Chapter 5

12 4 16
                                    

Sheyna's POV

Nagtagpo ang mata namin ni kuya nang ibalik ko ang atensyon ko sakanya. He smiled weakly, namumungay pa ang mata dahil sa pagkalasing. "Shey, baby sis... "

Ngumiwi ako. "Lika na, kuya. Papalitan ko pa ng damit si Carsidh."

Bagama't may tama ng alak ay gumalaw sya palabas ng kotse. Hinawakan ko sya sa braso dahil matutumba sya nang tuluyan syang makababa. He cursed softly at pinipilit na hindi maibigay ang bigat nya sa pagkakaakbay saakin.

Tiningnan ko muna si Brian mula sa passenger seat at nakita syang nakasandal sa sandalan ng kanyang upuan, bahagya pang nakapaling ang ulo sa kaliwa. Mukhang nakatulog.

Sinarado ko ang pinto at tinuon na ang atensyon sa pag-alalay sa lasing na kapatid.

"Sorry, Shey. For drinking too much." Kuya Ginovry mumbled which made me smile.

Nakayakap ang braso ko sa likuran ng kanyang bewang at nakahawak naman ang isa sa kanyang braso na nakaakbay saakin.

"It's fine, kuya. Besides, minsan lang naman 'tong nag-iinom ka."

Nang nasa may sala na kami ay tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil din ako. "Bakit, kuya?"

"S-sa sofa ako, sis." Bagama't nagtataka ay sinunod ko sya. Inalalayan ko syang maupo sa sofa at yumuko para alisin ang sapatos nya at medyas.

"Can you make me a coffee, please? Black coffee lang po."

Inilagay ko sa gilid ng sofa ang sapatos nya at tumayo, "okay..."

Tumango sya at bahagyang pang ngumiti kahit nakapikit na.

Nang tumalikod ako kay kuya ay saktong pagbaba naman ni kuya Lander sa hagdan.

Lumapit sya saakin, "okay na, Shey. Tulog na tulog na kapatid mo. Hindi manlang nagising. " He lightly chuckled.

Napangiti rin ako. Di rin naman kase sanay si Carsidh uminom, at isa pa, minor pa yun. He just turned 15 last year. Mukha lang talagang matured kase ang sungit at ang tangkad.

"Thank you, kuya Lander sa paghatid sa mga kapatid ko."I sincerely said. "Sorry po sa abala."

Tumawa sya, "ano ka ba, Sheyna. Matalik kang kaibigan nang alaga ko..." Nilingon nya si kuya sa sofa na alam kong gising at nakapikit lang talaga. "O, sige. Mauuna na kami para makapagpahinga na talaga si Brian tapos kayo rin. Umaga na eh."

Sinabayan ko si kuya Lander sa paglakad patungong front door. Nagpaalam ako sakanya at tinungo ang gate para buksan 'yon.

Hawak hawak ko ang gilid ng gate habang pinagmamasdan na mabagal na dumaan ang kotse sa harap ko. Nakababa ang bintana sa gilid ni kuya Lander at tumango sya saakin, indikasyon ng paalam. Nakita ko pa sa gilid nya si Brian na tulog parin.

Ngumiti ako ng matamis at bahagya pang iniyuko ang ulo, "thank you po, kuya! Ingat po kayo."

Nang makaalis ang kotse nila ay sinarado ko na ang gate. Tumalikod ako para bumalik sa loob ng bahay at natawa pa nang makita si kuya Ginovry na nakasandal sa may hamba ng pintuan. Nagbantay pa nga.

Sabay na kaming pumunta sa may kusina matapos naming masiguradong naka-lock na ang pinto.

Tinungo ko ang counter para magtimpla ng kape habang si kuya naman ay sa dining table dumiretso para maupo.

Nang matapos ako sa pagtimpla ay ipinatong ko 'yon sa mesa at tinapik ang balikat ni kuya dahil nakauklo na sya sa mesa. "Kuya, drink your coffee para makapagpahinga ka na."

Inaantok syang nag-angat ng ulo at hinawakan ang tasa, "thank you, sis. Iwan mo na ako dito. You better rest. Mahahalata ni Carsidh pag puyat ka."

Ngumuso ako pero tumango rin. Bahagya ko lang hinaplos ang buhok ni kuya na magulo na rin, "okay. Goodnig— este good morning pala," mahina akong natawa. Ano ba kaseng dapat sabihin pag matutulog ang tao pero di naman gabi? "Rest well, Bro."

Arguelas Heart #2Where stories live. Discover now