(Questions)
(VALEEN'S POV)
Napatitig siya sa mga bulaklak na nasa ibabaw ng mesa nang malaman niya ang isa sa mga sikreto ng angkan ng DV Boys. Nagulat talaga siya dahil wala siyang idea tungkol doon. Obviously, wala yun sa librong binasa niya.
"Kaya siguro pumayag si lolo na..."
"Are you saying something?" Tanung ni Janus sa kanya.
"Ha? Wala. Nagulat lang ako kasi wala yun sa libro." Sagot niya.
"Talaga? Sayang. Akala ko pa naman may malalaman ako sa libro na tungkol dun." Sabi ni Cyruz na halatang may prinoproblema.
"Kamo, naghahanap ka lang ng solusyon para umiksi ng konte yung tatlong araw." Sabi naman ni Yvan rito.
"Syempre. Sigurado kasing mamimiss nila ang kagwapuhan ko."
Natawa at napailing nalang siya sa sinabi nito. Napatingin naman siya kay Janus nang mapansin niyang hawak na nito ang libro niya.
"I'm really wondering if who's the author of this book, his identity and also the reason behind this book existence. Wala naman kasing nakasulat. Miski kung saan ito na-publish." Binuklat-buklat nito ang libro.
"May idea ka ba tungkol dun, Stephie? Saan mo ba nakuha ang librong yan?" Tanung sa kanya ni Cyruz.
Bigla nalang siyang kinabahan ng di niya alam ang dahilan. "Iniregalo yan sakin ng lolo ko. Tutal naman daw mahilig ako sa mga kakaibang bagay kaya basahin ko daw yan."
"Nice. Sobrang supportive naman pala ng lolo mo, eh."
Ngumiti lang siya. 'Siya lang kasi ang naniniwala na totoo talaga kayo.'
Napansin niya na nakatitig sa kanya si Janus sa kakaibang paraan na lalo tuloy niyang ikinakaba.
"Where did he get that book?" Von asked.
She presume that that question is exactly on Janus eyes.
"Hin..hindi ko alam. Basta ibinigay nalang niya sa akin yan. Mukha namang interesante kaya binasa ko na." Sagot niya. 'He never get the book from anyone because he created it on himself' Hindi niya pwedeng sabihin ang nasa isip niya dahil siguradong pagdududahan siya ng magpipinsan. And worst baka ipatapon pa siya ng mga ito sa universe kapag nalaman ng mga ito ang totoong dahilan ng pananatili niya.
Though wala naman siyang nakikitang mali sa ginagawa niya. Gusto lang naman niyang malaman ang lahat ng bagay tungkol sa mga ito. At nagkataon na ganun din ang lolo niya. Naniniwala din naman siya na walang gagawing masama ang lolo niya sa mga ito kahit na alam niyang may hinanakit ito sa angkan ng mga asong lobo na kumitil sa buhay ng lola niya noon na kapatid ng lolo niya. Na siyang pinakatatago ng lolo niya. Sa pagkakaalam niya rin, walang kinalaman sila Janus sa nakaraan ng lolo at lola niya.
Tama kayang ipagpatuloy pa niya ang misyon o mas makabubuting tigilan na niya ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa pagkatao ng mga ito?
*****************
(Author's Note)
Hi, readers. Sana abangan niyo pa ang mga susunod na mangyayari. Keep on reading. :)
