Chapter XII

9 2 0
                                    

(Danger)

(Valeen's POV)

Dinala siya ni Janus sa likuran ng malaking bahay. Konektado iyon sa gubat. Naglakad sila papasok sa gubat hanggang makarating sila sa kinatatayuan ng malaking puno.

"Oh, anong meron rito?" Takang tanong niya ng walang mapansing kakaiba sa paligid.

"Heto." Lumapit ito sa pinakamalaking puno na naroon at hinawakan ang katawan niyon. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang unti-unting nagbago ang korte ng puno, may lumitaw na hagdan sa katawan nito at nang tumingala siya napansin rin niyang bumuka ang mga sanga at lumitaw ang kubo na nasa tuktok niyon.

"Oh, my..." Nakatingala parin siya sa kubo na nasa taas ng puno.

May narinig siyang tumawa. "Diyan ka nalang ba? Ayaw mong umakyat? Mahangin pa naman sa itaas."

"Syempre gusto ko!" Nauna pa siyang umakyat kesa rito. Modern kubo iyon at kakaiba ang desenyo ng dingding. May mistulang teresa kang daraanan bago ka makarating sa pinto ng mismong bahay.

Nang tingnan niya ang paligid nalula pa siya sa taas ng lugar na kinalalagyan nila. Parang iyon na ang pinakamataas na puno sa buong gubat na yun. Kita niya ang lahat mula roon. Ang dagat sa bandang kaliwa, mga bundok sa kanan at isang napakalawak na lugar na may napakalaking palasyo.

"Ano ang lugar na 'yun?" Turo niya sa malaking palasyo.

"Eskuwelahan. Diyan nagtuturo si Mommy." Sagot nito sabay abot sa kanya ng isang mansanas.

"Nice. Anong subject?" Tinanggap niya iyon. "Salamat. May asin ka ba diyan?"

"Lahat." Napakamot ito sa batok. "Hindi magkatulad ang subject dito at subject na itinuturo sa mga tao. Tsaka, hindi pwede ang asin dito."

"Ow. Oo nga, no. Sorry." Kumagat nalang siya sa mansanas. "Tamis! Ito na yata ang pinakamatamis na mansanas na natikman ko."

"Pati mansanas binobola mo." Inabutan siya nito ng isang basong parang red wine ang laman.

Tinanggap niya yun at tinikman. "Hmm. Sarap."

"Mabuti naman nagustuhan mo. Katas yan ng puno na ito. Daig pa ang red wine."

"Oo nga, ang sarap, eh. Kakaiba talaga ang mga bagay rito."

"Medyo." Nagkibit-balikat ito. "Kapag nasanay ka na dito, para ka narin nasa mundo ng —" Napatigil ito sa pagsasalita ng may marinig silang kaluskos sa kung saan-saan.

Sinilip nila iyon. Hinawakan ni Janus ang katawan ng puno para bumalik iyon sa normal at maitago ang hagdanan. Nakadungaw sila mula sa tuktok ng puno.

Muntik na siyang mapasigaw ng magsulputan mula sa kumpol ng mga halaman ang tatlong malalaking asong lobo. Kulay itim ang dalawa at abo naman ang kulay ng isa. Parang naghahabulan ang mga ito. Hindi nagtagal nagpalit din ng anyo ang mga ito, mula sa pagiging asong lobo sa pagiging tao.

"J-Janus.. Katulad niyo sila." Kumapit siya sa braso nito.

"Oo. Kilala ko sila. Hindi naman sila masama, maloko lang." Nakangiting sabi nito.

Patuloy lang silang nanuod sa kulitan ng mga ito.

"Andreau, mamaya na ang kabilugan ng buwan, aabangan ba natin ang mga Nahir?" Tanong ng isang lalaking napansin niyang may tattoo sa kanang braso.

"Oo. Tamang-tama, para na rin tayong nag-e-ensayo nun. Isa pa, siguradong hahanap na naman ng mabibiktima ang mga halimaw na yun." Sagot ng tinawag na Andreau. Ito yung kulay abo kanina.

Tiningnan niya si Janus. "Anong klaseng halimaw ang mga Nahir?"

"Mga itinakwil na asong lobo. Hilig nilang biktimahin ang tao kaya naging halimaw ang anyo nila. Tuwing kabilugan ng buwan sila lumalabas at nangangalap ng pagkain. Iniipon para sa mga susunod na araw."

The Blue MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon