IV. Kay Magdalena

13 4 0
                                    

Hubo't hubad akong haharap.

Ilaladlad ang bawat
peklat at naglalangib na mga sugat-
Ipapagpag, ibabalandra
ang mantsa,
dumi: Walang ititira.

Hubo't hubad akong haharap.

Suriin mong maiigi
ang bawat
anggulo
ng aking pagkatao,
Bulatlatin ang
pinakatago-tago kong
sikreto;

Hubo't hubad akong haharap.

Sulyapan mo- sukatin na rin
ang lalim ng kaluluwa,
Abutin ang rurok
Na 'di naabot
ng mapanlinlang na
mga mata.

Hubo't hubad akong haharap,
'Wag ka sanang umiwas ng tingin-
Hagkan, yapusin mo
akong hangal,
mahalin.

On Bridges That We BurnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon