(Hidden Personality)
(Janus' POV)
Nagising siya dahil sa maingay na kaluskos na nagmumula sa sahig. Nang tingnan niya kung ano iyon ay nakita niya si Momo- ang alaga nilang Chao-chao na six year old- na kinakalmot ang sahig para siguro gisingin talaga siya.
"Momo naman," hinaplos niya ang ulo nito para sawayin. "Gising na ako. Babangon na," tiningnan niya ang oras, pasado alas-singko palang kaya may oras pa siya para dagukan si Yvan.
Wala sa paligid ng sala ang mga pinsan niya kaya dumiretso siya sa kusina para kumain at pakainin na rin si Momo na nakasunod lang sa kanya.
"Momo, nasan sila Yvan, Von at Cyruz?" Nilagyan niya ng pagkain ang lagayan nito at nagsimula na itong kumain sa ibabaw mismo ng mesa.
Kumuha naman siya ng dalawang slice ng pizza tsaka ininit sa oven. Habang kumakain ay sinagot ni Momo ang tanung niya. Nasa kanya-kanyang kwarto daw ang mga pinsan niya at nagbibihis.
"Masyado silang excited." Mamayang 7pm pa naman mag-uumpisa ang party. Hindi naman sila ni-required na maagang pumunta. Wala rin naman siyang ka-date na kailangang sunduin kaya hawak niya ang oras niya.
Hindi pa siya tapos kumain nang bumaba sa kusina ang mga pinsan niya. Bihis na ang mga ito at purmadong-pormado.
"Excited kayo masyado. Ang aga pa naman," napailing siya.
"Cy, hindi mo ba pinaalam kay Janus na tutugtog tayo habang pumapasok yung mga schoolmate natin sa venue?" Sabi ni Von Cedric dala ang damit niya.
Napakunot-noo siya. "What? Anong sinasabi niyo?"
"You heard it right, Jan. Tutugtog tayo. Ang Dean mismo natin ang nag-request nun dahil nalaman niya na pwede tayong maging isang banda. Sorry, nakalimutan kong sabihin." Sagot ni Cyruz habang nakangisi.
"Heck. Nakalimutan o sinadya mong kalimutan?" Inihagis sa kanya ni Von ang suit na gagamitin niya.
Mabilisan siyang nagbihis, mayamaya pa nasa kotse na sila na siya mismo ang nagda-drive. Siya palang kasi ang nakakakuha ng student license sa kanilang apat.
"Sigurado ba kayong pumayag ang mga magulang natin dito?" Tanung niya.
"Pumayag sila kasi naka-mask naman daw. Ewan ko ba, sobrang higpit nila satin," sabi ni Von habang sinusuot ang sariling maskara. Mask ang theme ng prom kaya panatag ang mga magulang nila na pasalihin sila dun.
"Daig pa natin ang mga sanggol na kailangan maya't-maya bantay sarado," si Cyruz na ganun din ang ginawa.
"Bantay sarado din naman tayo nung mga bata pa tayo. They even hired a bodyguard and a nany for us. Who of course trustworthy enough for our family' secrets," Yvan commented.
Yvan is right. They are like prison when they were kids. Sa sobrang pagbabantay ng mga magulang nila sa kanila sa tuwing maliligo sila sa isang resort sinisigurado ng mga ito na naka-reserve ang buong lugar para lang sa kanila. Exclusively. Nung una okay lang yun para wala silang kaagaw sa lugar pero nung nagtagal hindi na nila ma-enjoy dahil wala silang ibang nakakalaro kundi ang isa't-isa lang. Nakakasawa din yun.
After 30 minutes nakarating din sila sa venue. Bago bumaba ng sasakyan suot na nila ang kanya-kanyang mask. Kulay puti ang sa kanya. Itim naman kay Cyruz, green kay Von at blue kay Yvan. Dala nila ni Von Cedric ang kanya-kanyang gitara samantalang may nakahanda ng drumset at piano sa pinaka-stage ng venue.
Saktong 7pm ng tanggalin ang trapal na nakatakip sa buong stage, yun din ang naging que nila para simulan ang pagtugtog ng revise version ng napiling kanta ng faculty. Nagulat ang lahat ng mga studyante pagkarinig palang sa unang parte ng kanta, lahat ay nakatingin sa kanila at nagsimula ng magtilian ang mga babae. Dahil dun hindi agad nakausad ang mga ito patungo sa kanya-kanyang upuan. Pero makalipas ang ilang guide ng mga teacher nasimulan din naman ang processional habang patuloy sila sa pagtugtog at siya sa pagkanta.