VIII. Kapirasong Pag-amin

9 2 0
                                    


Pinilit na itunuwid ang
pumipilipit kong dila upang maging
Plantsado at praktisado ang
pagbitaw ng bawat parirala-
Tantsado ang mga hakbang,
Tiyak ang patutunguhan;
Tumpak, sipat na sipat sa
tapat ng mapupungay mong mata, ang bawat
Titig kong sumasabay sa ritmo ng
Himig ng pumipintig kong
pusong uhaw-
Gutom, naghihikahos sa pag-ibig mo.
Sa pagtangkang paglapit sa'yo'y
Pagbuhol ng dila at pagnginig ng paa ko-
Habang nakasilay sa
Unti-unting pagtayo, pagtalikod
at pagtakbo mo papalayo.






On Bridges That We BurnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon