Chapter 8

12 4 21
                                    

Sheyna's POV

"Sino ba kaseng pinag-uusapan nyo?" I curiously asked and sipped on my glass.

Inilapit ni Fina ang mukha nya saakin, daglian naman ang paglayo ko dahil katabi ko lang naman sya. Grabe naman. Para nang magkakapalit mukha namin, eh.

Inirapan nya ako, "arte mo bhie. Buti nalang maganda ka. Ang kapatid mo ang type ko noh. Hindi ikaw."

Nagmake-face lang ako at kay Paula itinuon ang pansin. Mas matino syang kausap eh.

She smiled. "Yung bagong lipat dito sa Subdivision nyo. Hindi namin alam kung anong pangalan kaya tinatawag naming singkit."

Singkit? Bagong lipat dito sa'min? Si Kent ba tinutukoy nila? I remember, bagong lipat din sya dito.

"Ang gwapo 'nun, Shey." Ate Naria said with a teasing smile.

"Hoy, Naria! Manahimik ka nga dyan. Wala kang karapatan maki-echos sa gwapong singkit na 'yon noh. May jowa ka." saad naman ni Fina na umirap pa.

Paula and I both laughed.

Kumunot ang noo ni Ate Naria, "Sino nagsabing bawal? At isa pa, ina-appreciate ko lang naman looks nung tao. Gwapo naman talaga." sagot pa nya kay Fina pero nanlaki ang mata nya at napahawak sa dibdib nang may magsalita sa bukana ng kusina.

"Appreciate who?"

Kasabay ng panlalaki ng mata ni Ate Naria ay ang pagkabog din ng puso kong traydor. Shit! Calm down, heart! May jowa na yang gusto mo! At pinsan mo pa!

Tumawa si Fina, "lagot ka, teh."

Nilingon ni Ate Naria si Xenox na kasalukuyan nang naglalakad patungo sa pwesto nya.

Kabadong tawa ang pinakawalan ni Ate Naria. "Babe." pag-tawag nya pa sa kasintahan.

Umani yon ng kunwaring pagsuka kay Fina. "Kadiri naman. Doon nga kayo sa far away! Ini-inggit nyo pa ang beauty ko!"

Tumawa si Paula at pinilit ko namang ngumiti.

Hindi naman 'to ang unang beses na makita ko silang magkasama simula nang maging mag-on na sila. But, shit! Hindi parin ako nasasanay.

Madalas ko rin silang nakikitang magkasama sa school, even sa wall ni Ate Naria sa Facebook.

Xenox put his hand on my cousin's shoulder. I gulped. No, Sheyna. Respect their relationship. You have no rights to get hurt.

"Nasa labas na sila Jay. Dito lang kayo?" Xenox asked and found my eyes. He smiled at me and I turn my glance at Fina para makaiwas sa tingin nya.

"Sasama kami, noh! Mag bo-boy hunting kami 'don." ani Fina.

Xenox raised an eyebrow and look at my cousin, "you're not allowed to do that, Naria." Hindi ko kinaya ang lambing sa boses na 'yon ni Xenox kaya tumayo ako.

Akala ko kaya ko 'to. Damn! Ang hirap pala. Tagal ko nang pinangarap at ginugusto sya at ang makita syang ganito kasama ang pinsan ko ay masakit. Parang pinagkakaitan akong maging masaya.

They all look at me.

I smiled. " Sama kami sa game nyo. Nasa labas na si Carsidh?"

Xenox surveyed my clothes, "he will not let you come wearing that clothes."

Napatingin rin tuloy ako sa suot ko. Pareho lang naman kami ng suot ni Ate Naria, ah? Magkaiba lang ang kulay; Pink shirt at itim na denim short nga lang ang akin.

"Duh, anong gusto nyong suotin ni Sheyna? Long-sleeved na long gown?" Sarkastikong tanong ni Fina at tumayo na.

Ini-angkla nya ang braso saakin at isinabay na ako sa paglalakad nya. "Let's go. Walang makakapigil sa'tin."

Arguelas Heart #2Where stories live. Discover now