(Fearless)
(Valeen's POV)
Dire-diretso siyang lumabas ng kwarto ni Janus at pabagsak iyong isinara. Huminga siya ng malalim.
"Nakakainis talaga ang lalaking yun. Akala mo naman may nanakawin ako sa kwarto niya." Pinisil niya ang sariling ilong. Nanunuot parin kasi doon ang mabahong ipinaamoy nito sa kanya.
Bumaba na siya at dumiretso sa sala. Naabutan niya roon sina Von Cedric at Cyruz na naglalaro ng chess.
"Kamusta ang pagtulog mo, Valeen?" Tanung ni Von Cedric habang nakatutok parin sa nilalaro.
Napatigil siya sa paglapit sana sa mga ito.
"Pano niyo nalaman na ako 'to?"
"Kabisado na namin ang amoy mo. Ramdam ko rin na badtrip ka" Sabi naman ni Cyruz.
"Nakakapikon na kasi si sungit. Ang daming ayaw sa buhay." Sabi niya sabay lapit sa mga ito. "Uuwi nalang ako. Baka madagdagan pa ang inis ko sa lalaking yun."
"Hindi ka na sasabay samin sa hapunan?" Tanung ni Von.
"Hapunan?! Diba dapat tanghalian palang?"
Hindi sumagot ang mga ito. Tsaka naman sumulpot si Yvan mula sa kung saan.
"Handa na ang hapunan. Sana naman tapos na kayo diyan?"
"Ipagpapatuloy namin mamaya. Para si Von na ang maghugas ng pinagkainan ngayon." Kampanteng sagot ni Cyruz.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito bago siya tumingin sa bintana.
"Gabi na ba talaga?" Tanung niya sa sarili.
"Oo. Alas syete na nga yata. Mamaya ka nalang umuwi, patilain mo muna ang ulan." Sabi ni Yvan.
"Tama si Yvan. Dito ka na rin maghapunan tutal mamaya pa yata hihinto yan." Dagdag naman ni Von.
"Hindi pwede! Pagagalitan ako ng lolo ko!" Protesta niya sabay takbo sa main door.
"Edi tumawag ka sa inyo at magpaalam."
"Hindi ganun kadali iyon." Siguradong magagalit ang lolo niya kapag hindi niya nasunod ang bilin nito. Dahil sa naisip, nagmamadali siyang tumakbo palabas ng bahay at sinugod ang malakas na ulan.
Sinubukan siyang pigilan ng magpipinsan pero desidido siyang makauwi.
(Janus POV)
SUMILIP siya sa bintana ng kwarto niya, nakita niya si Valeen na nagmamadaling tumakbo palabas ng gate na walang pakialam kung gaano man kalakas ang ulan.
Bumaba siya at dumiretso sa kusina ng di makita ang mga pinsan sa sala.
"Bakit hindi niyo pinigilang umuwi si Valeen? Sobrang lakas ng ulan." Bungad niya sa mga ito bago umupo sa harap ng lamesa.
"Hindi siya nagpapigil. Lagot daw siya sa lolo niya kapag di pa siya nakauwi." Sagot naman ni Von.
"I wanna meet her grandpa. Ibang klaseng authority meron siya para matakot sa kanya ng ganun si Valeen." Komento naman ni Yvan.
"Me too. Tapos didigahan ko kung pwedeng ligawan ang apo niya." Hirit ni Cyruz.
"Hindi ka uubra dun. Baka nga di ka papasukin sa kanila kapag nakita ka niya." Buska dito ni Von.
"Miski matanda hindi nakakalagpas sa karisma ko, no. Inggit ka lang."
Binato ito ni Von ng table napkin. "Madami ka sigurong sugar mommy. No wonder, malaki ang allowance mo ngayon."
Pabatong ibinalik ni Cyruz ang table napkin rito. "Baka gusto mong magkaraket sa ganun, Von? Type ka pa naman ni Mrs. Solidad." Ang tinutukoy nito ay ang matandang dalagang teacher nila sa Physics.
Napangiwi si Von. "Mga raket mo talaga, Cyruz, puro kapit sa patalim. Wala bang desente?"
"Meron. Madali lang. Kailangan mo lang mag-pose ng kahit anong gusto mo." Nakangisi ito.
"Saan naman yan?" Tanung rito ni Von sabay inom ng tubig.
"Porn site. Thousand every picture."
Naibuga ni Von Cedric ang iniinom kaya napatayo sila ni Yvan habang si Cyruz ay walang humpay sa kakatawa.
"Sa lahat ng siraulo ikaw ang pinakamalala, Cyruz. Paano ka kaya napagtitiisan ng mga past girlfriends mo?" Asar na sabi ni Von ng makabawi.
"Simple lang, they love me." Nakangisi parin si Cyruz nang magpatuloy sa pagkain.
"Not anymore. Nauntog na kasi sila." Napailing nalang siya.
"Ikaw, Janus, bakit hindi mo ipinaliwanag kay Valeen kung bakit mo ipinaamoy sa kanya yung riyuot?" Biglang tanung sa kanya ni Yvan.
"She already made her conclusion." Sagot niya.
"Conclusion that you didn't bother to correct." Dagdag nito. Tumigil sa pag-aasaran sila Von at Cyruz at tahimik na nakinig sa usapan nila ni Yvan.
"No need. Iisipin lang niya na concern ako sa kanya," Ipinagpatuloy niya ang pagkain.
"Bakit, hindi ba? Tsaka anong masama kung magiging close kayo?"
"Hindi ako concern sa kanya. Nandito lang siya dahil sa libro niya. Nothing more, nothing less."
Tumikhim si Cyruz na sinabayan ng pagbulong. "Kunwari pa. Obvious naman."
Tiningnan niya ito ng masama. "Pumayag ako na maging history teller niya pero hindi kasama dun ang pakikipag-close sa kanya. Leave it the way I want it to be."
"Okay! Okay! Pero hindi ba pwedeng maging mabait ka naman sa kanya ng konti?" Awat ni Yvan sa kanila ni Cy.
"I'm doing my best. May truce na kami." Tumayo na siya. "Tapos na ako. Una na ako sa taas." Naudlot ang paglakad niya sa sinabi ni Cyruz.
"You're scared of Valeen. Right, Janus?" Nahuli pa niya ang pagsipa rito ni Von Cedric mula sa ilalim ng mesa. But knowing Cyruz, hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.
"No." He said with a low voice.
"Liar. Takot kang makipaglapit sa kanya dahil nakikita mo sa kanya si Astrid --Aray!" Sabay na tinapakan nila Yvan at Von ang paa nito ng may panggigigil. "Sinasabi ko lang naman ang hindi niyo masabi nananakit pa kayo." Reklamo nito.
Kung sa ibang pagkakataon siguro matatawa siya sa mga pinaggagagawa ng mga ito, pero hindi ngayon. Not now that Cyruz mention the name that he doesn't wanted to hear for a long time.
"Drop the topic, Cyruz." Utos niya rito nang may pagbabanta.
"C'mon. Prove to me that you've finally move on with Astrid. Have chance with Valeen."
"I don't need to prove anything to you. Drop it." Naglakad na siya palabas ng dining room.
"Magkaiba sila Astrid at Valeen, Janus. Hindi bampira si Valeen na kailangang iwan ang sariling lahi at pamilya para maging parte ng buhay mo. Hindi niya kailangang pumili na kagaya ng pagpili ni Astrid dati."
Napahinto siya sa sinabi nito. Huminga siya ng malalim bago inisip kung paano gigilitan sa leeg si Cyruz dahil sa kabaliwan nito.
Nagpatuloy na siya sa pag-akyat at pagpasok sa sariling kwarto. Hindi na niya pinatulan si Cyruz dahil baka kung ano lang ang magawa niya rito.
"Siraulo talaga." Napahawak siya sa sentido at pabagsak na humiga sa kama. Isinasara ang isip para hindi na magbalik pa sa nakaraan. Pero tulad ng dati, hindi siya nagtagumpay...
