Chapter 8: Am I Jealous?

65 43 10
                                    

One month has passed. Nagpatuloy lang naman ang naging takbo ng buhay ko. Pero, ang pagnanais ko na maging kaibigan sya ay mas lumalim pa. Na sa tingin ko, sa oras na hindi ko mapigilan ay tuluyan ng lalago pa

What happend to you, Seven? That's wrong!

Wake up!!

At sa isang buwan na nagdaan, Jaypee already got his first boyfriend. Tama. May boyfriend na si Jaypee. And, I'm so happy for him, lalo na't nakita nya na ang taong magpapasaya sa kanya. Hindi ko na rin naman pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni Wayne sa akin na gusto ako ni Jaypee. Pero, minsan kapag nag-iisa ako ay nag-pi-play pa rin yun sa utak ko na animo'y isang sirang plaka

Which is weird

Nasa labas ako ng room. Nakikita ko na ang ibang estudyante na lumalabas na ng paaralan dahil uwian na. May mga cleaners pa kasing naglilinis kaya kailangan ay naka pila muna ang lahat sa labas

"Bakit naman para tayong elementary sa ganitong estilo?"

"Sino ba naman kasi ang nagpauso na kailangan may hintayan"

"Kahit kelan talaga. Ang init na nga eh!!" rinig kong mga atungal ng mga kaklase ko

Mariin akong napatawa dahil rito. Nasa second floor lang ang room namin kaya tanaw na tanaw mo rito ang mga tao kung nanaisin mo, lalo nq kung hindi pq malabo ang paningin mo. At sa aking pagtanaw ay may isang tao akong nakita na hindi ko inaasahang muli

Si Jaypee

I miss his presence so much!

Wait. What!! Hell, no!

Simula kasi ng magkaroon sya ng boyfriend ay hindi na kami nagkikita sa school. Pero, sa labas ng bahay oo. May mga oras pa nga na nagkakasabay kaming maglakad pero hindi ko sya pinapansin kahit na alam kong nginingitian nya ako

"Sino yun?" tanong ko sa isa kong kaklase at kaibigan ko na ring matuturing---Si Ash. Muli kong itinuro ang lalaki mula sa aming pwesto

"Ahh si Kenjie? Bf ni Fabela. Bakit? Kilala mo?" she ask. I shook my head. "Nope. That's why I'm asking". Umalis si Ash sa likod ko dahil may kakausapin daw sya na pinayagan ko naman

Nakatitig pa rin ako kay Jaypee habang kasama nya si Kenjie na boyfriend nya - - - base kay Ash. He look so happy on Kenjie's arm while he caressed on it. Mahigpit lang syang naka hawak rito at mariing pinipisil-pisil na kinatatawa naman ng isa pang lalaki

May kausap silang babae. Sa tingin ko ay kakilala ni Kenjie. Dahil bumitaw si Fabela rito at iminuwestra ng isang lalaki ang kanyang kamay na sa tingin ko ay ipinapakilala nya na boyfriend nya si Jaypee

While I'm looking at them, I feel my heart ache. Ramdam ko ang mabilis nitong pagtibok. Kasabay ng pagdaan ng kirot sa ibabaw nito. Iniyuko ko ang aking ulo kasabay ng mapait na pag ngiti. Napako rin ang aking paningin sa aking kamao na ngayon ay nakakuyom na

What happend to me? Am I jealous?

Muli kong ibinalik ang paningin ko sa dalawa at masaya pa rin silang nag uusap. At muli na namang bumalik ang lahat-lahat ng naramdaman ko. Parang sa isang simpleng pag sulyap ko sa kanilang dalawa ay halos maramdaman ko ang halo-halong emosyon na iyon

"Sabihin mo kay Shan hihintayin ko na lang sya sa baba" paalam ko kay Ash na ngayon ay nasa tabi ko na. Hindi ko nga napansin na nasa likod ko na naman sya. Sa ilang segundo ay napuno ni Jaypee ang buong pagkatao ko na ngayon ay litong-lito

Why are you driving me crazy, Fabela?

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang tugon bagkus ay umalis na. Pagkababa ko ay agad akong pumuwesto sa guard house, ilang metro ang layo mula sa pwesto ni Jaypee at ng boyfriend nya. Sigurado naman akong hindi nya na ako makikita rito

Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon