Chapter 1: Remembering His Actions

48 33 1
                                    

Naghanda na ako para sa pagpasok ko sa paaralan. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Dahil ba makikita ko ulit sya? Dapat nga ay masaya ako hindi ba, dahil makikita ko na sya? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako sa wala

Fix yourself, Seven

Pagkarating na pagkarating ko sa classroom ay wala sa mood kong ibinagsak ang aking bag at mabilis na isinalpak ang dalawang earpods sa magkabilaan kong teinga. At hinayaan na muling kumanta si Taylor Swift ng Back To December para sa akin

Hinintay ko lang ang pagdating ng una naming teacher. Buti na nga lang din at hindi ako kinulit ni Shan dahil wala rin akong sa mood na makipag kuwentuhan kanino man

Mabilis lang naman ang naging daloy ng aming talakayan. "Ok, class thank you for listening" sabi ni Sir Gabriel na syang teacher namin sa Electrical Installation. Pagkatapos nun ay agad akong bumaba sa canteen para mag recess. Hindi bumaba si Shan ngayon at ayos lang sa akin ang bagay na iyon

Pagkababa ko ay agad syang nahagip ng aking mata. Agad na sumilay sa aking labi ang ngiti na ilang araw ring hindi nagpakita sa akin. Kausap nya ngayon si Ash at mukhang masaya naman sya na wala ako

Tama, he's happy without me. Sino ba naman ako para maalala nya? Malay mo nga ay ginagago lang ako ni Wayne ng sabihin nyang may gusto sa akin ang lalaki at ako naman ay ang tanga na nahulog sa patibong

Nope. Hindi ganon si Wayne

Akmang lalapitan ko sya ngunit umalis na sila si Ash para bumili. I want to approach him so bad, but I don't have perfect time. Ayoko namang sabihin kay Ash na "kausapin ko muna si Fabela" dahil sigurado naman akong magtataka yun

All my classmates know na magkakillala kami ni Fabela dahil sa magkapit bahay lang kami. However, we're not close. Dahil sabi ni Ash ay naku kwento raw ako ni Fabela sa kanya minsan

I smiled, because of that scenario

Kinukwento nya ako sa kaibigan nya. What a wonderful feeling

Marahan kong sinampal ang aking pisngi dahil sa aking naisip. "Fabela. Kinuwento ka lang ng tao bilang kaibigan. That's all, Seven" pag kausap ko sa sarili. Kasabay nun ang pagguhit ng lungkot sa aking mukha at ang pagtama ng aking paningin sa sentro ng court na ngayon ay walang tao

Naglakad ako patungo roon. umupo sa upuan na nasa gilid. At sa hindi malamang kadahilanan ay tila may isang ala-ala akong nakita sa gitna nito

Ito ay yung araw ng event sa school. Kung saan nagpa-picture sa akin si Fabela. Ngunit may isang scenario ang nagtagal sa akin. Ito ay ang paglakad takbo ko sa kanya para yakapin sya. Nakatulala lang ako rito habang pinagmamasdan ang bagay na alam kong ako lang ang nakakita

At ang bagay na malabo ng mangyari pa

Mabilis akong tumayo at naglakad pabalik sa classroom ng maramdaman kong humapdi ang aking mata, hudyat na may lalabas na luha rito. Ayokong umiyak

Nasa ulirat pa rin naman ako ng magturo ang mga teacher namin. Dahil hindi ko naman sya naiisip kapag may mga teacher na pumapasok na. Huwag kang talagang mababakante dahil tiyak na mawawala ulit ako sa huwisyo

Sumapit ang oras ng uwian, kasabay ko ngayon si Shan at tumigil kami sa harap ng school na nasa labas lang rin namin. Ang eskwelahan kung saan naganap ang pagyakap sa akin ni Fabela

I ask Shan what are we doing here. At sinabi nya ay may titingnan lang sya. So, i nodded. At habang may hinihintay sya, ako naman ay palinga-linga na tila ba may hinahanap na isang tao na gusto ulit masilayan

Not until... someone bump me. I looked at them. And the guy says, "Sorry po" na tinitigan ko lang. I sighed. "Akala ko ikaw na" I whispered. Paulit-ulit pa rin ako sa aking ginagawa kahit na alam kong nagmumuka na akong tanga

Pag may nakikita akong naka suot ng stripe na polo ay agad akong napapalingon dahil yun ang madalas na pormahan nya. Pero sa oras na lumalapit na sa akin ang mukha ay nawawalan ako ng pag-asa. Hindi sya

After a couple minutes, Shan told me that we need to go. Mabilis ang aking naging pag sang-ayon dahil sa totoo lang ayoko ng magtagal pa roon. Not because, it's too hot because the ray of the sun kept hugging me

It's all because, I don't want to remember him on that place. That's one time, he'll appear at my back again, hug me, and smiled at me. Pinagtulakan mo nga , Seven eh. Bakit ba ako umaasa sa mawala eh masaya na sya ng wala ako

Naghiwalay na kami ng direksyon ni Shan. At ng malapit na ako sa bahay namin. Na sa tingin ko ay lima hanggang sampung minuto ay tinanggal ko ang suot kong earpods. Ugali ko kasi na kapag naghihiwalay kami ni Shan ng pwesto ay nag-e-earpods ako

But this time, I remove

Magmumuka akong sinungaling kapag sinabi ko na hindi ko hinihintay ang sigaw ni Jaypee. Yes. I'm waiting on him, even that's so impossible. I remove my earpods because I'm still hoping that he will shout my name from my back

And this time, I'll turn to him

Pero, bakit ba ako nananaginip ng gising? Ni wala ngang estudyante sa likod ko. Para akong tanga na palingon-lingon sa aking likuran na tila ba hinahanap ang pigura nya, kahit na alam kong malabo na

I sighed. "Fine. Makita lang kita, kakausapin kita, Fabela. Please" bulong ko sa aking sarili. At sa muli kong paglingon sa eksaktong lugar kung saan nya tinawag ang aking ngalan noong nakaraan ay wala pa rin sya

Pero, ako, eto. Tumigil at nilingon iyon. At napasabi sa aking isipan ng "Nasaan kana?". Gumuhit na naman ang lungkot sa aking mukha, ngunit wala naman na akong magagawa. Alam kong kasalanan ko ang lahat dahil pinagtulakan ko sya

Akala ko tapos na ang lahat, ngunit hindi pa pala. Nang matanaw ko na ang bahay namin, ito rin ang muli kong pagsulyap sa Footlong Shop na ngayon ay sarado na. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat

Sa mabilis kong pagpasada rito ay parang bumalik rin sa akin ang lahat ng interaksyon namin ni Jaypee nung gabi na iyon. Lalo na ang pag corner ko sa kanya sa madilim na parte nun

Pero, Jaypee nasaan ka na ba?

Nasaan na yung lalaki na kapag naka earpods ako ay tinatawag ng malakas ang pangalan ko

Nasaan na yung lalaki na yumayakap sa akin kapag nasa labas ako ng school?

Nasaan na yung lalaki na lagi akong nginingitian kapag makakasalubong ako?

Nasaan na yung lalaki na inaasar akong bading para lang mapansin ko sya?

At higit sa lahat...

Nasaan na yung tao na inaasar ako na mahuhulog rin sa kanya?

At sa oras na gawin mo ulit yan, pangako.

Haharap na ako sayo

Yayakapin na rin kita

Ngingitian na rin kita

Tatawa na ako pag inaasar mo na ako

At higit sa lahat

Hindi mo na ako aasarin na mahuhulog ako sayo,kasi nangyari na

Asan ka na ba? Kasi andito na ako Fabela oh. Hulog na hulog na ako sayo. Pero, ikaw naman na itong lumayo at hindi na ako pinapansin. Ikaw naman itong hindi ko mahagilap

At ngayon, naaalala ko ang lahat ng mga simpleng bagay na ginagawa mo sa akin noon. Na ngayon ay hinihiling ko na sana ay magawa na nating dalawa

But, now. I'm proudly and confidently to say that I miss all your actions. And it makes me hurt more than before

And this time, I only have one wish that I know is impossible to happen

Do all those things once again to me, Fabela. I miss and I love that

I already miss your actions, especially... You, Fabela

Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon