(Getting to know more)
Muli nitong isinara ang pinto bago dumapa sa tabi niya. "This will be the first and the last time that you'll gonna be in here. Hindi kasama ang kwarto ko sa kundisyon mo. So better take a look with everything that catches your eyes and start asking a question. Now."
"Saksakan ka talaga ng kasungitan, no? Siguro sinubukan kang ipalaglag ng mama mo kaso sobrang higpit ng kapit mo kaya di natuloy. Tsk. Tsk."
Bumangon ito at umupo. "My mom is a good mother and she's hundred percent anti-abortion. Get it?"
"Ikaw kaya ang di naka-gets sakin. Joke kaya ang tawag sa sinabi ko. As in JOKE! J-O-K-E. Yung sinasabi ng mga nagbibiro o nang-aasar. Hellooo."
"Whatever." Tumayo ito at nagsimulang maghubad ng damit.
Nanlaki ang mga mata niya. "Hoy! Anong ginagawa mo?"
"Undressing? What else?"
"Anak ng pitong-pu't puting tupa, oo. Alam ko kung anong ginagawa mo. I mean, bakit ka naghuhubad?" Itinakip niya sa mukha niya ang malaking unan.
"Maliligo ako. Sasama ka?"
"Oo! Ay, este. Hindi, no! Ang kapal mo talaga!"
"Kunwari ka pa. Ayaw mo talagang sumama? Kasya naman tayo sa banyo."
"Tse! Kadiri ka talaga. Feeling mo naman pagnanasahan ko yang katawan mo! In your dreams!" Binato niya rito ang isa pang unan. Pero ng sumilip siya wala na pala ito sa harapan niya. "May kayabangan din pala sa katawan ang masungit na yun. Hmp!"
Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na gumala sa loob ng kwarto nito. Pagpasok mo sa kwarto agad mong makikita ang malaking kama na siyang halos katabi lang ng pinto. Sa kabilang bahagi ng kama ay naroon ang mga naglalakihang closet. Sa May bandang gitna naman ay ang sofa set na nasa tapat ng flatscreen tv. May carpet ang sahig at napakaraming antigong mga figurine sa iba't-ibang panig. May iba't-ibang paintings din sa dingding. Pero ang pinaka-nakakaagaw pansin ay ang napakalaking painting ng isang magandang babaeng may buhat na maliit na siberian husky.
Sumampa siya sa kama para matitigan iyon ng malapitan. "Siberian o wolf? Hmm.. Baka si Janus 'to." Kakaiba ang mga mata ng munting wolf na nasa painting. Pero halatang gusto nitong buhat lang ng babae. "Ang cute naman."
"She's my mom. And I was one year old that time."
"Ang ganda naman ng mama mo. Mukha din siyang mabait."
"Mabait naman talaga siya. She's the best mom for me."
Gusto niyang makita ang ekspresyon ng mukha nito kaya nilingon niya ito. Nanlaki lalo ang mga mata niya ng makitang nakatapis lang ito ng tuwalya mula bewang. "Mahilig ka ba talagang ibilad ang katawan mo?" Pasimple niya itong tiningnan ng mula ulo hanggang paa. 'Oh, well, karapatdapat namang ibilad'
"Kung ayaw mong makita, bakit mo tinitingnan?" Naglakad ito papunta sa closet.
"Eh, kasi.. Teka! Bakit parang kasalanan ko pa? Ikaw tong ibinibilad ang katawan diyan, eh."
"Ayaw ko kasing nahihirapan ka pa. Atleast di mo na kailangang sabihin sakin na you want to see my body. Right?"
"Ang kapal mo talagaaa!" Saktong tapos na itong magbihis kaya dinamba niya ito at sinakyan sa likod. "Akala mo kung sinong gwapo! Eh, mas malala pa pala ang kayabangan mo kesa kay Cyruz!"
"Get off me!" Pilit nitong tinatanggal ang mga braso niyang mahigpit na nakayakap sa leeg nito pero hindi nito magawa. Maya-maya na-off balance ito at padapang bumagsak sa kama at dahil nasa likuran siya nito, ito rin ang sumalo sa bigat niya. Narinig niya ang pag-ungol nito na halatang nasaktan. Agad siyang umalis mula sa pagkakadagan rito.
