Sheyna's POV
"Dito lang kayo sa Subdivision maglalaro?" I asked at nginiwian si Jay dahil sa pagkindat nya.
Nagsimula na'rin akong kumain nang ilapag ni Carsidh ang pagkain ko. Jumbo hotdog, adobo and rice ang nakahain saakin.
Mukhang mapapaaga lunch ko 'ah.
Bago pa man lumabas ng dining hall si Carsidh dahil aayusin nya daw ang entertainment room ay tinawag ko sya at nilingon.
He looked back, raising his right brow. "What?"
"Si kuya? Tulog pa?"
"No. Maagang umalis. May pupuntahan daw sya."
Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong oras sya umalis?"
"Si Ate Mel nagsabi sa'kin. Quarter to 8 daw."
Hindi na ako nagtanong pa at tumango nalang. Nag-thank you pa ako bago sya tuluyang maka-alis.
Tinaasan ko ng kilay ang kausap ko kanina na hindi sumagot.
"Sa kabilang street kami. May mga bagong salta eh." aniya ni Jay.
Tumaas kilay ko at sinulyapan pa si Xenox. "Kayo lang apat? Kasama kapatid ko?"
"Yeah. Kasama si Carsidh. Mamayang alas tres pa naman 'yon. Kasama rin namin sa grupo sila Vari at Sean." Pagtukoy nya sa dalawa kong pinsan. Si Vari na kapatid ni Ate Naria at si Sean na nag-iisang anak ni Tito Shino na kapatid din ni papa.
"Iwasan nyong mapa-away, ah?"
Mayabang na ngumisi ang dalawang kaharap ko habang nakita ko naman si Xenox na ibinulsa na ang selpon at itinuon ang atensyon saamin. Nagsimula na tuloy bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Shit naman! Wag nya akong masyadong titigan.
"Seryoso ako, Jay and Lance. Hindi ko na ipapaalala kay Arron 'yon dahil di naman sya mahilig sa away. Kayo lang naman ang pasaway." Sabi ko pa bago sumubong muli.
"Grabe naman." angal ni Jay at si Lance naman ay napanguso.
"Aren't you going to watch our game?" Muntik pa akong mabulunan nang kausapin ako ni Xenox. Geez. Ang gwapo ng boses! Kalma, Sheyna Jaecie! May jowa yan.
Nilunok ko ang nagbarang laway sa lalamunan ko at uminom ng tubig na nasa mesa na mukhang di pa nababawasan. Ubos na gatas ko eh. "Hindi ako sigurado. Bakit? Bet nyo ba ng lucky charm?" ngiti ko pa.
Tumawa ang tatlong lalaki habang si Xenox ay bahagyang tumaas ang labi para sa isang ngisi. Ang gwapo!
"Wag ka na palang pumunta." My heart was punched after hearing those words from Xenox. Tatanong tanong pa sya kung ayaw naman pala nya akong papuntahin! Ang sakit nun, ah?
Arron asked, "bakit naman hindi pwede?"
"Oo nga. Di ba pupunta sila Naria?" Tanong naman ni Jay na dahilan para bahagya akong mapasinghap.
Xenox nod his head once, "yeah. Kasama sila Fina at Paula."
"Oh? Bakit 'di pwede si Sheyna?"
Nagkatinginan kami ni Xenox at nagpakawala ako ng ngiti para di nya mahalatang nasaktan ako.
He sighed, "remember kung bakit tayo makikipaglaban ng basketball?" makahulugang aniya sa tatlong naroon pero hindi ko gets!
Tumango si Lance at Arron habang si Jay naman ay napakunot ang noo na para bang may nakakainis na naalala.
I putted down my spoon and fork at pinaningkitan sila ng mata. "Why? Related ba 'to sa'kin?"
Tinitigan ako ni Xenox at pinigilan ko ang sarili kong umiwas ng tingin sa nakakahipnotismo nyang titig.
YOU ARE READING
Arguelas Heart #2
General FictionSHEYNA JAECIE ARGUELAS. A woman who has BBT- Beauty, Brain and Talents. Kilala sya ng halos lahat. Everyone wants to befriend her, to be part of her life-to be part of her heart. Well, she's also known for her kindness and for being the only one...