Prolouge

23 5 1
                                    

(A/N: UNEDITED STORY)

Sheyna's POV

"Ate! Let's go!"

"Shey! Hurry up!"

"Anak! Bilisan mo na at monday pa naman ngayon."

I pouted my lips as I hurriedly run outside the kitchen. "Opo! Wait lang!"

Inirapan ako ni kuya nang tuluyan akong makalabas at makalapit sa sasakyan. "Ang bagal mo, Sheyna!"

Tumawa lang ako at pumasok sa passenger seat ng kotse. Sumunod rin naman sila. Si kuya sa driver seat at si Carsidh naman sa shot gun. My brother maneuver the car after we bid our goodbye to our mother.

My older brother, Ginovry Liam Arguelas got his own car when he turned 16, as my mother's birthday gift to him. Si papa naman ang nag-ayos ng student license nya kaya sya yung nagsisilbi naming driver kapag may aasikasuhing iba ang family driver namin na si Tay Cho.

"Ate," pagtawag saakin ni Carsidh na may hawak na selpon.

"Yap?"

"Check your messenger."

Nagtataka ko syang tiningnan, maging si kuya rin ay tinapunan sya ng tingin. "Bakit?"

"Your friend told me so."

Tiningnan ko sya ng masama. "Kompletuhin mo ang sentence mo, kotse! Hindi kita maintindihan."

He grimaced. "Tsk! Your obsessed friend, messaged me," at pinakita nya saakin ang chat ng kaibigan kong si Zae.

From: +639100******

Low po, c Zaelyn po i2. Pede po paqsbi kay ate Shey n mg-online sya.

Natawa ako ng mabasa yun.

Kaya siguro wala sa mood makipag-usap ang kapatid ko kase naiinis nanaman sya kay Zae. Ewan ko ba, ang cute-cute kaya ni Zaelyn pero naiinis si Carsidh sakanya. Nang tinanong ko naman kung bakit, ang sinagot sa'kin is- "Ang jeje eh! Kainis!"

"Sira nanaman ang araw mo nyan?" Pang-aasar ko at binalik sakanya ang selpon.

"Whatever."

**

Nang makarating sa school ay nasa grounds na ang lahat ng estudyante. Mabilis akong pumunta sa bahagi kung nasan ang Grade 11 student at pumila kasama ang mga kaklase ko.

"Himala, naunahan ka pa namin. Eh, first monday of the month ngayon," pambungad ni Josefino a.k.a Fina.

Mahina akong tumawa habang hinahanap ang hilera ng ABM student ng grade 12. Kumarera sa bilis ng pintig ang puso ko nang tuluyan ko syang makita. Sa edad nyang 18 ay ang tangkad nya kung kaya't mabilis mo syang mapapansin, plus the fact na sobrang gwapo nya at ang lakas ng dating.

I came back from my reverie when someone tapped my arm.

Napangiwi ako at tiningnan ng masama si Nikkilidion Lucero—ang aking girl best friend.

"Masakit yun ah? Anong nanaman bang ichi-chika mo? "

Akmang sasagot na saakin si Nikki nang magsalita si Arron na nasa hilera ng mga kaklase kong lalaki, katapat ko. "Shey, hanap ka ni ma'am kanina," aniya sa seryosong boses at bahagyang inayos ang kaniyang eyeglass.

Bahagya akong napanguso, "bakit raw?"

Umiwas sya ng tingin at muling inayos ang salamin nya. "Yung sa quiz bee daw."

Nanlaki ang mata ko, "a-ano? Ngayon ba yun?" Kababo kong tanong.

Sumilay ang ngiti sa kulay rosas nyang labi dahil sa reaksyon ko. Parang ewan! Ang gwapo nya lalo kapag nakangiti. Kung wala siguro tinitibok ang puso ko paniguradong crush ko na 'tong si Arron.

"Anong quiz bee?"

Sabay kaming napatingin ni Arron nang magtanong si Nikki. Sinilip nya pa ang mukha ko kaya bahagya akong napaatras.

Sasagutin ko na sana ang tanong nya nang magsimulang tumunog ang Lupang Hinirang. Halos lahat ng estudyante ay napaayos ng tayo at nilagay ang kanang kamay sa dibdib.

***

"Ate! Ate Shey!"

Napatigil ako sa paglalakad nang may pamilyar na boses ang narinig kong tumawag saakin.

Nang lingunin ko ay si Zaelyn yun— ang kinaiinisan ng kapatid kong si Carsidh.

I smiled at her at bahagyang tumabi, "Ate Shey," she called me again na bahagya pang hinihingal.

I caressed her back before I open my mouth to speak. "Bakit? May kailangan ka ba sa'kin o may itatanong ka tungkol sa kapatid ko?"

Pinamulahan sya dahil sa pang-aasar ko ngunit kalaunan ay napakamot sa pisnge, "m-may itatanong po sana tungkol k-kay Carsidh."

I chuckled which made her face flushed, "ano yun? Kulay ng brief nya ngayong araw?" I teased.

Napaawang ang labi nya at mas pinamulahan pa, "h-hindi po ate. H-hindi po."

Napatawa ako ng malakas, "hindi ko nakita kase nakabihis na sya nung nagising ako. Don't worry next time, titingnan ko na talaga."

"Ate Shey naman eh!"

I laughed again but was halted by a baritone voice from the back. My mouth parted and my heart beat thrice from its normal beat. Holy shit!

"Stop teasing her, liit."

Gagi talaga! Boses palang parang tanga ang puso ko. Hindi parin nasasanay!

I gulped before I acted like I wasn't bothered by his existence, "para nagjo-joke," I pouted.

He chuckled and ruffled my hair na inayos ko naman habang bahagyang nakanguso. Kainis! Dyan ako naiinlab eh! Sa mga damoves nyang pa-fall!

"H-hi po kuya Xenox." Bati ni Zae na nahihiya.

Xenox, my baby, smiled a bit, "hey."

After nyang batiin si Zaelyn ay muli nya akong tiningnan and I fought the urge to blush in front of him. Titig palang para na akong ewan dito. Ugh! Umayos ka nga self!

"Birthday ni Xedrian this saturday," he begun. "Sa bahay yung venue. Hope to see the both of you there." And he flashed his charming smile.

I was kinda lost track of the topic kase na di-distract ako nang kagwapuhan ng crush ko pero buti nalang nagsalita si Zaelyn.

"Omo! Really, kuya Xenox? I'm invited?" Zae excitedly asked.

Xen nods his head and look at me, "I'm sure Xedrian already invite your brothers."

Ayaw ko mang alisin ang paningin ko kay Xenox ay ginawa ko parin para tingnan si Zae. "Punta ka para masilayan mo ang nakakasawang pagmumukha ng kapatid ko." Tumawa pa ako ng sumimangot si Zae sa'kin.

And he defended her crush right away, "hindi po nakakasawa mukha ni Carsidh. Willing nga ako mag apply kung tumatanggap sya ng tagatitig eh."

Xenox and I both laughed. Syet! Ang kyut nyang tumawa! Mag-a-apply rin ako agad kapag may trabahong ganon si Xenox. Kahit wag na nya akong swelduhan. With open arms and open heart ko pang tatanggapin!

✴️✴️✴️

Arguelas Heart #2Where stories live. Discover now