"MABUTI pa ang mama mo, kinausap ako tungkol kay JR. Ni hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin na nandito na pala siya." Punong-puno ng hinanakit ang boses ni Cody. Nasa loob sila ng kotse nito, sinundo kasi siya ng lalake sa TV station.
"Kumplikado ang sitwasyon niya," pagtatanggol ni Allie. "Hindi ko alam kung papano sasabihin sayo."
"Wala kang tiwala sa akin? Sa tingin mo hindi ko maiintindihan?"
"It's not that, Cody. Si JR, ibang mundo siya. He belongs to my... I mean.... I just wanted to sort things out first, at ayaw kong idamay ka sa mga problema ko." Nahihirapan talaga siyang ipaliwanag sa nobyo kung gaano ka-importante sa kanya si JR.
Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie- mas malalim pa iyun. Marami kasi siyang good memories na kasama si JR. Simula pagkabata hanggang highschool, lahat ng makukulay na sandali ng buhay niya, naroroon si JR. At kahit nasaktan siya noong magkahiwalay sila, hindi pa rin nito kayang burahin ang kanilang magandang samahan. Mayroon silang sariling mundo ni JR, at hindi niya pa kayang buksan iyun o i-share sa ibang tao. Kahit sa boyfriend niya.
"Pero ano pa ang silbi ko as your boyfriend kung hindi kita madamayan sa mga problema mo? Hindi naman makitid ang utak ko, Allie. Hindi ko naman inaalis ang pagiging magkaibigan ninyo ni JR. Sana lang, maging honest ka sa akin, like I am always honest to you!"
Hindi na nakasagot si Allie sa sinabing iyun ni Cody. May punto naman kasi ang nobyo niya. Pero naniniwala siyang may punto din naman siya.
Ang hirap naman ng sitwasyon ko, naisip niya habang nakatingin sa labas ng sasakyan.
MAGING ang daddy niya ay hindi na rin siya tinantanan. Pareho sila ng stand ng mama niya- na huwag na munang makialam sa kung ano man ang kinasangkutan ni JR. For her safety- ang sabi pa nito. At para na rin makahinga ng maluwag ang mama niya na laging nag-aalala.
Being a good daughter, sinunod na lamang muna niya ang mga magulang kahit labag sa loob niya na hindi muna dalawin si JR. Isang buwan- yun ang palilipasin niya bago bumalik sa Bicutan. Naisip kasi niyang siguro by that time ay malamig na sa kanila at nawala na sa isip ng mga magulang ang tungkol kay JR. Maging kay Cody ay hindi siya nagpapahalata na apektado siya sa pagtitikis na ginagawa sa kaibigan.
Pero bago pa umabot ang isang buwan, nagkrus na agad ang landas nila ni JR!
"ANONG ginagawa mo dito?"
Literal na nanlaki ang mga mata ni Allie nang makitang si JR ang taong tinutukoy ng security guard na naghahanap umano sa kanya. Kampanteng nakaupo ang lalake sa lobby ng TV station nila. At isa lang ang pumasok sa isip niya- tumakas ang lalake!
"P-papano mo nalaman kung nasaan ako?"
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" nakangiting tanong ni JR. Wala sa itsura ng lalake na galing ito sa kulungan. Disenteng disente ang itsura nito. "Di ba nabanggit mo naman na sa TV station ka nagtatrabaho?"
"Pero bakit ka nga nandito? I mean... paano ka nakalabas?" Aware ang dalaga na puno ng pagdududa ang tono niya, but what can she do? Talagang duda siya kung bakit biglang nasa labas na si JR.
"Malaya na ako."
"Paano?"
There was a pained look in JR's eyes. Pero ngumiti pa rin ito.
"Okay na ang kaso ko. Kaya eto, I'm a free man."
"T-that's good!" Bagama't nagtataka pa rin siya kung paano nga talaga nakalaya si JR, masaya na rin siya na wala na ito sa kulungan. At least hindi na siya mag-iisip kung paano dadalaw sa kaibigan.
"Tapos na ba ang work mo?" Narinig niyang tanong nito.
"Ah, medyo malapit na. Bakit?"
"Yayain sana kitang kumain. Dinner. Alam mo na, to celebrate my freedom," parang bata itong naglalambing sa kanya.
At hindi naman maatim ni Allie na tanggihan si JR. After all, ngayon nga lang talaga sila makakapag-usap ng malaya.
"Sige ba! Tutal uuwi na rin naman ako in thirty minutes e. Okay lang na hintayin mo ako?" Naisip ng dalaga na kailangan niyang tawagan si Cody at i-cancel ang dinner nila. Sasabihin niyang may emergency production meeting sila para hindi na siya nito sunduin.
"Nakapaghintay nga ako ng mahigit sampung taon, ngayon pa?" Natatawang pinisil ni JR ang ilong niya. "Sige na, tapusin mo na yung ginagawa mo. Dito lang ako."
"See you in thirty minutes!" Daig pa ni Allie ang nakalutang sa alapaap nang bumalik sa cubicle niya.
Ni hindi na nga niya tinapos ang ginagawa sa computer. Agad niyang pinatay ang computer at dali-daling tinawagan si Cody. Guilty siya sa ginawang pagsisinungaling sa boyfriend pero mas nanaig ang kagustuhan niyang makasama naman si JR.
Gusto ko lang bumawi sa lahat ng oras na hindi ko siya nadalaw, bigay katwiran ni Allie sa ginawa.
"Let's go?" tanong niya kay JR nang balikan niya ito sa lobby. Agad na ngumiti ang lalake nang makita siya.
"Sige. Saan mo gustong kumain?"
"Kahit saan." Funny, pero bukal sa loob niya ang sinabi niyang iyun kay JR. Na kahit saan siguro siya yayain ni JR ng mga oras na iyun, sasama siya.
BINABASA MO ANG
Laging Naroon Ka
ChickLitPublished by Bookware, 2011 Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si JR. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buha...