Sheyna's POV
I really am a social butterfly. I have this charm wherein I could easily get someone's attention and that experience became one of the things I don't like.
Lumaki ako sa kilalang pamilya. Maraming talentong maaring maipakita. Matalino din. Kayang makipagsabayan sa lahat ng bagay. May nagwagwapuhang kapatid at pinsan. May malaking bahay. Paborito ng mga teacher. Doctor si mama at businessman naman si papa.
In despite of the things I have, may mga bagay talagang hindi natin mararanasan.
Kinai-inggitan ako ng karamihan, lalo na ng mga kababaihan. Ramdam ko ang pakitang-tao na interaksyon saakin ng iba.
Isa akong Arguelas kaya lumalapit sila.
Kapatid ko si Carsidh at Ginovry at pinsan ko naman si Vari at Sean. Madalas na lumapit sa'kin ang mga kababaihan at binabae para makipaglapit sa mga kapatid at pinsan ko.
Matalino ako at gustong gusto ng mga teacher kaya nakikigrupo sila.
Hindi ko kayang magalit sa mga nakapaligid sa'kin kaya kalmado lang ako pag inaaway ako.
Kapag nakapagsalita ako ng masama, hindi ako natitigil hangga't hindi nakakapag-sorry, kahit pa sila ang may kasalanan.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan sila Ate Naria sa harap ng Filipino building; the place we used to hangout during free time.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong hindi pinansin nila Fina, Paula maging nang iba naming kaibigan.
Simula nang basketball game nila Carsidh last month pa ay talagang hindi na sila namamansin. Hindi ko naman kayang lumapit dahil natatakot akong baka tarayan nalang nila ako.
Okay naman kami ni Ate Naria. Ganon parin naman ang relasyon at closeness namin at tila ba linggid sa kaalaman nya ang nangyayari.
Hindi ko na nga mabilang kung ilang libro na ang natapos kong basahin kase kapag nababakante ako lagi akong napapatanong; May ginawa ba akong mali? M-may kasalanan ba ako?
Inisip ko pa dati na baka prank lang dahil knowing Fina, mahilig syang mangtrip, pero... Isang buwan na 'to. Prank parin ba?
Hanggang sa lumipas pa ang ilang buwan na wala na talagang pansinan. Kinasanayan ko nalang. Sanay na, oo. Pero kapag nakikita ko silang magkakasama at nadadagdagan ng bagong kaibigan, mabigat parin sa dibdib.
"Natutulala nanaman ang prinsesa." Someone tap my head.
Sumimangot ako na ikina-iling nya.
May umalis nga pero may dumating naman na bago. Si Gabriel Kent Guanzon. The one and only Chinese.
Madalas ko syang makita dati nung napadalas ang paglalakad ko pauwi dahil sa busy si kuya Ginovry kase graduating. Si Tay Cho naman na driver namin ay madalas na service ni mama sa mga medical mission nila.
Dahil sa dalas nang pagkikita namin naging friends kami. Shini-ship ko nga sila ni Nikkilidion na bestfriend ko, dahil madalas silang mag-away. Parang yung mga nasa libro lang. Enemies to lover.
Kilala narin ni Brian tong si Chinese at casual naman sila. Sinungitan nga lang ako ni Brian at pinagbantaang wag ko syang papalitan bilang bestfriend ko.
"It's done na." Saad ko dahil tapos na namin ang project nya. Kent's currently home-schooled. Online o di kaya'y modular ang klase nya. Mahirap daw kaseng mag-transfer ng school since kalagitnaan na ng klase nung lumipat sya dito. Same year level lang naman kami at matanda lang sya sa'kin ng isang buwan.
Nakaplano din na sa ibang bansa din sya magka-college as per request of his mother. Wala na syang tatay dahil binawian na ng buhay because of work related matter when he's in grade school. Sundalo ang papa nya.
YOU ARE READING
Arguelas Heart #2
General FictionSHEYNA JAECIE ARGUELAS. A woman who has BBT- Beauty, Brain and Talents. Kilala sya ng halos lahat. Everyone wants to befriend her, to be part of her life-to be part of her heart. Well, she's also known for her kindness and for being the only one...