"GOOD afternoon, ma'm." bati ng sundalo kay Allie nang makita silang papasok ng Camp Aguinaldo.
"Bossing- saan ang presscon ngayon?" agad na tanong ng dalaga bago pa makapagsalita si Rowena sa tabi niya.
"Ay, sorry po ma'm, di ko po alam kung saan ang presscon e. Pumunta na lang po kayo sa press office doon sa may grand stand, siguradong alam po nila yun," sagot ng sundalo.
"Allie, sa main building yun malamang. Doon na tayo dumiretso," sabad ni Rowena. Hindi na kumontra pa si Allie dahil gusto na rin niyang makita si JR at malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.
Pagdating nila sa pinaka-headquarters ay halos patapos na din ang presscon. Maraming tao doon at lahat ng mga TV networks ay nagpadala ng kani-kanilang crew para ma-cover ang naturang news. Halos hindi makapasok sina Allie dahil sa dami ng tao at mga sundalo. Bigla namang nawala si Rowena kaya naiwan ang dalaga to figure things out on her own.
Pinilit niyang makisiksik para masilip man lang ang mga nakaupo sa harap, pati na rin ang mga nakatayong lalake na pini-presinta sa media. May mga nagtatanong pero dahil halos lahat ay nagsasalita din, hindi na halos marinig ni Allie ang pinag-uusapan. Bahagyang tumigil ang pagtibok ng puso niya nang maispatan si JR. Nakaupo ito sa kaliwang bahagi ng conference table.
Pero agad din siyang nagtaka kung bakit naka-uniform ang lalake- na katulad ng mga opisyal na nagsasalita.
Anong drama ito? Naisip ni Allie na baka namamalik-mata lang siya at hindi si JR ang nasa harap. Pero hindi siya puwedeng magkamali! Talagang naka-army uniform ang lalake!
Hindi na nakatiis ang dalaga. Agad siyang pumuwesto sa harap upang hintayin na mabakante ang microphone at siya naman ang makapagtanong. From where she was standing, nakita niyang napatingin sa kanya si JR at obvious nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Kitang kita niyang may ibinulong ito sa katabing lalake na naka-uniform din at ang lalakeng iyun ay tumayo at bumulong sa spokesperson ng AFP.
"So that's all for now, ladies and gentlemen. We are wrapping this press conference and I would like to thank everyone who came here today," narinig ni Allie na pahayag ng spokesperson na isang military officer.
Gustong sumigaw ng dalaga ng 'unfair!' Kasi ni hindi pa siya nakakapagtanong, tapos na agad. At nagtayuan na ang mga nasa harap. Ni hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari. Binalingan niya ang katabing reporter ng GMA7. Kilala niya yun sa mukha bagama't hindi niya ka-close.
"Yung mga nakaupo sa harap, di ba puro military officers yun? Pasensya na, late kasi ako." Nakita niyang pati si JR ay tumayo na rin at may kinakausap pero nakatingin sa kanya.
"Yeah, sila yung nasa team na nakipagtulungan sa PNP para mahuli yung ibang terorista na involved sa ilang bomb threats last year."
Magpapa-elaborate pa sana ang dalaga pero nakita niyang mukhang aalis si JR kaya mabilis siyang nag-excuse sa katabi at halos takbuhin ang kinaroroonan ng lalake. Nasa may pinto na ito.
BINABASA MO ANG
Laging Naroon Ka
ChickLitPublished by Bookware, 2011 Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si JR. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buha...