A/N
Hi! I just want to remind you that, In a world where you can be anything, be yourself. Because you matter. Lovelots!
__________
Sheyna's POV
"Na'san sila Ate Naria? Pupunta rin ba sya dito?" I asked Nikki and inquiringly look at Carsidh na pekeng umubo nanaman.
Kinunutan ko ng noo si Carsidh. "Kotse, bakit?"
Sinulyapan nya nang may ngisi si Xenox bago ako inilingan. "Nothing," aniya.
Muli kong nilingon si Nikki, urging her to answer me.
Sumubo muna sya ng pagkain bago ako matamis na nginitian. "Hindi ko tinanong, Lovie." sagot nya at ngumiti na parang may naalala. "Hinanap ka pala sa'kin ni Markus." taas baba pa ang kilay nya sa pang-aasar.
Bago pa man ako maka-react ay may nauna ng nagreklamo. "Fvck. Sinong Markus nanaman 'yan?" Iritang tanong ng kapatid ko.
Nang lingunin ko ang gawi nya ay nasulyapan ko pa ang kunot-noong mukha ni Xen. "Kotse." may pagbabanta pa sa boses ko pero di sya natinag. Umirap pa nga sya at humalukipkip. "Kanina anak ng District Representative. Kaninong anak naman ngayon?"
Tumawa si Nikki at may ngisi sa labing nilingon ang kapatid ko, nang-aasar. "Sikat na blogger si Markus. Gwapo naman 'yon kaya okay din"
Umiling ako. "Nikki, wag mo ng asarin."
"Sino nag-imbita sa taong 'yon?" tiim-bagang na tanong ng kapatid ko.
Geez. Hindi talaga sila magkasundo.
Nikki pouted her lips as she glanced at me. "Arte kase nyang kapatid mo, Lovie."
Umiling ako. Napatingin ako sa entrada ng veranda at nakita si Ate Naria na nakatayo doon. Hesitation to enter the place are evident in her face.
She's wearing a puff sleeve color blue top and a high-waisted jeans. Ang itim nyang buhok ay nakatali, nadedepina ang makinis nyang leeg at maaliwalas nyang mukha.
I smiled and stood up. Sinalubong ko sya ng yakap na sinuklian nya rin. Halatang kabado pa nang mapatingin sa gawi ni Xen.
May kakaiba talaga. Hmm.
"Ah..." she smiled shyly, "baba na daw kayo sabi ni Tito Cristof. Magsisimula na daw ang program."
Tumango ako at tinapunan ng tingin ang kapatid at si Xen na nanatili parin sa prenteng pagkakaupo. "Kotse, stand up. Nasabi na 'to ni mama kahapon. We'll be having our family picture."
"Tsk." iritable nanaman ang reaksyon nya pero tumayo din.
Si Xenox naman ang tiningnan ko. Nasa baso pa na nasa unahan nya ang kanyang atensyon pero nagtaas din ng tingin, kung kaya't nagsalubong ang mata namin.
Kalma ka lang puso ko. Kalma.
I gulped. "Ikaw rin, Xen. Para sa'yo rin tong celebration kaya you need to be present downstair."
He lazily stood up. "Alright."
Nang humarap si Xen kay Ate Naria ay naramdaman ko ang tensyong bumalot sakanila. Umiwas ng tingin ang pinsan ko habang nasa kanya ang tingin ni Xenox.
Kalaunan ay nilipat ni Xenox ang tingin nya saakin, kasabay ng paninikip ng dibdib ko.
Ngumiti sya. "Let's go, liit. Hanapin natin 'yung blogger."
"The fvck?" Asik agad ng kapatid ko.
Xenox chuckled."Calm down, Carsidh."
Inirapan sya ng kapatid ko at nagsabay na'ring naglakad palayo.
YOU ARE READING
Arguelas Heart #2
General FictionSHEYNA JAECIE ARGUELAS. A woman who has BBT- Beauty, Brain and Talents. Kilala sya ng halos lahat. Everyone wants to befriend her, to be part of her life-to be part of her heart. Well, she's also known for her kindness and for being the only one...