(Secrets)
(Valeen's POV)
Bandang hapon ng magpasya na siyang umuwi.
"Sabay ka na sakin, may dadaanan ako sa grocery store." Sabi ni Janus nang sabayan siya sa paglabas ng bahay.
"Ha? Paano mo ako isasabay, eh, sa ibang direksyon yung grocery store?" Nagtatakang tanung niya.
"Palusot lang niya yun. Gusto ka lang talaga niyang ihatid." Singit ni Cyruz na sumilip sa malaking pinto.
"Get lost, Cyruz." Natatawang sabi ni Janus.
Napailing nalang siya. "Okay lang talaga ako. Tsaka mapapalayo ka lang."
"Nah. That's fine. C'mon." Hinawakan na nito ang kamay niya tsaka siya marahang hinila papunta sa kotse nito.
Hindi na siya nakatanggi dahil sa kakulitan nito.
Makalipas ang halos 20 minutes ay nakauwi rin siya sa kanila, pero napahinto siya sa pagpasok sa loob ng bahay ng makita niyang may bisita pala ang lolo niya.
Kausap nito ang isang lalaki na may mahabang pilat sa pisngi. Hindi pa gaano katanda ang hitsura nito pero nasa tindig nito ang awtorisasyon. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan ng mapatitig siya sa mga mata nito na nakatitig ng matiim sa kanyang lolo.
Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng mga matatanda pero may nagtutulak sa kanya para pakinggan ang pag-uusap ng lolo niya at ng bisita nito. Gumawi siya sa bintana na malapit sa likuran ng sofa kung saan nakaupo ang dalawa.
"May nakalap na ba na ibang inpormasyon ang apo mo, Yldefonso? Alam na ba niya kung kailan sasapit ang pagsasanib ng asul at pulang buwan?"
"Wala pa siyang nababanggit sakin, Zebrio. Ngunit huwag kang mag-alala, oras na may malaman siya ay ikaw ang unang makakaalam."
"Magaling, kumpadre. Sapalagay ko kasi ay nalalapit na ang araw na pinakahihintay natin."
Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Nag-uunahan ang mga katanungan sa isip niya na miski siya ay hindi kayang sagutin.
"Maiba tayo, kamusta na nga pala ang apo mo? Hindi ba siya nahirapan sa pagpasok sa bahay ng mga binatilyong Del Vega?"
"Hindi, kumpadre. Sa aspetong yan ay talagang ipagmamalaki ko ang aking apo. Mana siya sa kanyang lola Ysabelle sa pagkakaroon ng karisma pagdating sa mga Del Vega."
"Magaling. Sana lang ay hindi niya gawin ang pagkakamaling nagawa ng kanyang lola at ina."
"Sisiguraduhin kong hindi, Zebrio. Umibig na siya sa kahit na sino lalaki huwag lang sa isa sa mga Del Vega. Nagawa kong ilayo ang landas ng kanyang ina sa halimaw niyang ama kaya magagawa ko rin iyon sa kanya."
Sa gulat ay napasandal siya sa mga halaman. 'Paanong..." Ang buong akala niya ay namatay sa isang aksidente ang kanyang ama ayon narin sa kwento ng kanyang lolo na siya ring sabi ng kanyang ina. Ngunit ano iyong narinig niya tungkol sa kanyang ama? At ano ang pagkakamaling tinutukoy ng mga ito na ginawa raw ng kanyang lola at ina?
Napapikit siya ng biglang sumakit ang ulo niya. Hindi na niya kinaya pang pakinggan ang iba pang usapan ng mga ito. Imbis na sa main door ay sa likod bahay siya dumaan papasok at dumiretso siya sa kwarto niya.
Padapa siyang humiga sa kama. Pero hindi nagtagal ay kumatok sa pinto ng kwarto niya ang kanyang mama.
"Anak, ayos ka lang ba? Bakit sa likod bahay ka dumaan?"
Bumangon siya at binuksan ang pinto para makapasok ito bago siya bumalik sa pagkakahiga.
"Masakit po kasi ang ulo ko tsaka nakita ko pong may bisita si lolo kaya hindi ko nalang po siya inistorbo."
![](https://img.wattpad.com/cover/21001053-288-k470180.jpg)