ANG sabi nila, time is relative. Mabilis daw ang oras kapag masasayang bagay ang nangyayari or kapag kasama mo ang isang importanteng tao sa buhay mo. Pero kapag may hinihintay ka, talagang napakabagal ng oras.May mga araw na halos mamatay na si Allie sa paghihintay sa pagbabalik ni JR- to the point na umiiyak na lang siya sa lungkot. May mga araw din na ayaw na lang niyang tingnan ang kalendaryo para hindi niya maisip kung gaano pa katagal mananatili sa US si JR. Ang tanging nagbibigay ng lakas sa kanya ay ang patuloy na pagdating ng mga puting rosas at tsokolate- it somehow reminded her that somewhere out there- naiisip siya ni JR. Habang natatanggap niya ang mga padala ni JR thru his staff, hindi nawawala ang link nila sa isa't isa. Kung minsan, naiisip din niya kung bakit kasi hindi man lang siya magawang tawagan ng lalake, pero alam din naman niya ang sagot- tiyak na may valid reason si JR for not calling her.
BIYERNES. Ang alam niya may gagawin siyang interview sa may POEA pero hindi natuloy. Isang text message ang natanggap niya mula sa kanilang production assistant na huwag na muna daw siyang umalis.
"Bakit daw hindi tuloy?" tanong niya kay Roger nang makita niya itong nagtitimpla ng kape.
"Ewan ko. Ang sabi lang ni Miss Rizza, stand-by na lang daw tayo." Isa sa mga executives nila ang tinutukoy ni Roger. "Kaya nga magkakape na lang muna ako at kanina pa ako inaantok."
"Ganun ba? E nasaan ang ibang tao dito?" Napansin kasi ni Allie na wala ang mga kasama niya sa production.
Magsasalita pa sana siya nang biglang sumulpot ang guard sa may pinto ng office nila.
"Ma'm, tumawag po si Ma'm Rizza. Punta daw po kayo sa lobby ngayon."
"Ako? Pinapupunta ni Miss Rizza sa may lobby? Bakit daw? Anong meron?"
Napakamot ng ulo ang guard- obviously clueless.
"Di ko rin po alam e. Inutusan lang ako, pasensya na."
Hindi na kumibo si Allie. Lumabas na lang siya. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang may mga petals na nagkalat sa hallway papuntang lobby.
Ano to? Takang-taka siya pero nagsimulang kumabog ng husto ang dibdib niya nang makita niyang nasa lobby ang ilang sa mga kasama niya sa production, nakangisi ng nakakaloko at panay ang kaway sa kanya ng iba.
Natigilan siya nang makitang nakatayo sa may lobby si JR, may bitbit itong isang pumpon ng mga white roses. Nakangiti ito at tila nahihiya.
"Anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa dumating?" Hindi niya napigilang mapabulalas. Bigla ring bumaha ang sari-saring emosyon sa dibdib niya.
"Kahapon lang." Hinalikan muna siya ni JR, saka nito binigay ang mga bulaklak.
"Anong ginagawa dito ng mga kasama ko?" ramdam na ni Allie ang pamumula ng pisngi.
"Well, I just want them to witness my proposal."
"Anong proposal?" Hindi na magkamayaw ang tibok ng puso ni Allie. Tensed siya to the highest level!
"I want to ask you to marry me." Biglang lumuhod si JR sa harap niya sabay pakita ng isang singsing. Nagtilian ang mga kasama ni Allie. Maging ang mga guards ay nagpalakpakan.
"Teka, teka... Oh my God.. Oh my GOD!" Natutop ng dalaga ang bibig niya.
"Ano, will you marry me?"
"Go for it, Allie!" narinig niyang sigaw ng executive producer nila. Tilian uli ang mga production staff.
"Tumayo ka nga diyan, ano ba. Nakakahiya!"
"Hindi ako tatayo dito hanggang hindi mo tinatanggap ang proposal ko."
"E bakit kailangang dito pa?"
"Gusto kong ipakita sayo na from now on, wala nang secrets. Ano, pakakasalan mo ba ako?"
"Yes na yes!" Natatawang hinawakan ni Allie ang kamay ni JR para tumayo na ito.
"Thank GOD! Akala ko dito pa ako mababasted." Natatawa na rin si JR. Saka nito niyakap si Allie.
Daig pa ng mga taga-network ang nakapanood ng live na telenobela ng araw na yun.
E N D
Follow me on
Twitter and Instagram
@mydearwriter
BINABASA MO ANG
Laging Naroon Ka
ChickLitPublished by Bookware, 2011 Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si JR. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buha...