Sheyna's POV
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi. Half day lang kami ngayon dahil almost all of our teachers for the afternoon class will be a panelist.
Hindi ko na'rin inistorbo si kuya dahil may business proposal silang kailangan i-defend for their Entrep subject.
I sighed. Si Carsidh naman nasa kabilang panig ng campus.
Speaking of Carsidh, iritable 'yon nang umuwi galing sa basketball game last Saturday. Gustuhin ko man syang tanungin ay nakakalimutan ko 'rin and there's this feeling na iniiwasan nyang mapag-usapan 'yung tungkol don.
Absentmindedly, my lips pouted.
Nag-aayang mag-mall sila Nikki together with my classmates pero pinili kong wag sumama.
So, here I am, walking. Aabutin lang naman ako ng 15-20 minutes pauwi ng bahay.
Lumiko ako nang makarating sa kabilang street. Didiretso lang ako, makakarating na agad ako sa bahay. Mabuti nalang, maulap ngayon tapos mahangin. Tamad akong magdala ng payong, eh.
Itinaas ko ang tingin at saglit na pinagmasdan ang dalawang lalaki sa unahan na mukhang nagsasagutan.
Parang first time kong makita 'tong isang chinitong nakaharap sa gawi ko. Ang gwapo,ah? At ang puti pa!
"Dude, calm down." cool na sabi nung Chinito na tinaas pa ang dalawang kamay.
Kita ko ang pagkuyom ng kamao nang lalaking nakatalikod saakin. "Anong kalma?"
Akmang lilipat ako sa kabilang side ng daanan para hindi ako makaistorbo sakanila nung nagawi naman ang tingin sakin nung lalaking nakatalikod sa gawi ko.
I grimaced. Maingay ba ako maglakad?
Ako lang ba o talagang nanlaki ang singkit na mata nung isa, nang mapatingin sa gawi ko?
Well, dahil lumingon saakin ang nakatalikod na lalaki kanina ay namukhaan ko sya. Si Francis o mas kilala bilang Kiko. I know right. Ang layo ng nickname.
Si Kiko na hindi naman talaga taga dito. Naglalagi lang sya sa lugar namin kase dito nakatira ang long time girlfriend nyang si Phoebe.
Ngumiti si Kiko pagkakita saakin. "Uy, Arguelas!" He beamed and I fought the urge to grimace.
Hindi ko pinansin si Kiko at sa lalaking Chinito itinuon ang atensyon.
He is staring at me, too. This time, I've finally saw his full view.
Brown ang kulay ng kaniyang buhok na mas lalong nagpaputi sa kulay papel nyang kutis. He is wearing a white shirt paired with his jersey short.
Ilang hakbang ang layo nila saakin pero halata agad na mabango sya. But... yung singkit nyang mata talaga ang kapansin-pansin sa lahat.
Hmm? Mas maganda parin naman mata ni Xenox, para sa'kin.
"Arguelas, " Kiko called me, dahilan para tingnan ko sya. Nilingon nya pa ang likuran ko na animo may hinahanap. "Himala mag-isa ka. Bago yan, ah?"
Umiling ako. Nilingon kong muli ang singkit bago nagsalita. "What are you doing here, Kiko?"
Ngumisi sya, "hindi ko alam na interesado ka sa'kin," may yabang na aniya.
Ngiwi ang sagot ko sakanya. Mukhang hindi parin natututo sa panunontok ni Carsidh at Vari sa kaniya 'nung nakaraang buwan, ah.
Humalakhak sya at nang mahimasmasan ay tiningnan ang singkit na kausap nya kanina. "Kilala mo 'to, Arguelas?" maangas na tanong nya.
YOU ARE READING
Arguelas Heart #2
Fiksi UmumSHEYNA JAECIE ARGUELAS. A woman who has BBT- Beauty, Brain and Talents. Kilala sya ng halos lahat. Everyone wants to befriend her, to be part of her life-to be part of her heart. Well, she's also known for her kindness and for being the only one...