(Truth Vs. Deal)
"Pwede ba kitang makausap, Valeen Stephanie?" Seryoso nitong tanung. Sabagay kailan ba hindi naging seryoso ang taong 'to?
"Ha? Anong pag-uusapan natin?" Tanung niya ng lingunin ito.
"Masyadong maraming tao dito. May alam akong lugar na mas private."
"Anong gagawin mo sakin? Siguro re-rape-in mo ako, no? Tapos bigla mo nalang itatapon ang maganda kong katawan sa ilog para hindi na malaman ng madla ang lihim niyo. Noh? Noh?"
"What a kind of brain you have? You're so gross. Wala akong interes sa katawan mo. 201%. Okay?"
Aba't may kayabangan din sa katawan ang mokong. "Pwes wala rin akong interes sa katawan mo, no. 1999.1%! Hmp!"
"Good. Glad to hear that. So can we talk now?"
"Sige. Pero sa isang kundisyon. No touch policy tayo. Ano, deal?"
"Deal. Ipaalala mo yan sa sarili mo mamaya."
"Ano?" Tanung niya.
"Ang sabi ko sumunod ka nalang sakin."
Hindi niya namalayan ang pag-alis ni Winter at ng mga pinsan ni Janus kaya sumunod nalang siya rito.
Nakarating silang dalawa sa likod ng isa sa mga building ng school nila. Maraming puno doon at bihirang puntahan ng mga estudyante.
"Ano bang pag-uusapan natin? Bakit dito pa tayo mag-uusap?"
"Baka naman gusto mong ako muna ang magsalita para matapos tayo agad?" Pagsusungit na naman nito.
"Sobrang sungit mo. Tatanda ka agad niyan. Sige na nga, umpisahan mo na." Pasalampak siyang umupo sa damuhan na walang pakialam kahit nakapalda siya. "Upo tayo. Nakakangawit tumayo."
Napailing nalang ito bago umupo na rin. "Ang pag-uusapan natin ay tungkol sa nakita mo nung prom night natin."
"Sinasabi ko na nga ba, eh. Nagpapanggap ka lang na wala kang naaalala samantalang naaalala mo naman talaga."
Tiningnan siya nito ng masama.
"Bakit? Totoo naman, ah. Ang galing mo pa nga umarte nun, eh. Muntik na akong maniwala na nagka-amnesia ka. Tsk. Tapos pinagbintangan mo pa akong nababaliw. Ngayon aamin-amin ka na totoong mga blue wolf kayo at sinubukan mong burahin ang alaala ko pero di mo nagawa. Bleeh. Oh, anong pag-uusapan natin tungkol dun?"
"Pwede na ba akong magsalita?"
"Sige. Nakakahiya naman sayo. Baka sabihin mo sobrang daldal ko. Excited lang talaga ako sa sasabihin mo. Siguro ikukwento mo sakin kung paano kayo nagpapalit ng anyo. Maganda yun."
Kakaiba na ngayon ang tingin nito sa kanya. Nabigla pa siya ng tumayo ito at akmang aalis.
"Oh, saan ka pupunta?"
"Maghahanap ng matinong kausap. Yung hindi madaldal, makulit at lalong-lalo na yung hindi kinakausap ang sarili niya."
"Grabe ka naman! Pagkatapos mo akong dalhin dito iiwan mo din ako."
"Iiwan talaga kita kung hindi ka tatahimik at patuloy mong pangungunahan ang sasabihin ko. Mag-uusap lang tayo. Hindi ka tutula sa harap ko. Maliwanag na ba yun?"
"Oo na. Bilisan mo magsalita. Nakakainip naman kasi."
"Isa pang salita, Valeen, lalagyan ko ng tape yang bibig mo."
"Hindi mo kaya yun, no. Di mo nga nabura alaala ko, eh. Nyenye." Di niya mapigilang sabi.
Tinitigan siya ni Janus at maya-maya wala ng lumalabas na boses sa bibig niya. Napangisi na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/21001053-288-k470180.jpg)