Chapter VIII

34 3 0
                                        

(Flashback)

"Pang ilang graduation hat ba itong isusuot ko sayo bago ka tumuntong sa college, Sungit?" Pabirong sabi sa kanya ng girlfriend niyang si Astrid.

"Mga tatlo nalang." Nakangisi niyang sagot.

Sumimangot ito. "Edi after twelve years pa yun? Parang ang tagal naman."

Natawa siya. "Hindi ka na nasanay. Para lang naman tayong nagbibilang ng buwan nun."

"Sabagay. Mukha ka pa kasi talagang totoy, eh. Matured lang sa isip."

"Ah, ganun. Totoy pala, ha." Inabot niya ang bewang nito at kiniliti.

Ang lakas ng tawa nito. "Awat na! Ayaw ko na!" Huminto na siya sa pangingiliti rito.

Nakangiti niya itong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa buhok.

"Oh, anong drama yan?"

"Panget, ikaw parin kaya ang magsusuot sakin ng grad hat ko?"

"Oo naman, no. At sabay pa tayong magka-college. Yun ay kung gusto mo din ang criminology."

"Okay lang naman sakin kahit anong course basta magkasama tayo."

"Naks, ang sweet naman ni totoy. May gatas pa nga lang sa labi pero okay lang." Pinisil niya ang bewang nito na ikinatawa nitong muli Napangiti naman siya.

Tsaka naman lumapit sa kanila si Von Cedric. "Astrid, pwedeng mahiram saglit si Janus? Graduation kasi namin." Inakbayan siya nito. "Don't worry ibabalik ko siya kapag nakuha na niya yung pang isangdaan niyang diploma."

Napabungisngis si Astrid. "Sige lang. Excited na nga yan, eh. Dun lang ako sa taas kasama sila tito at tita."

Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo. "See you later." Tumango lang ito bilang sagot.

"Buti hindi nagsasawa si Astrid na sumama sayo tuwing ga-graduate ka?" Tanung ni Von sa kanya habang nasa processional sila.

"Sira ka talaga." Napailing nalang siya.

"Gusto ko nang mag-college. Sawang-sawa na ako sa paulit-ulit na lesson sa high school. Pwede na nga akong mag-teacher nito." Reklamo ni Cyruz na nasa likuran ni Von.

Totoo ang sinabi ni Von kanina, pang-isangdaang graduation na nga nila iyon at pang-isangdaang lugar na tinirhan. Sa physical features kasi hindi sila papasa sa college at kung sinubukan man nila siguradong hahakot sila ng maraming katanungan. Kaya habang hindi pa na-e-enhance ang hitsura nila na sakto para sa mga college student at hindi pa sila nakakahanap ng lugar kung saan hindi sila paghihinalaang hindi normal na tao, kailangan nilang umayon sa hitsura nila.

Konting panahon nalang ang kailangan nilang hintayin bago sumilay ang magkasamang asul at pulang buwan na siyang makakapagpabago ng tuluyan sa kanilang pisikal na anyo.

Ganun din ang kasintahan niyang si Astrid. Ngunit bampira ito at iba ang dahilan ng pagpapalipat-lipat nito ng tirahan. Iyon ay ang mga Hunters, na siyang tumutugis at pumapatay sa mga bampira.

Plano na niyang tanungin si Astrid mamaya kung papayag na ba itong tuluyang maging parte ng buhay niya sa pamamagitan ng pagiging isa ring taong lobo. Maaaring maging taong lobo ang isang bampira kung magiging bukal sa kalooban nito ang pagtanggap sa panibagong lahi. Iyon ang patunay na hindi magkalaban ang kani-kanilang lahi.

"Sinong hindi magsasawa, eh, pang-isangdaan na natin 'to. Kulang nalang gawin na nating tirahan ang school." Segunda naman ni Von.

"Kay lolo kaya kayo mag-reklamo." Sabad naman ni Yvan.

The Blue MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon