Babagtasing muli't tatahakin ang mga pasilyo na
Nagsilbing kanlungan ng nakaraan,
Ngunit 'di gaya ng dati-
Ang mga hakbang ay magiging magaan.
'Di daramdamin ang sakit at poot na
nanunuot sa pusong
Winasak ng mga bubog na
Napulot mula sa mapanirang pag-ibig.
Susulong ako, patungo sa dulo.
Tatatakbo papalayo-
Magiging malaya,
Hanggang sa maging simbulo;
Ang bawat madaanang establisyemento-
Ng katapangan sa 'di paglingon pabalik,
Sa bawat bakas mo.

BINABASA MO ANG
On Bridges That We Burned
ŞiirA collection of unsaid words and feelings dedicated to the people I once loved and cherished.