hubarin mo ang iyong mga saplot,
nang marahan, mabagal-
indahin ang kirot at piliing
manoot at magpeklat sa balat
ang nagdurugo mong mga sugat,
hanggang mamukadkad
ang iyong katawan
sa kapirasong liwanag
at aking maaninag-'wag takpan ang kahubaran-
at bigyang kalayaan ako
na baybayin ang bawat piraso,
ang mga anggulo,
ng mga lihim mong sikreto
sa mga pasa,
sa bakas ng natuyong luha,
sa mga kalmot,
at mga gunita
na pilit mong binabaon sa limot,
hayaan mong maging lunas
ang aking mga halik
at haplos
sa sakit na dinaranas,
ng puso mong naaagnas.
BINABASA MO ANG
On Bridges That We Burned
PoesíaA collection of unsaid words and feelings dedicated to the people I once loved and cherished.