Chapter Nine

2.9K 93 1
                                    


YOU are being unfair. You are such a bitch. Maliit na boses yun na lagi niyang naririnig lately. Nagsimula iyun nang bumalik si JR sa buhay niya.


I am just being true to myself. Kasalanan ba ang maging masaya? Pilit na naglalaban-laban ang kanyang mga bubble thoughts. Feeling niya tuloy, nasa isang masalimuot na emotional battle siya. Wala naman siyang ginagawang masama, nagpapakatotoo lang siya. Pero hindi siya matahimik.


I am so doomed.


ILANG gabi nang pabiling-biling sa kama si Allie. Hindi siya makatulog dahil nagkaroon ng twist ang kanyang buhay na dati'y simple at tahimik. Kung noon ay trabaho lang niya ang challenging- ngayon, pati personal niyang buhay ay may sariling mga challenges na kinakaharap.


Mahigit isang linggo na silang hindi nagkikita ni Cody. Maayos naman siyang nagpaalam sa nobyo. Aniya'y hindi muna sila magkikita ng ilang araw dahil kailangan muna niyang tutukan ang isang ginagawang segment dahil mahirap iyun. Pumayag naman si Cody, eksakto din naman kasing pupunta ito ng Hong Kong para sa isang mahalagang business conference. Pero siyempre hindi na niya sinabing madalas silang nagkikita lately ni JR. Gulo lang yun. Mahal niya si Cody at ayaw niyang masaktan ang lalake. Ang gusto lang niya ay makasama muna ang kaibigan- to catch up for the lost time.


The thing is- the more she spends time with JR, mas lalong siyang naguguluhan sa sitwasyon.


"Bakit ganyan ang itsura mo? Nakasimangot ka? May nakaaway ka?" Sinalubong siya ni JR sa may gate dahil alam nitong lalabas na siya ng station. Tumawag kasi ito sa kanya kanina.


"Wala. May iniisip lang ako," aniya sa kaibigan. Pero nakita lang niya ito, nawala na agad ang bigat na nadarama niya kanina.


"Halika, may ipapakita ako sayo!" Parang batang excited sa isang bagong laruan si JR. Hinila pa siya nito.


"Saan tayo pupunta?" Ngiti lang ang isinagot sa kanya ni JR. Hindi na siya nagreklamo, sumunod na lang siya sa lalake. Tumigil sila sa isang brand new Hyundai Santa Fe Sports Utility Vehicle. Maroon ang kulay niyon at makintab na makintab. Agad na kinabahan si Allie. Iisa lang ang tanong na agad sumagi sa isip niya.


Paano nagkaroon ng ganitong sasakyan si JR? Sunud-sunod nakabog sa dibdib ang kanyang naramdaman.


"Ang ganda no? Ganito talaga ang gusto kong sasakyan e," ani JR. Binuksan nito ang passenger's door at inalalayan siyang sumakay.


"Ikaw ang unang sasakay dito."


"Bagong-bago ah," komento ng dalaga. Saan ka kumuha ng pambili, gusto niyang itanong.


"Siyempre. Nakakahiya naman kasi kung lagi na lang kitang isasakay sa taxi. Bagong labas ito," halata ang pride sa boses ni JR.


"Mabuti nakabili ka nito," nasabi ni Allie, for lack of better things to say. Lalong siyang nalito ngayon.


"Matagal kong pinag-ipunan 'to. Saka unang kita ko pa lang sa brochure nito dati, sinabi ko nang gusto kong magkaroon ng ganitong sasakyan. Ayoko ng kotse lang, gusto ko yung pwedeng pang-road trip."


Habang nagsasalita si JR ay nag-iisip pa rin si Allie. Imposibleng ma-afford ni JR ang sasakyan! Kalalabas lang nito sa kulungan, tapos mayroon na agad na magarang sasakyan? Ayaw man niyang aminin pero binabagabag siya sa naiisip na sagot sa mga tanong niya. Sangkot sa illegal na gawain si JR!


"Teka, saan tayo pupunta?" napansin kasi ni Allie na hindi ang daan pauwi ang tinatahak nila. Nasa Edsa sila ngayon at patungong South Express Way.


"May gusto akong ipakita sayo. Basta, surprise." Kumindat pa si JR.


"Saan tayo pupunta?" Hindi naman kinakabahan si Allie kahit hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni JR. Curious lang siya dahil lagi na lang siyang sinusorpresa ng kaibigan. Ibang-iba na ito sa dati niyang nakilala noon.


Binuksan ni JR ang car stereo at nagpatugtog ng mga kanta. Panay Eraserheads na pareho nilang gusto kaya naman napakanta silang dalawa sa biyahe. Hindi na namalayan ng dalaga na nasa Tagaytay na pala sila.


"Anong gagawin natin dito, kakain ng bulalo?" napahagikhik si Allie.


"Oo nga ano, bulalo nga pala ang sikat dito. Gusto mo bang kumain nun?"


"Ikaw, kung trip mo e! Doon tayo sa over-looking o."


"Sige ba, sinabi mo e. Alam mo naman, takot ako sayo."


"E asan ang surprise mo? Eto na ba yun?" aniya na bahagya pang tumulis ang nguso.


Natawa si JR sa tinuran niya.


"Hindi. Mamaya na lang. Kumain muna tayo."


Laging Naroon KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon