Chapter 11

12 2 14
                                    

Sheyna's POV

"Ate." Ang pagkatok sa labas ng aking kwarto at ang boses ni Carsidh ang nagpaalis sa atensyon ko saaking binabasa.

Matapos nang pagtawag nya saakin ay pumasok naman agad sya.

"Yes, kotse?"

Magkasalubong ang kilay nya pero hindi naman saakin galit. Its more like, he's irritated on something.

Dumiretso sya sa kama ko at padapang  nahiga doon.

Umayos ako ng pagkaka-upo ko sa swivel chair at binaba ang librong binabasa matapos kong malagyan ng bookmark. "Why are you here and what's with your face? "

Imbes na sagutin ang tanong ko ay iba naman ang sinabi nya.

"Nasa baba si ninang. She's looking for you. Hanap ka din ni mama."

I tilted my head to the right. "Ninang, who?"

Ginawa nyang unan ang kanyang braso at pumikit. "Ninang Xel."

Ninang Sel? Xenox and Xedrian's mother?

Hindi ko na sya pinansin at tuluyang tumayo.

Pinabayaan ko si Carsidh sa kwarto ko dahil hobby nya na talagang makitambay don. Minsan kapag umaalis ako tas babalik, madadatnan ko nalang syang nag-aabang sa kwarto. Kung ano ano lang naman pinag gagawa nya pero madalas syang maglaro sa PC.

Hindi ko nakita sila mama sa sala kaya dumiretso ako sa kitchen. And I was right. Nandon nga sila.

Naabutan ko si mama at Tita Xel na nagmemeryenda. Nakaupo si Tita Xel sa stool ng counter habang nasa unahan nya si mama.

Unang nakapansin saakin si mama and as usual, she smiled sweetly to me. "Come here, anak."

Napalingon din saakin si Tita Xel at tiningnan nya pa ang kabuuan ko habang may ngiti sa labi. Tinapik nya ang katabing stool kaya daglian din ang pag-upo ko dun.

Inasikaso agad ako ni mama. Wala syang work ngayon kase nag-leave sya para paghandaan ang graduation ni kuya.

"Dalagang dalaga ka na, Shey. May boyfriend?" Umiling agad ako sa tanong ni Tita.

Natawa sya. "At bakit wala? Ganda ganda mo kaya."

Humaba ang nguso ko dahil sa hiya. Nahihiya talaga ako kapag kino-compliment.

Tumawa si mama kaya napalingon sakanya si Tita. "Magwewelga ang daddy nya pag nagkataong meron."

Pinamulahan ako ng pisnge. "H-hindi naman. A-at... Halos takutin na kaya nila Kuya, Carsidh at ng mga pinsan ko lahat ng lalaki na poporma."

Nagkatinginan sila at sabay na natawa.

Hindi ko maiwasang pansinin ang ganda nila pareho. Magkaibigan na sila simula high school. Architect si Tita Xel at Doctor naman si mama. Despite of having a different college course ay hindi nawala ang pagkakaibigan nila kahit halos hindi sila magkita. Napapangiti nalang ako pag naaalala ang kwento ng pagkakaibigan nila.

Nakuha din ni Xenox kay Tita Xel ang bumibihag sa'kin na kanyang mata. Kulay itim yon kung titingnan pero sa tagal kong pinagmamasdan sya ay napansin kong, nagkukulay tsokolate yon lalo na pag maaraw.

"Congrats nga pala, ijah." Ngiti saakin ni Tita Xel.

"Po?"

Hinaplos nya ang buhok kong lampas balikat na. "Top 1 ka parin sa batch nyo." Napatingin sya kay mama na nakangiti saakin. "I heard from my son, Xen, candidate for Valedictorian din 'tong si Shey next graduation."

Arguelas Heart #2Where stories live. Discover now