Chapter 1

16 4 4
                                    

Sheyna's POV

Matapos nang tagpo namin ng crushiecake kong si Xenox at ni Zae ay dumiretso na ako sa may Filipino building. May mga sementadong upuan at mesa doon na tinatambayan kapag free cut. Mahangin rin at hindi masyadong mainit dahil sa mga puno at halaman.

"Napakabagal talaga," reklamo ni Fina na dahilan para mapalingon sa'kin ang iba pang mga nakaupo sa mesang 'yon.

Fina is our gay friend. Same grade level kami pero hindi kami magkaklase.

Si Fatima ang kaklase ko sa circle of friends namin. But we're not that close. Casual lamg kami sa isa't isa dahil si Ate Naria talaga ang kaibigan nya.

I laughed, "na stranded ako eh."

Tinaasan ako ng kilay ng pinsan ko, "Magkaklase lang naman kayo ni Fatima, ba't di pa kayo nagsabay?" She's the ultimate Naria Joy Arguelas. Kapatid ni Vari at nililigawan ni Xenox.

Yeah, you've read it right. My long time crush na si Xenox ay nililigawan ang pinsan ko. Masokista ako kung sasabihin kong okay lang pero kase nag settle nalang ako sa kung anong meron ako at sinuportahan nalang sila.

Isa lang naman ang nakakaalam ng pagkagusto ko kay Xen eh, and that's my kababata—si Brian.

I shrugged and sat beside Paula—kaibigan at kaklase ng pinsan ko. "Nasan sila kuya? Nakita nyo?"

Si Fina ang sumagot, "si papi Gino? Nakita ko kanina sa may SSG office. Busyng busy."

Tumango tango ako. Hindi naman na bago yun na nasa SSG si kuya kase SSG president sya ng senior high school department.

"Speaking of SSG," ate Naria butted in with her  may-chika-ako tone.

"Chismis," excited na sabi ni Fina na ikinatawa namin.

"Balita daw na mapapaaga yung election ng susunod na officer," she continued.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka at matapos sumubo ng patata ay nagsalita ako, "January palang ngayon? Pa'nong mapapa-aga?"

"Oo nga. Usually diba kapag start na ng school year nag papalit?" Paula curiously asked.

"Saang istasyon mo naman yan nasagap?" Pairap na tanong ni Fina at uminom sa shake nya.

"Sa faculty," tumawa sya bago nagpatuloy, "Galing kase ako sa STEM faculty kanina at may hinatid kay ma'am Gracie."

"Panget ugali nito. Nakikinig sa usapan oh? Sumbong kita sa manliligaw mo eh ng ma turn off sayo." pang-aasar ni Fina at syempre hindi naman nagpahuli si Ate Naria.

"Hindi yun. Tanggap nya daw ako eh!"

Napailing iling nalang ako nang magkaasaran na sila. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para magbasa at para ma divert ang isip ko.

***

"Ate. Patulong, please?"

Nilingon ko si Carsidh nang tuluyan syang makapasok sa kwarto ko. Umayos rin ako ng pagkakaupo saaking kama at sumandal sa headboard. "Anong subject, kotse?"

Sumimangot sya, "History."

Napailing-iling nalang ako dahil sa kanyang sagot. Hindi nya talaga tipo ang History since ang dami daw year na sinasaulo sabi nya. He'll prefer to have an activity related to Arts, Physical Education and Math.

"Anong pinapagawa sainyo? Teacher nyo rin si Sir Tores dyan diba?"

Naupo sya sa study table ko at nangalumbaba. Humikab pa sya at pikit matang sinagot ako, "Reflection paper."

Tumango ako at tuluyan ng ibinaba ang hawak na cellphone dahil nagbabasa ako kanina bago sya sumulpot. Umalis ako sa kama at tinungo ang study table na kinaroroonan nya. "Matulog ka na. Ako na gagawa nito. Ipi-print ko na rin tapos kunin mo nalang sa study table ko tomorrow."

Arguelas Heart #2Where stories live. Discover now