina. Nag-iisa na kasi ito. Iniwan sila ng kanilang hayop na ama at sumama sa isang mayamang matandang dalaga. Araw-araw kasi nagtratrabaho ang kanyang ina. Gumagawa kasi ito ng kakanin sa hapon at naglulugaw siya sa umaga. Ginagawa niya ito para sa pandagdag gastusin nila sa araw-araw. Gusto niya kasi ipakita na kaya niyang buhayin sina Gio at Marc kahit wala na siyang asawa.
Hindi na napigilan ni Gio na muling umiyak. Hindi na niya ito naikubli sa kanyang kapatid. Hindi pa daw sigurado na mabubuhay ang kanyang ina kung sasailalim ito sa heart transplant. Pero saan naman siya kukuha ng sampung million??
"Kailangan maisagawa ang kanyang operasyon sa madaling panahon iho. Sige, mauna na ako." wika at tapik sa balikat ni Gio ng doktor at nilisan na niya ang kinatatayuan ng magkapatid.
"Kuya Gio..." tigalgal na boses ni Marc na lumapit sa kanyang kuya na si Gio.
"Sisikapin ko na maisagawa ang heart transplant ni Inay." turan ni Gio, habang nakatingin ito sa kisame. Nag-iisip kasi siya kung saan siya kukuha ng pera.
"Kuya Gio.. "muling tawag ni Marc sa kanyang kapatid. Hindi niya alam kung paano niya sabihin ang natanggap niyang text sa kapitbahay nila.
"Bakit?"
"Kuya... na-nasusunog daw ang lugar natin.." utal na wika ni Marc. " Nagtext sa akin si Karlo."
"ANO?!!!" di makapaniwalang-tanong ni Gio.
Ka-malas naman!! Ano ba ang kasalanan namin?!! Bakit ganito kasaklap ang buhay namin!! Bakit?!!!!!
"KUYAA!" sigaw ni Marc ng makitang nanghina at hinimatay ang kanyang kuya na si Gio. Hndi na niya kinaya ang mga masasaklap na pangyayari na nangyari sa loob ng isang araw.
END OF FLASHBACK**
Kinuha ni Gio ang kanyang kumot at pinunasan ang kanyang mga luha sa mata. Hindi niya kasi maiwasan umiyak kung nasasagi sa kanyang isipan ang ganung kasaklap na alaala.
Muli niyang tiningnan ang taong nasa larawan sa kanyang cellphone. Minasdan niya ito ng husto. Kapag nakakadarama siya ng pagkalungkot, lagi niya ito pinagmamasdan.
"Hindi pa r in kita kayang kalimutan sa kabila na may karelasyon na ako. May puwang ka pa rin dito.." wika ni Gio sabay turo sa kanyang dibdib.
"I still love you... RUSSEL.."
========================
ITUTULOY!
AUTHOR'S NOTE:
Sana po magcomment po kayo para sa ganun mapaganda ko pa ang story na ito. Votes and comments are highly appreciated! Thanks so much! :)

BINABASA MO ANG
My Mom's Lover (M2M)
General Fiction[COMPLETED] "Ano sa tingin mo sa amin? Barbeque?? Na isang tuhog lang ay puwede mo kaming kainin sabay-sabay?! " Paano kapag ang isa sa mahal mo sa buhay ay kaagaw mo sa pagmamahal sa taong pinakamamahal mo? Dito masusukat kung saan hanggang ang puw...