Chapter 9

17 3 19
                                    

Sheyna's POV

Simula palang ng laro kanina ay nagkakainitan na talaga. First five sila Jay, Lance, Vari, Carsidh and Thomas. Si Xenox talaga inaabangan ko pero hindi pa sya pumapasok at kasalukuyan lang na seryosong nanonood habang nasa tabi ng iba pang players na hindi pa kasali.

First 2-points si Carsidh kaya talaga namang napangiti ako ng malawak.

"In fairness, ito lang ang grupong nakakasabay sa twinie." Sean said with amusement. Tinutukoy nya si Lance at Jay. "How about kapag nakapasok na si Kuya Xenox? Makakasabay pa kaya sila?" aniya.

Nilingon ko sya at kita ko ang seryosong mukha nya bagama't nakangisi. "Sila rin ba ang kalaban nila Carsidh last Saturday? What happened?"

Bahagya nya akong nilingon. Ipinatong nya ang magkabilang siko sa kanyang magkabilang tuhod. "Na-stop last time. Nagka emergency kase ang grupo ng kalaban."

Tumango na lamang ako at binalik ang tingin sa court saktong sigawan ng mga dumaraming bilang ng manonood. Nahuli ng mata ko ang pag-lay up ni Vari dahilan para tumaas ang suot nyang T-shirt at sumilip ang abs nya. Tsk. Nagsigawan tuloy.

Dikit lang ang score nang mtapos ang 30 minutes na laban. 24-21. Mas mataas parin ang puntos nila Carsidh.

Nagwater break ang mga player at na excite agad ako dahil papasok na si Xenox sa game. Hayyst. Gwapo talaga.

Kapalit ni Lance ay si Xen at pinalitan din si Thomas at Vari ng iba pang players.

Bago pa man magsimulang muli ang laro ay nag-excuse na si Sean. As much as he wants to watch the entire game ay hinahanap na sya ng Mommy nya.

Sean's mother, Tita Sheena, are kinda strict. May time na sa bahay namin natutulog si Sean dahil nag-away sila ni Tita. Some says na grabe na daw kung paghigpitan ni Tita si Sean but I think, every mother has different ways of showing their love to their children. Also, Tita Sheena, being that strict is understandable because of the past.

I sighed at muntik ng mapatayo nang may bagong bulto ng lalaki ang pumalit sa pwesto ni Sean. Nanlalaki ang mata ko at napahawak pa sa dibdib dahil sa gulat.

He turned to me. His eyes smiling when both side of his lips formed a smile. "Hey." He greeted me.

Kumurap-kurap ako pero nang makabawi ay sinimangutan ang gwapo nyang mukha. Ang singkit na 'to talaga. Tsk.

"Bigla ka nalang sumusulpot."

He chuckled. Mas sumingkit ang mata nya dahil sa mahinang pagtawa. "Sorry, Miss A."

Tumaas ang kilay ko, "Miss A?"

"Miss Arguelas." He answered.

I pouted my lips. "Hindi lang ako ang nag-iisang babaeng Arguelas 'noh. Call me Sheyna or Shey. Okay na 'yon."

Napangiti sya at akmang magsasalita nang mapasigaw ako sa gulat dahil sa paparating na bola sa gawi nami— sa gawi ni Kent!

Natahimik ang paligid pero ang puso ko ay hindi matigil sa lakas ng tibok! Shit! Mabuti nalang naharang nya 'yong braso nya dahilan para gumulong ang bola sa sahig. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng braso nyang pinangharang sa bola. Sobrang puti kase talaga nya. Maputi na ako sa lagay namin pero mas maputi sya.

Kunot ang noo kong nilingon ang mga players sa gitna. Seryosong mukha nila Xenox ang tumambad saakin habang ang nasa kabilang grupo naman ay masama na ang tingin, tila handang makipag-away.

Handa na sana akong sungitan ang mga players dahil sa nangyari kung hindi lang ako napatingin sa nakakahipnotismong mata ni Xenox.

Bagama't walang reaksyon ang mukha ay kapansing pansin ang hindi nya pagsang-ayon aa nangyayari. Ganon din ang reaksyon ng kapatid ko na nagawa pang titigan ang aking katabi.

Arguelas Heart #2Where stories live. Discover now