In My World: Late Night Date

16 6 0
                                    

"Are you okay?" tanong agad ni Jaypee kay Seven ng makalabas ito sa bahay nila. "Hey, just answer my question. Nasaktan ka ba? Bakit may sugat ka sa labi mo? Anong ginawa nila sayo? Galit ba sila sayo? Tinakwil ka ba nila?" dire-diretsong tanong ni Jaypee rito. But Seven stay quiet while sobbing

Hinamapas nya ang braso nito. "Seven naman eh" kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha na nagmamalibis na. "Sumagot ka naman. Pinag-aalala mo ko eh. Seven!!. Seven did not answer." Seven" bigkas nya sa ngalan nito, sa pagitan ng paghikbi

Nagulat na lamang sya ng bigla syang yakapin nito ng pagkahigpit-higpit na animo'y sa kanya nakakakubli ang buhay nito

"Se--Seven" sabi nya na parang nawawalan ng lakas dahil sa pagkakayakap ni Seven sa kanya. Nagulat na lamang sya ng bigla itong umiyak sa mga bisig nya

"Love, don't leave me, huh?" pag kausap nito sa kanya. Jaypee nodded. "Pangako yan ha. Wag mo kong iiwan ha. Just stay on my side no matter what. Pagtyagaan mo na lang yung nakakagago kong ugali ha"

"Pwede mo kong di pansinin kapag di tayo ayos. Pwede mo kong sigawan pag galit ka. Pwede mo kong hampasin kapag wala ka sa mood. Pero..." humikbi ito. ".... wag na wag mo kong iiwan. Di ko kaya"

"Pinaglaban na kita. Tapos na. Eto na, they already know our relationship----"

"Pero nasaktan ka, Seven"

Seven gave him a smile. "It's okay. Alam ko naman na mangyayari ang mga bagay na 'to eh. Ang importante, alam na nila. At ang importante, wala na silang magagawa. Andito na. Mahal mo ko. At higit sa lahat, mas mahal kita". Pagkatapos nun ay niyakap sya ng binata na tinugunan nya naman

Mabilis na kumalas si Jaypee sa pagkakayakap kay Seven ng ma-realize nyang nasa labas pa pala sila at doon nagda drama. "Seven, nasa labas pa pala tayo" imporma nya rito

"But, I want to hug you" sabi nito sa kanya. Kita pa rin ni Jaypee ang itinatagong luha nito sa mata at pinipilit lamang na ngumiti sa harapan nya

His man is a Man Of Pretender

Ayaw nyang sabihin kay Seven na ilabas na nito ang lahat ng luha nya. Dahil alam nyang magsasabi ito sa kanya. O kaya naman, sya na lang ang magtatanong mamaya, kapag hindi pa rin ito naging masaya

"Later. Kapag nandon na tayo sa bahay" sabi nya rito na kinangiti naman ni Seven. "Sa ngayon, ako naman ang sasagot sa mga date natin. Pero...". Mahina nyang tinulak-tulak si Seven gamit ang kanyang hintuturo na nasa dibdib nito

"Dito lang tayo sa malapit. At sana kahit papano, mapagaan nito ang loob mo" then he smiled. Seven caressed his both cheeks. "Kahit na ano pang gawin mo, simple man yan o hindi. Basta galing sayo, masaya na ako" sabi nito sa kanya kasabay ng paghalik sa kanyang noo

Habang sya, eto, parang tinatambol ang puso sa sobrang bilis ng pagtibok nito. At parang gusto ng kumawala ano mang oras. At mula sa kanyang kinatatayuan ay rinig na rinig nya ang malakas na pagkabog nun

"Tara na!!" sabi nya rito sabay hatak sa palapulsuhan nito. Dahil ayaw nyang marinig ni Seven ang tibok ng puso nya. "Saan ba tayo pupunta at anong gagawin natin?" tanong sa kanya ni Seven habang hawak pa rin nya sa palapulsuhan

Nasa unahan sya, habang hatak-hatak nya si Seven sa kanyang likuran. Huminto sila. "We will start our Late Night Date, mi amor" pagkatapos nun ay hinalikan sya ni Fabela sa labi sa madilim na parte kung saan sila naka pwesto ngayon

Seven is now sitting at the long bench inside of 7-11. Nasa likod lang kasi ito ng mga bahay nila kaya madali lang para sa kanila na puntahan. At dahil malapit ng mag alas-dose ng madaling araw ay sila na lang ang tao rito, maliban sa cashier na syang nagbabantay

Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon