The Beginning (Who's who?)
"Janus! May problema tayo!" Bungad sa kanya ni Cyruz pagpasok palang nito sa pinto ng 'bahay' nila.
"Problema saan?" Tanung niya habang nakaupo sa sofa at nakapatong ang mga binti sa mesang katapat nun. Hindi niya inaalis ang tingin mula sa binabasang libro. Lumang libro iyon na may title na "Mystical Curse", nakapaloob doon ang iba't-ibang uri ng sumpa na nagmula pa sa ibang panig ng mundo.
"It's a serious problem, Insan. Problema tungkol sa blue moon na lalabas ngayong buwan," umupo ito sa single sofa na naroon.
"What about the blue moon?" He asked curiously.
"Von Cedric got the wrong calculation of its setting. Hindi yun bukas lalabas kundi mamaya!" Napatingala ito sa kisame.
"Whoa. Malaking problema nga yan," napatigil siya sa pagbabasa nang bigla namang pumasok ang Von na tinutukoy nito kasama ang isa pa nilang pinsan, si Yvan.
"Sa hitsura niyong dalawa para kayong bibitayin mamaya," sabi niya.
"Its prom night later, Jan." Sagot ni Von.
"Yeah, I know."
"Tapos sasabay mamaya ang blue moon. Ano nang plano?" Tanung naman ni Yvan.
"Edi hindi tayo tutuloy. Cancel all your dates habang maaga," sagot niya.
"No way! Marami nang naka-schedule para isayaw ko mamaya," protesta ni Cyruz. The ultimate playboy.
"Fine. You choose. Hindi ka pupunta o hahayaan mong malaman nilang lahat ang sikreto mo," paalala niya rito. Basta pagdating sa mga babae lahat pwede nitong kalimutan.
"Pwede namang umalis ng party kapag mag-uumpisa ng magpakita ang buwan. There was a sign."
"You should'nt take a risk. Kapag napahamak ka damay lahat."
"Mag-iingat naman tayo. Di pwedeng di rin ako pumunta," sabad ni Yvan sa usapan na ipinagtaka niya dahil sa kanilang lahat unang-una itong umaayaw sa pagpunta sa ganung party.
Tumingin siya kay Von. Nagkibit-balikat lang ito. "Bahala nga kayo."
"Sumama ka na rin kasi. Wag kj, Janus," pang-aasar ni Cyruz.
"Kapag may nakakita satin ikaw ang mananagot, Cyruz," banta niya.
He wrinkled his nose when he smelled a lady's perfume. "Someone is coming," then the doorbell rings.
Sumilip sa bintana si Von bago tiningnan ng masama si Cyruz. "Cy, you know the rules. No girls inside this house."
"Hey. Wala naman akong sinabing papapasukin ko siya," tumakbo ito palabas ng bahay para harapin ang bisita nito.
"Kailan kaya titigil si Cyruz sa kakaporma sa halos lahat ng babae sa school?" Maya-maya'y tanong ni Yvan.
"Kapag natutong ka ng manligaw," sabay nilang sabi ni Von na kasalukuyang nakaharap sa computer nito. Kung si Cyruz ay playboy, si Yvan naman ang kabaliktaran nito. Sobrang torpe.
Hindi nagtagal bumalik si Cyruz na may bitbit na isang box ng pizza.
"Meryenda na," sabi nito sabay bukas sa kahon.
"Galing yan kay Samantha?" Tanung niya na ang tinutukoy ay ang bisita nito.
"Tamang gawain yan, Janus. Makinig ka sa usapan ng iba,"
Nagkibit-balikat siya. "I'm just curious with her name."
"Yeah, right."
Natawa siya. Madalas, ikinatutuwa niya talaga ang mga kakayahang meron siya/sila kakabit ng sikretong pinakaiingatan din nila. Ilan sa mga kakayahang iyon ay ang makaamoy, makaramdam at makakita sa mga bagay kahit gaano iyon kalayo sa kanila. Advantage yun para sa kanila pero kahit baliktarin ang mundo hindi parin normal yun. At tanggap na nila yun simula palang nung araw na magsama-sama silang tumira sa iisang bahay dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nila. Sa iisang paaralan din sila pinag-aral para mabantayan ang kapakanan ng isa't-isa. Pero magpipinsan man sila, iisa ng tirahan at iisa ng eskuwelahan marami parin silang pagkakaiba.
Si Cyrus Drake. Ultimate playboy sa kanilang magpipinsan. Maingay, makulit at pinakapasaway. Hilig nitong pumunta sa kung saan-saan at gawin ang madalas na ipinagbabawal. Hilig din nitong tumugtog ng drums. Varsity member sa basketball team si Cyruz sa school nila. At isa sa mga kakayahan nito ay ang tumalon ng sobrang taas.
Si Von Cedric naman ang computer geek na pinsan nila. Kulang nalang pakasalan nito ang sariling computer at di na lumabas ng bahay. Pareho sila ng hilig, ang paggigitara. Bihira rin nitong pagtuunan ng pansin ang mga babae. Sa lahat ng pinsan niya ito ang kasundo niya. Ang kakayahan nito na namana sa ama ay ang pagkilos ng mabilis.
Si Yvan Gray, tahimik at ilag sa mga babae lalo na sa ultimate crush nito na sa tuwing lalapit ay nagiging dahilan ng aksidente. Dakilang torpe pero kakaiba ang pagpapahalaga sa mga babae. Mahilig itong tumugtog ng piano at ang pisikal na kakayahan nito ay ang kakaibang lakas ng katawan.
Siya si Janus Silvann ang pinakatahimik, tipid ngumiti at pinakamasungit sa kanilang lahat. Hindi niya gusto ang mga taong may taglay na kakulitan sa katawan kaya palagi niyang kasagutan si Cyruz. Normal lang ang relasyon niya pagdating sa mga babae, seryoso kung seryoso at laro kung laro. Pagbabasa ng libro, pagtuklas ng mga bagay at pagtugtog ng gitara ang hilig niya. Ang kakayahan naman niya ay ang matalas na pandinig at kaya niya ring basahin ang isip at emosyon ng mga tao.
Gwapo sila hindi sa pagbubuhat ng bangko. Isa iyon sa ipinagpapasalamat nila, pati narin ang kakaibang karisma. Naalala niya nung gumawa sila ng music video at ini-upload ng kupal na si Cyruz sa Youtube na mismong pinagmulan ng kaguluhan sa tahimik nilang buhay. Okay lang sana yun kung hindi siya ang vocalist doon. Obviously ayaw niyang sumikat dahil delikado yun. But when the music video begins to catch thousands of viewer agad silang pinatawag ng lolo at lola nila para kausapin at kagaya ng inaasahan, para sermunan.
Halos isang buwan ang ginugol ni Cyruz sa pagiging 'katulong' nila para mabayaran nito ang kalokohan. Binura naman ni Von ang video sa Youtube miski ang mga copy niyon. Sa ngayon, tahimik na ulit silang lahat at sa tulong ng angkan nila hindi lumabas sa media ang naturang video at agad na nabura sa alaala ng mga nakapanuod niyon ang lahat ng detalye.
"May iba pa ba kayong problema bukod sa blue moon?" Tanung niya sa mga ito habang kumakain ng pizza.
"Problema ko lang naman kung sino ang uunahing isayaw sa kanila," sagot ni Cyruz.
"Yabang. Palibhasa kahit sino basta nakapalda isasayaw mo," pang-aasar naman ni Von Cedric.
Hindi niya pinansin ang asaran ng mga ito sa halip si Yvan ang tiningnan niya. Umupo na ito sa harap ng piano. "Ikaw, Yvan, nayaya mo na ba si Zairyn na maging date mo mamaya?" Tukoy niya sa ultimate crush nito. Napangiti siya ng mabulunan ang pinsan pagkarinig palang sa pangalan na yun.
"H-Hindi. Wala akong planong yayain siya," pinunasan nito ang nagpapawis na noo.
"Sayang naman. Last prom na natin 'to, diba?"
"Eh, paano niya yayayain kung lalapit palang siya kay Zairyn mababalian na siya ng buto?" Nakangising sabad ni Cyruz sa usapan.
Binato niya ito ng unan sa mukha, "Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka nalang."
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Dapat kasi gayahin niya ako. Tingnan niyo hindi ako nahihirapang lumapit sa crush ko."
Tiningnan niya ng masama si Cyruz dahilan para manahimik na ito.
Nagsalita ulit si Von habang may kinakalikot sa computer nito. "Mabuti nga na hindi tumulad sayo si Yvan. Tama na ang isang pasaway satin."
"Mayayaya ko rin siya. Kapag kaya ko na. Marami namang pagkakataon," nagsimula na itong tumugtog ng piano. Pamilyar ang piyesang iyon dahil ito mismo ang sumulat niyon.
"Naman, Yvan. Wala pa akong balak matulog ngayon. Itigil mo yan," tinakpan niya ang dalawang tenga. May epekto sa kanila ang musika na yun. Makakatulog sila sa ayaw nila o sa gusto.
"Yvan!" Sabay na sigaw nila Cyruz at Von Cedric.
Pero hindi tumigil sa pagtugtog si Yvan hanggang sa magsimula na siyang antukin at tuluyang makatulog.