Chapter 4: Footlong

80 53 3
                                    

Kapag may gusto, may paraan

Pero bakit ang gaya ko ay hindi makagawa ng paraan para makausap sya? What the hell, Seven! Honestly malapit na lang mag Disyembre at hindi ko pa rin sya nakakausap at nalalapitan

I always looked at him from a far. Ewan ko nga, pero kada na lang malapit sya ay nahihiya ako at pakiramdam ko ay dinadaga ako. Anong karisma ba meron ang lalaking yun? He always makes me smile. Pero, pag nakikita ko naman eh lumalayo ako

I want to be his friend, yun lang yun. Pero, this past few days ay halos laging nagpaparinig si Wayne na may gusto daw sa akin si Jaypee. Ayos lang sa akin na gusto nya ako. Gusto ko pa rin namang makipag kaibigan sa kanya. Pero, kung gusto ng lalaki ng higit pa roon ay hindi ko na ito maibibigay pa

I'm straight guy and that was so impossible that I fall in love on one discreet gay like him

Tonight is the night. Medyo kakaiba ang gabing ito ngayon dahil ang lahat ay nasa baba ng bahay. Sa sala to be exact. Tulad ng sabi ko last time. Sama-sama kami rito. Meron lang iba't-ibang kwarto na sakto na para sa isang pamilya

Ako, My parents, My lil sister, My auntie, My Cousin---Wayne, and his lil brother Dayne. Also my grand parents

We watched a movie, biglaan lang rin naman ang pangyayaring ito. At mas maganda nga pag biglaan dahil natutuloy. "Bili tayo ng footlong" pagbibiro ni Wayne sa kanyang ina na tita ko naman pagbalik galing sa banyo - - - Si Tita Ivy.

"Ang kapal ng mukha!!" pagsigaw nito na halata namang biro lang. May nagtitinda kasi ng footlong rito sa amin. Halos dikit lang ng bahay, kaya hindi naman hussle

Sana pumayag

"Dali na Ta. Parang minsan lang" habol ng kapatid ko. "Oo nga Ivy. Manlibre ka naman" sulsol pa ni Papa na kanyang kapatid maging sina Papa Ed na Lolo ko. "Sige na nga" pag sang-ayon nito at kumuha ng pera sa kanyang wallet

Binilang muna nito ang bilang namin bago ibigay ang pera sa kung sinong uutusan nya. "One, Two, Three...." pagbilang nito. "Sige, limang footlong. Hati-hati na lang kayo tapos akin yung isang buo" at binigyan ako ng five hundred pesos. "Ikaw ang bumili"

Wait, ako? Nananahimik yung tao rito eh

Pero....

Hindi na ako umangal at kinuha na ang pera. At ng akmang susunod ang tatlo sa akin ay agad ko silang binalaan. "Walang susunod". Ngunit tumawa lang sila na medyo nakapag painis sa akin

I have a short temper. Mabilis akong mapikon sa mga simpleng bagay. Kaya minsan kahit magulang ko ay napagsasabihan na akong masama ang ugali

Na hindi ko naman itatanggi

"Sige, kayo bumili" seryoso kong turan at iniabot kay Wayne ang pera. Ngunit agad nya rin itong ibinalik sa akin at ngumuso. Parang hindi talaga high school kung umasta ang loko. "Ikaw ng bumili"

At sa aking pag labas ay rinig ko pa ang pagbubulungan ng tatlo ngunit hindi ko na sila pinakinggan

****

Halos pasado alas-otso na ng gabi ng makaramdam ako ng gutom. Nanonood ako ngayon sa kwarto ko ng isang K-movie dahil wala namang pasok. Kailangan ko na ring mag chill kahit na papano dahil sigurado akong tambak na kami ng gawain pag nagkataon

Graduating thingz!

Wala naman sanang problema. Kaya lang wala na akong makakakain. Ayoko na rin naman ng chips dahil andami ko ng nakain na chips. Ayoko rin namang magpa-deliver dahil sayang lang sa pera at wala rin naman akong kasama

Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon