HINDI inaasahan ni Allie na bigla siyang yayakapin ni JR. Kahit wala namang masyadong tao, except for the two jail guards na nakatalikod sa kanila, nakaramdam pa rin ng pagkaasiwa ang dalaga sa ginawang iyun ng lalake.
Pagdating niya kanina sa Bicutan ay kinausap niya agad ang warden tungkol kay JR.
"I'm sorry, Miss Allie. Pero iba ang kaso ng kaibigan mo. Hindi ko puwedeng i-discuss kahit kanino."
"Naiintindihan ko po. Ang gusto ko lang pong malaman ay kung may abogado po siya na tumutulong sa kaso niya?"
"Ang alam ko ay may mga tumutulong sa kanya. Special case kasi siya."
"What do you mean, 'special case' siya?"
"Siya na lang siguro ang kausapin mo, Miss Allie." All of a sudden ay naging mailap ang mga mata ng warden at tila hindi ito kumportable sa topic.
Tumayo na ang opisyal at agad na rin nitong pinatawag si JR para makapag-usap sila. Ibinigay pa nito ang isang maliit na opisina para doon sila makapag-usap.
"Kumusta ka na? Alam mo, nung umalis ka noong isang linggo, saka ko lang narealize kung gaano kita na-miss ng husto." JR was surprisingly bubbly. Ni wala itong bakas ng pag-aalala or hirap- knowing na nakakulong ito.
"Okay lang naman ako. Ikaw ang dapat kong kumustahin. Ano na ang nangyayari sayo dito?" Ibinigay niya kay JR ang dalang pagkain. May Big Mac, pineapple juice, may ilang grocery items at mga toiletries.
Nagmental note si Allie na kausapin ang warden bago umuwi. Natatakot kasi siyang baka kunin lang ng ibang inmates ang mga binigay niya para kay JR.
"Eto, surviving. Kumusta ang trabaho mo? Tell me about your job." Ngumiti si JR, lumabas tuloy ang mapuputing ngipin nito na pantay-pantay.
May pinong kirot na namang naramdaman si Allie sa puso niya. Dahil may mali sa sitwasyon. Hindi niya matanggap na ang kaharap niya ngayon- na best friend niya simula pagkabata, ay kasama ng mga nagkasala sa lipunan. Hindi niya maintindihan na kung papanong ang katulad nitong may mala-close-up smile at magandang diction ay capable na maging criminal?
"Nakaka-stress ang trabaho ko," sa wakas ay nasabi na lamang niya.
"Then bakit ka nagtitiis? Look for another job." Kaswal na binuksan ng lalake ang plastic ng McDonalds, saka kinuha ang Big Mac. Hinayaan muna siya ni Allie na kumain.
"JR, ikaw ang ipinunta ko rito. I want to talk to you," wika ng dalaga mayamaya. "I really want to help you."
Uminom muna ng juice si JR bago nagsalita. Malumanay ang tinig nito at kalmado.
"I'm fine. Okay lang ako, huwag mong isipin ang sitwasyon ko."
"How can I not think about your situation? Nadudurog ang puso ko kapag naiisip ko na nandito ka!"
BINABASA MO ANG
Laging Naroon Ka
ChickLitPublished by Bookware, 2011 Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si JR. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buha...