Unang Biyernes sa buwan ng Marso, busy ang lahat ng tao sa eskwelahan na pinapasukan ko. Dahil may event mamayang alas-otso ng umaga. At ang isa sa pinakamagandang araw sa lahat ng estudyante kagaya ko
Walang klase
Ang lahat ng teachers ay nasa baba. Hindi ko nga alam kung anong tawag sa event na ito. I know, na hindi naman to Teachers Day dahil October ginaganap ang bagay na yun. Pero, kung ano man ang event na to. Thank God!
Ang buhay ko kay Jaypee? Ayun, ganon pa rin, paulit-ulit pa rin. Hinihintay syang makita para matanawan. Mamaya lahat ng estudyante ay bababa, kaya sigurado akong makikita ko sya, dahil gala ang taong yun
Nung nakaraan nga lang ay nakita ko syang sa canteen. Tapos na ang break time, pero sya andon. Bumibili ng kung ano. Gusto ko syang lapitan nung mga oras na iyon, para makausap man lang, pero nagiging bato ako
Tungkol naman sa nangyari nung nakaraan. Patuloy ko pa rin iyong nararamdaman. Nakakaramdam pa rin ako ng kirot at selos. Oo, hindi ko na itatanggi. I like him. Gusto ko na sya at hindi ko na ipagkakaila pa
Pero, etong mga nagdaang araw, simula ng makita ko sila... dalawang linggo matapos yun ay hindi ko na sya nakikita kasama si Kenjie. Don't tell me na hiwalay na sila ni Fabela, agad-agad.
How dare him to hurt Jaypee that much?
"Sana ako na lang" bulong ko sa aking sarili habang nakaupo sa bandang likod ng aming classroom. I have my earpods both sides of my ears. Maingay ang mga kasama ko rito at ayoko ang bagay na iyon. And I discovered one song of Taylor Swift, a weeks ago. Alam kong matagal na ito pero ang ganda nya
Back To December
And I discovered that she wrote this song about her ex-boyfriend, Taylor Lautner. Alam kong malungkot ang kahulugan ng nasabing ganda, but I don't care. Basta ako, ini-enjoy ko lang ang bawat liriko nito
"Par! Busy ka?" pambubulabog ni Shan sa akin. I removed my earpods and sighed. "Di naman. Bakit?" I asked. Umayos ito ng upo. Akala mo talaga ay seryoso ang sasabihin eh. "Wag ka na lang munang umuwi mamaya. Ikutin natin lahat ng building, event naman eh" masayang ani nya
Hindi ko rin minsan mabasa ang ugali ng taong to. Minsan ay bad mood, masaya, biglang malulungkot. And sometimes in just a click ay magtatampo. Minsan nga ay natutukso na kaming mag jowa DAW. Mga gago
Hindi naman sya si Fabela, no!
"Ano, G?" habang may ngiti pa ring naka guhit sa kanyang labi. "Dali na!!" pamimilit nya at hindi pa nakuntento dahil inalog alog pa nya ang aking balikat. "Mukhang gago naman to eh!! Oo na" sigaw ko. Pero alam ko namang nakuha nya na nag bibiro lang ako
If there's one person who know all my sides and my humor. Si Shan yun. And I'm so thankful to find a friend like him. And I hope, this friendship will last forever
****
Masasabi kong pinag handaan talaga ang event na ito ng school. Sinong hindi? Eh halos dalawang taong natengga, tapos wala pa silang budget. At masasabi ko namang maganda ito
Lahat din ata ng estudyante ay naririto dahil na rin sa halos wala ng space sa buong court. Inililibot ko ang aking mata upang hanapin ang mga kaibigan ko na sina Lexie at Andrei. Ngunit sa aking paghahanap ay natanaw ng mata ko si Kenjie
My ex-boyfriend
It almost one week since our break up. Halos isang buwan naman ang tinagal ng relasyon naming dalawa. I found him cheating on me. Di ko naman masasabi na talagang may iba sya, pero yung pag-e-entertain ng iba habang may karelasyon ka na ay part na ng cheating yun, diba?
BINABASA MO ANG
Back To December
RomanceBack To December is not only a song. It is a song that tells a story. Chapter: 20 Chapters *This story is written in Taglish*