(Secret of the Blue Moon)
Una niyang nakita si Zairyn noong first year palang sila. Classmate niya ito at ito ang madalas pagkaguluhan ng mga kapwa niya estudyanteng lalaki dahil sa taglay nitong ganda at talino, dagdag pa na sobrang bait nito. Simula nun, ito na ang naging inspirasyon niya. Kahit hindi niya magawang lapitan ito at ligawan ayos lang sa kanya dahil kahit papano hindi naman sila ganun kalayo sa isa't-isa.
"May dumi ba ako sa mukha, Yvan?" Tanung nito sa tinig na sapat lang para marinig niya.
"Ha? W-Wala naman. Pasensya na. Teka, kilala mo 'ko?" Bahagya siyang napahinto sa pagsayaw ng marealize niya na tinawag siya nito sa kanyang pangalan.
"Ah. Oo naman. Ikaw si Yvan Gray Del Vega. Pinsan mo si Janus, diba?"
"Oo. Pinsan ko nga siya." Magkaka-klase silang magpipinsan dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nila. "Magkakilala kayo?"
"Naka-partner ko lang siya nung nakaraang lab experiment natin."
"Oh. Kaya pala kilala mo siya." Naalala rin niya yun. Kinuwento yun ni Cyruz sa kanya. Yun yung saktong araw na hindi siya nakapasok dahil hindi agad nawala ang kulay ng mga mata niya. Normal ng nangyayari yun sa kanila sa tuwing matatapos ang paglabas ng blue moon.
Speaking of the blue moon..
Bigla siyang napatingin sa relo niya. Quarter to twelve na. Malapit ng lumabas ang blue moon, ibigsabihin nun kailangan na rin nilang umalis sa lugar na yun.
"Yvan, saan ka nagpatattoo?" Tanung ni Zairyn habang nakatitig sa leeg niya.
"Ha?"Kumirot ang sentido niya. Indikasyon na pinapasok ni Janus ang isipan niya. "Badtrip. Bakit ngayon pa," bulong niya.
"Is there something wrong, Yvan?" Zairyn asked worriedly.
"N-No. I'm okay. Just a little headache. Ihahatid na kita sa upuan mo."
"Okay. You sure?"
Napangiti siya sa kabila ng nararamdamang kirot sa sikmura. "Yes. Thank you so much, Zairyn." Inihatid niya muna ito bago siya nagmadaling pumunta sa garden ng venue. Doon sila lalabas para makatakas sa mga taong pwedeng makakita ng papalit nila ng anyo. Naabutan niya doon sila Von Cedric at Cyruz.
"Nasan si Janus?" Tanung niya.
"Pasunod na daw siya," sagot ni Von habang haplus-haplos ang sariling sikmura.
(Janus' POV)
Pinagpapawisan na siya at bahagya ng nagbabago ang kulay ng kanyang balat pero hindi parin siya tumitigil sa mabilis na paglalakad. Masakit na rin ang sikmura niya, para iyong hinahalukay.
Bago siya makarating sa tagpuan nila ng mga pinsan niya ay may nabangga siyang babae. Nag-sorry siya bago muling naglakad, hindi niya napansin ang pagsunod sa kanya ng babaeng yun.
Nang marating niya ang garden ng venue ay nakita niya ang mga pinsan niya na halos nakaluhod na sa damuhan. Ang parteng iyon ay walang tao pero bahagyang maliwanag, hindi pinapayagang pumunta sa bahaging iyon ng venue ang mga estudyante dahil gubat na ang karugtong niyon. Siguradong walang makakakita sa kanila kung sakaling dun man sila magpalit ng anyo.
Hinubad na nila ang mga damit pang-itaas para hindi iyon masira oras na magpalit sila ng anyo.
Ang blue moon ay may malaking bahagi sa kanilang buhay at angkan. Sa tuwing sasapit ito ay magpapalit sila ng anyo. Mula sa pagiging tao hanggang sa pagiging asul na lobo. Miski ang kanilang mga mata ay magbabago rin ng kulay. Depende iyon sa angkan na kanilang pinagmulan. At dahil ang kanilang angkan ang pinakamataas na angkan sa kanilang mundo tatlong kulay ang sama-samang nakapaloob sa kanilang mga mata. Asul para sa simbolo ng dagat at kalangitan. Berde para sa kagubatan at puti para sa liwanag. Matagal bago bumalik sa dati ang kulay ng kanilang mata kaya madalas ay gumagamit sila ng contact lense. Si Yvan lang ang hindi gumagamit niyon dahil may epekto sa mata nito.