Chapter 7: 12:00 PM

65 48 2
                                    

Nagdaan ang Pasko at Bagong Taon sa isang maayos na selebrasyon. Wala namang bago, ganon pa rin ang nakasanayan na Pasko. May mga nagpalitan ng regalo. Pumunta kami sa side nila Mama upang doon mag celebrate ng nasabing okasyon

Nang sumapit naman ang Bagong Taon ay sa side naman kami nila Papa nag celebrate kung saan kami nakatira. Ang lahat ng motor sa lugar ay sinimulan ang pagpapa ingay sa pamamagitan ng pag busina. Hindi rin nawala ang magagandang fireworks at syempre ang mga paputok at ang mga bata na nag-iingay rin sa pamamagitan ng torotot

Bawat bahay ay may iba't-ibang paraan para maging masaya ang dalawang okasyon. At ngayon, tapos na ang pagsasaya. Dahil, dumating na ang pinaka ayaw ng lahat ng estudyante... Ang pagbabalik ng klase o mas maganda kung tatawaging

Hell Month

"As of now, wala pa naman tayong gagawin" ani ni Sir Stan, na syang adviser namin. And as of now, I never thought na makakatungtong ako sa section kung nasaan ako. Ayos na sa aking nasa normal section ako, mas bawas ang atensyon ganon din ang mga bulung-bulungan sa paligid

I hate attention

"Canteen tayo?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Shan. "Let's go" tanging naisagot ko at bumaba na. Sa aming pagbaba ay halos ang daming tao sa canteen, naghahalo na ang mga amoy ng iba't-ibang pabango kasama ng mga pawis ng bawat isa na narito. Nakakasulasok. Ang sakit sa ilong

Hindi ako pumasok sa mismong canteen, dahil ayokong pagpawisan, meron pa naman kaming susunod na klase. Ayokong maging hulas. I just only wait for Shan to come back and finish buying his snacks

While I'm waiting, I saw a familiar figure of guy coming on my direction. Jaypee. But, instead of saying hi and approach him. Umiwas ako. Nahiya ako sa hindi maintindihang kadahilanan. Or maybe dahil may mga kasama sya na sa tingin ko ay mga kaibigan nya?

But, I don't give a fuck on it.

Naaalala ko pa din ang sinabi sa akin ni Wayne na may gusto sa akin si Fabela, and until now that thoughts of my self about that scenario keep flashing on my mind each time. And, it's weird

"Shan!!" pagtawag ko rito at mariin pang itinaas ang aking kamay upang makita nya. "Bakit andyan kana?" tanong nya ng makarating sa akin. "Hmm...Ang dami kasing tao". I looked at my direction earlier and Jaypee is still there

"Seven!!" Jaypee shouted. I look at him. Then he's smile. I want to greet him back, but there's something inside me that made me stop, so I only smiled at him back then pull my friend's arm then walk

"Di ka man lang nag hi sa tao" he stated habang kinakain ang rice meal na binili nya. I hissed. "Atleast ngumiti ako. Ayos na yun. Wag mo kong ineeme, alam mong ganito ang ugali ko eh" then chuckled nervously

Shan and I are friends kahit nung online pa lang ang klase. At kahit na ngayong taon lang kami naging mag kaklase eh halos kilala na namin ang isa't-isa. Kahit na minsan ay gago ang ugali nya, dahil sa pagkakaroon ng mood swing

Nasa classroom na kami at patuloy lang sya sa pagkain. Hindi na tuloy ako nakabili sa canteen dahil sa nakita ko sya at dahil na rin sa pagbati nya. Pero bakit naman kinabahan ako? It just a simple hi, Seven

Fix yourself

"Bakit tahimik ka?" pag-usisa ni Shan sa akin habang puno ang bibig. "Bakit kasi hindi ka bumili? Ano ka ngayon, gutom" then he bursted in so much laughing. The hell is he. "I'm not hungry, kaya nga di ako bumili. Crazy" at pagtapos nun ay iniyuko ko ang aking ulo sa mesa at iniisip kung bakit naging ganon ang tugon ko sa lalaki kanina

Wala namang masyadong ginawa sa buong araw, dahil kahit na hindi naman ito talaga ang simula ng klase ay nagpakilala lang ang lahat ng teacher namin sa bawat subject. Wala namang nagreklamo sa mga kaklase ko at ang lahat ay agad na nagbunyi

Wala akong sa mood na makipag usap sa kanila dahil sa hindi ko naman sila nakakausap bukod kay Shan. May mga iilan naman na akong naging kaklase sa kanila noon. Pero, sorry not sorry, wala talaga akong sa mood

Inihilig ko lang ang ulo ko sa mesa ng aking lamesa at doon natulog. Isang teacher nalang naman at isang oras na lang ang natitira bago tuluyang mag uwian. At kung ang iba ay nagce-cellphone, nakikipag-usap, at ginagawa ang kanilang mga hobbies, ako eto... natutulog

At sa oras na gumising ako, uwian na

****

"Class Dismissed" sabi sa amin ng aming adviser na si Ma'am Rox. Sya ang una naming teacher, pero dahil unang araw palang naman ng face to face ay bumalik sya sa amin para daw magpaliwanag sa mga bagay-bagay

This day isn't tired tulad ng inaasahan ko. Pero, mukhang mapapalaban na naman ako sa isang pag sha-shopping ng mga school supplies dahil ang daming pinapabili ng mga teachers

Lahat naman talaga ng teachers ay ganyan sa unang pasukan, kahit pa sabihin mo na may mga nasimulan na kami kahit papano ay parang nagsimula ulit ang lahat sa amin mula sa simula

When Ma'am Rox is done explaining everything, mabilis na akong bumaba. As of now, wala pa akong masyadong close sa section namin. Kahit na sabihin mong may mga nakakausap ako sa kanila ay iba pa rin kasi ang aura ng bawat isa sa personal

Nang tuluyan akong makababa sa building namin ay nakita ko ang pigura ni Seven na palabas ng establishimento. May kasama syang dalawang lalaki na sa tingin ko ay mga kaibigan nya. "Sev---". Agad ko itong naputol ng biglang may humampas sa likod ko, si Andrei at Lexie. Agad na hinanap ng paningin ko si Seven, but I'm failed

Wala naman na akong nagawa. Atleast my two friends is here. May mga iilang kilala naman na ako sa kanila and isa ang dalawang to. Saan ko sila nakilala? Nung oras na nagpalista ako para sa enrollment. I saw this two na sabay pumasok at umaakto sila na parang close na sa isa't-isa. They are also belong in third gender. And Lexie is kinda transgender person

Malapit na ron

Dahil ang haba na ng buhok nya at minsan ay nagsusuot sya ng mga iilang pambabae, pero pag asa private lang o kaya naman kami-kami lang. Also, make ups. Na madalas ako ang ang naglalagay. Ganon din naman si Andrei

Nang makalabas kami ng school ay para akong nakahiga ng maluwag. Gusto kong gumagala, pero pag practice and kahit na anong patungkol sa school ay nababaliw ako. Jaypee, fix yourself up. Nagsisimula pa nga lang kayo! Don't stress yourself

Sayang ang make up

I saw Seven right standing in front of elementary school, kasama ang mga kaibigan nya na nakita ko kanina. Para silang may hinihintay. When I saw him, agad kong sinabihan ang dalawa. "Bilis". They look dumbfounded when our eyes met but I don't care bout that

Lakad takbo ang ginawa ko. Nakatalikod si Seven at mabilis ko syang niyakap patalikod ng maabot sya. At hindi pa nakuntento dahil ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat. "Hi" I said then smiled

Nilingon nya kung nasaan ang ulo ko ngayon. Then he smiled awkwardly. Dahil sa naging reaksyon nya ay mabilis akong kumawala pero ako naman etong natutuwa sa loob. "Kaya pala ha!!" Andrei teases me at mahina pang itinulak-tulak papunta sa lalaki

Pinipigilan ko ang sarili ko na tumama sa kanya. Dahil habang ginagawa yun ni Andrei ay nakatingin lamang si Seven rito ng seryoso at kahit ako ay walang makitang emosyon sa kanyang mata. And his one friend na nasa gilid nya. Wait!! Sa gilid?! Kelan pa sya nagkaroon ng katabi dun?

"Hanep Seven!! May dumidiskarte sayo" but Seven did not answer. Ni hindi rin sya tumugon sa sinabi ng kaibigan nya kaya hindi ko nalaman ang pangalan nito. His attention is on me and on my two friends, pero mas nakatuon sya kay Andrei

"Gusto lang naman kitang gulatin" sabi ko at hinatak ang dalawa at parang kabayong naglakad

Ang dalawang to talaga! Mga bwiset!

Pero, kahit na. Ayos lang, Atleast , I hug Seven. Medyo hindi nga lang ganon ang inaasahan kong magiging reaksyon nya. Kahit na napaka saglit lang nun ay ayos na. Nag tama kaya yung mga mata namin. And that scenario exactly happen at 12:00 PM

Enebe!

Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon