Epilogue

41 19 1
                                    

Isang linggo ang nagdaan simula ng tuluyan nyang lisanin ang lugar kung saan ko sya natutong mahalin. Ang Jaypee Fabela na minahal ko sa kung sino sya ay tuluyan ng umalis

Ang tao na ginusto kong maging kaibigan hanggang mauwi sa ibi'gan. Hindi ko lubos maisip na ganon na pala kalayo ang nalakbay ko kasama sya, kahit na walang masyadong pag-uusap at tagpo

Ang tao na sinama ko na sa mga dasal ko. Ang tao na sinama ko na sa bawat lakad ko. Ang taong kasama ko maging sa panaginip ko. Ang taong akala ko ay hindi ako iiwan at patuloy na makakaintindi sa amin ay patuloy na rin akong iniwan

Nandito ako ngayon sa isang bench sa labas ng aming bahay. At nasa gilid nito ang gate ng apartment ni Fabela. Hapon ngayon kaya naman tumatama sa akin ang sinag ng araw para sa kanyang paglubog

Huminga ako at saglit na ipinikit ang aking mga mata at muling dumilat. "How are you, Fabela?" natatawa pa ako sa inasta ko, dahil parang sobrang layo nya. Samantalang parehas lang naman kaming nasa Metro Manila pa rin

"I'm sorry kung hindi kita binaba last week ha? Hindi ko intensyon na paghintayin ka. Kung alam mo lang kung gaano ako kapatay na makausap ka. Pero, hindi ko kasi alam kung paano ako makakapag react kapag kausap ka eh. Baka maiyak pa ako"

"But, honestly, thank you" I smiled. "Salamat sa pagiging inspirasyon ko kahit na hindi mo alam. Salamat sa kung paano mo ako napapangiti nung mga panahon na pagod na pagod ako sa mga school works ko. Salamat kung paano mo ko lalong pinatatag at pinatibay lalo na sa ngalan ng pag-ibig"

Kailan pa ako naging makata? Kahit na, moment ko to

"Kung iniisip mo man na puro ka sakit ng ulo sa akin" I chuckled. "Kung naririnig mo ko ngayon, sigurado akong sasabihan mo na naman akong nagdedelulu patungkol sayo. Pero, seryoso ako, hindi ka naging sakit ng ulo sa isang gaya ko. Kahit na pinagtabuyan mo na ako"

"Alam mo ba" patanong kong pag kausap sa aking sarili habang tinatanaw ang gate ng apartment kung saan sya nakatira nung nakaraang linggo lang. "Ikaw ang naging KUMPAS ko nung mga panahong pagod na ako sa mga school works ko at nung mga araw na lagi na akong nasisigawan, dahil wala na akong sapat na pahinga. I always think, what if you're my boyfriend that time. Mapagtya-tyagaan mo kaya ako?"

May luhang tumulo sa aking mga mata

"Sa sobrang pagka patay ko sayo, ang dami ko ng imaginations kasama ka. Pero, tama nga sila, may mga taong darating sa buhay mo ng panandalian para bigyan ka ng panibagong leksyon at mas lalo kang palakasin at patatagin. At ganon ang ginawa mo sa katulad ko, Fabela"

"Pero, saan ba pupunta kapag nasasaktan? Paano ko makakalimutan ang isang kagaya mo, kung ikaw lang naman ang minahal ko ng ganito? Sana, balang araw ay magkita tayong muli. At sana sa muli nating pagkikita ay wala na lahat ng sakit at pangamba na dala ng nakaraan. Pero, sa ngayon kailangan ko munang mapag isa at sanayin ang sarili ko na hindi na kita makikita at ihanda ang sarili ko kung sakaling mahulog ka sa iba, kasi ako sa ngayon hindi ko pa kaya"

"Alam ko namang darating din ang panahon na hindi man tayo makapag usap ng harapan ay makakapag usap tayong muli at lahat ng nangyayari ngayon ay tatawanan na lang natin. Pero, sa ngayon, titiisin ko munang wala akong komunikasyon sa iyo at tutulungan ko sarili ko na makapag move on sa isang gwapong discreet gay kagaya mo"

"At sa huling pagkakataon ay babanggitin ko muli ang tatlong salita kahit na alam kong wala akong karapatan at alam kong hindi mo naman maririnig"

I breathe

"Mahal Kita, Fabela", kasabay nito ang pagtugtog ng Back To December sa loob ng apartment na tinutuluyan nya - - - eksakto sa loob ng bahay nya. His Tita leave there

Talagang nakikiayon ang araw na ito sa akin ngayon

Nasa kwarto na ako ngayon at muling tumanaw. Kung saan ko sya unang nakita at nagnais na maging kaibigan sya. At doon ko lang napagtanto na ang lugar kung saan ko sya unang nakita at yun din ang lugar kung saan nya ako tinitigan bago sya tuluyang umalis

What a great coincidence

"See you when I see you, Fabela" I said at nahiga na sa aking kama

Sa ngayon ay masakit pa rin. Pero, alam kong maghihilom rin ang sugat na ito. At hindi ko lang lubos maisip na ganon kalakas ang pagmamahal ko para sa kanya

Umabot sa punto na magsulat ako ng istorya naming dalawa na pinamagatang 'Back To December' na ngayon ay binabasa mo na. Hindi ko rin maisip na nakagawa ako ng pitong tula para sa kanya. At gumawa ng sariling bersyon ng Back To December

Yes! What you thinking is right! This story is based on real life people, but not the happenings.

****

A/N: Author's Note will be posted soon. There's some announcements there that make you happy

I promise, baby */winked

And as a bonus here some places that on the story that literally existed:

*Place Where Jaypee Shout At Seven's Name

That's the exact location where Jaypee always shouts Seven's name

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

That's the exact location where Jaypee always shouts Seven's name. And it's also true that from that location it only takes you a minute to reach Jaypee and Seven's house

*Footlong Shop

That's the location of Footlong Shop where Jaypee and Seven buy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

That's the location of Footlong Shop where Jaypee and Seven buy. And, in front of that shop is the place where the 'Corner of the wall' happend
And now, that Footlong Shop is turn into mini store on some poultry

Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon