Chapter 13

9 2 7
                                    

A/N

Hello, Stones! I hope you're doing fine. Don't forget to continue choosing yourself. Lovelots! 😘
_________

Sheyna's POV

"Congrats, kuya!" Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na 'tong sinabi kay kuya dahil sa hakot award nya.

Pero kahit naman wala sya
ng mga ganyang award, I'll always be proud of my brother.

Today's his graduation day sa senior high and my brother is the Valedictorian. Meron din syang maraming awards such as leadership award and best in research award. Sa katunayan nga ay may hardbound na copy na ng research paper nila sa school library.

Iniakbay nya ang kanang braso saakin at hinalikan ako sa buhok. Malawak ang ngiti nya habang sinasabay ako sa paglalakad papunta saaming sasakyan. Natagalan kami sa gymnasium, kung saan ginanap ang graduation ceremony dahil ang daming nagpa-picture sakanya. May nag-confess pa nga!

"Kuya, now that you're going to college, siguro naman ipapakilala mo na sa'kin ang girlfriend mo?" Pang-uusisa ko pa.

Nag-thank you muna sya sa bumati sakanyang grupo ng mga kababaihan bago iniyuko ang ulo para tingnan ako, "what are you talking about?"

Nginiwian ko sya. "Sus. Deny pa. May pinagkakaabalahan ka dati. I saw someone's calling you kaya, and nakalagay pa 'My baby'."

Tumaas ang kilay nya at bahagyang natawa. "Guni-guni mo lang 'yon. Baby kaya naka pangalan sayo sa phone ko." Depensa nya pa. As if naman maniniwala ako.

"Malihim ka lang talaga. Sus. Pag ako nagka-boyfriend hindi ko rin sasabihin sayo."

Humigpit ang pagkaka-akbay nya sa'kin at tiningnan ako ng masama. Huh. Akala mo ah.

Salubong na ang kilay nya ngayon. Ang kalmadong si kuya talaga ay nagiging Dragon kapag binabanggit ko ang love life ko. I smirked.

"Stop kidding around, Sheyna."

Tumawa lang ako sa asar nyang reaksyon.

Narating din namin ang kotse kung nasaan naghihintay ang dalawa kong pinsan na lalaki. Pinagbuksan ako ni kuya ng pinto sa back seat at sumunod din syang naupo sa tabi ko.

Vari's on the driver seat habang katabi nya si Sean.

Nauna na kase sila Carsidh, Mama and si Dad sa bahay para asikasuhin ang mga bisita. Naroon na'rin si Ate Naria together with our friends and relatives.

Sila Xenox naman at ang family nya ay nauna na'rin sa venue.

"Congrats, bro." nakangiting bati ni Vari at kinindatan ako sa rear view. Nagsimula na agad syang magdrive para makaalis na kami.

"Congrats, kuya Gino. Nice. Hakot award." Sean greeted with a smile. Tumagilid pa sya ng upo para lingunin kami sa likod. "Hey, pretty cousin."

Ngumiti ako pabalik. "Hi. Gwapo nyo today."

Vari smirked. "Everyday naman, Shey."

Ngumuso lang ako sa mayabang nyang sagot habang si Sean naman ay bahagyang napa-iling.

"Ate sent a picture. It was your house being decorated. Ang dami ding bisita." Ani Vari na ikinalingon ko sakanya mula sa labas ng bintana.

"Expected ko na yung dami ng visitors." I said smiling. Hapon din kase ginanap graduation rites nila kuya kaya alam kong madaming dadalo.

Vari shook his head. May sumusupil na ngisi sakanyang labi. "Carsidh's being moody."

Mahinang tumawa si Sean. "Sinabihan kong ako na magbabantay."

Arguelas Heart #2Where stories live. Discover now