Chapter IV

35 3 0
                                    

(Ms. Kulit meets Mr. Sungit)

Hapon na ng magising si Valeen Stephanie mula sa mahimbing na pagtulog matapos ang JS prom nila kagabi. Pagkabangon ay dumiretso siya sa banyo para maligo bago siya bumaba papuntang kusina para naman kumain. Nagmamadali na siya dahil may usapan sila ng bestfriend niyang si Winter na pumunta sa mall.

Hindi nagtagal ay nakaalis na siya ng bahay at ngayon nga ay kararating lang niya sa tagpuan nilang lugar.

"Vanie, ang usapan natin 2:30 pm. Aba, biruin mo yun konti nalang quarter to four na." Sermon sa kanya nito.

"Sorry naman. Nadikit kasi ng matagal sa kama yung likod ko. Ang hirap tumayo," palusot naman niya.

"Sus. Ang sabihin mo tinamad ka lang."

"Masarap kasi matulog. Saan nga pala muna tayo?"

"Dairy Queen muna tayo habang nag-iikot. Ano bang balak mong bilhin?"

"Pabango na pangontra sa mga blue wolf," sagot niya habang iniimagine kung paano gagamitin ang pangontra na yun laban kay Janus at sa mga pinsan nito.

"What? Maluwag na naman yata yang turnilyo mo." Napailing nalang ito.

"Hindi no. Ayaw ng mga wolves ang lavander kaya ganung fragrance ng pabango ang bibilhin ko." Biglang may humila sa buhok niya. "Aray naman!"

"Hindi mo talaga titigilan ang pagbabasa sa librong yun, noh? Hindi na ako magtataka kung sa mental na tayo magkikita sa susunod."

"Ikaw ang baliw, eh. Totoo nga yung nakita ko kagabi. Totoong blue wolf si Janus pati ang mga pinsan niya."

"Nananaginip ka lang, Vanie. Buti nga hindi ka nahuli ng principal na natulog dun sa garden."

"Ginamitan niya ako ng powers niya kaya bigla nalang akong nakatulog. Buti nga hindi niya nabura yung alaala ko."

"God. Vanie, tigilan mo na nga yan. Hindi totoo ang mga ganung nilalang, okay? And one more thing, kung may binabalak ka mang gawin na concern ang pinsan ni Janus na si Mr. Yabang wag mo ng ituloy." Tukoy nito sa kinaiinisang tao.

"Don't worry, wala akong interes kay Cyruz mo. Mas interesado ako sa pagkatao nila."

"Ew. Hindi siya sakin, no, at hindi magiging kami. Kilabutan ka nga, hindi ako pumapatol sa pinagsawaan na ng lahat ng babae."

Napailing siya. Mukha talagang may pinanghuhugutan itong bestfriend niya. "Basta ang alam ko totoong half man-half wolf sila dahil ako mismo ang nakakita at hindi ako nananaginip nun. Patutunayan ko yun." Sabi niya. Nakabili na sila ng blizzard sa DQ, ang sunod niyang binili ay ang pabangong may lavander fragrance.

Pagkatapos nila sa mall ay naghiwalay na sila ng pinuntahan ni Winter. Siya ay kasalukuyang nakatayo sa harap ng malaking gate ng isang antique na bahay. Hindi na niya pinatagal kaya pinindot na niya ang doorbell. Nakalimang pindot pa siya nun bago nagbukas ang gate at may lumabas.

Kung kasalukuyan niya lang kasama si Winter siguradong umuulan na ng panlalait para sa lalaking nasa harapan niya ngayon na walang iba kundi si Cyruz.

"Miss, anong kailangan mo?" Tanung nito sa kanya ng nakangiti habang sinusuri ang hitsura niya. Simpleng damit lang naman ang suot niya, t-shirt at short pants na tinernuhan niya ng jelly shoes.

"Hi, ako si Valeen. Pwede ko bang makausap si Janus? Nandiyan ba siya?" Tinitigan niya ang mga braso at mata nito. Wala ang patunay na hinahanap niya pero inaasahan na niyang itatago ng mga ito yun.

"Si Janus hindi ako?" Natataka pa nitong tanung.

"Ah. Si Janus talaga ang hinahanap ko. Pwera nalang kung ikaw na siya ngayon." Napangiti siya ng mawala ang ngiti nito at pansamantala itong matigilan. Pero maya-maya nakabawi rin ito.

The Blue MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon