Ikwenento ko kay Ashley ang nangyari kaninang umaga at nung ihahatid ko sana pauwi si Reinan sa kanila. Sinearch pa nga niya sa internet si Rylan eh kasi parang pamilyar daw ang apelyido kaya pati tuloy ako ay nacurious at nakitingin sa cellphone niya.
Rylan Jopierre Jainar
28 years old
A Doctor and the owner of Relanie Medical Hospital.Ayun ang lumabas at marami pang information tungkol sa kanya pero tanging doon lamang napukaw ang interes ko. Siya ang may ari nang RMH? Hindi ko alam 'yun ah.
"Tang*na! Jackpot ka pala dito Harper eh!" Hinampas ni Ashley ang balikat ko dahil sa mga nabasa niya sa cellphone niyang info tungkol kay Rylan.
Humigop ako sa kape ko. "Jackpot nga... Kapatid naman ng fiance nang ex ko."
Napalingon sakin si Ashley. Gulat.
"What?! Seryoso ka dyan?!" Gulat na aniya.
Tumango naman ako. "Rylan Jopierre Jainar. Chandra Jainar. "
"Eh hindi naman sila magkamukha ah?!" Aniya na ayaw maniwala.
Tinignan ko siya nang walang emosyon. "Bakit? Ikaw at si Ate Nicole ay magkapatid din pero bakit hindi kayo magkamukha?"
Inismiran niya lang ako at tumingin ulit sa cellphone niya para magbasa pa nang info tungkol kay Rylan.
"You two don't... know?" Napalingon kaming pareho ni Ashley kay Jorlann, 'yung lalaki niya.
Pareho kaming kunot ang noo kay Jorlann habang hinihintay ang sasabihin niya. Mukhang kilala niya si Rylan.
Umupo muna si Jorlann sa tabi ni Ashley at inakbayan pa ito. "Rylan Jainar is the only son of Henrico Jainar to his first wife Relanie Nuer. Chandra Jainar and Reinan Jainar is Henrico's childrens to his second wife Claritte Ybañez."
Literal na napanganga kami ni Ashley sa narinig namin mula kay Jorlann. So that explains why they are not lookalike or just resembles huh? But Relanie Nuer? He name his hospital to his Mom? And her surname when she's a maiden is Nuer? Or it is just coincidence that her Mom's surname when she's a maiden and the name of the elementary school where I'm teaching is the same?
"You know Rylan, babe?" Rinig kong tanong ni Ashley kay Jorlann. Nakahiga na ngayon ang gaga sa dibdib ni Jorlann. Di daw boyfriend pero kung maka 'babe' kala mo naman eh sila.
Tumango naman si Jorlann at hinimas ang buhok ni Ashley. "Yeah. Because I'm his cousin."
Kaagad na napaalis si Ashley sa dibdib ni Jorlann habang ako naman ay napa sigaw nang 'what' sa gulat. The f?!
Tinawanan kami ni Jorlann dahil sa naging reaksyon namin sa sinabi niya. Eh sinong hindi magugulat sa sinabi niya? Pinag-uusapan kaya namin si Rylan dito tapos ang hindi namin alam ay kasama pala namin ang pinsan niya?! Hindi ba at nakakahiya!
"I'm his cousin from Mother side. But don't worry girls, I won't tell this to Ryle." Nakangiti niyang sabi.
Pinagkrus ko ang mga braso ko. Nakabawi na ako sa pagkakagulat. "Really?"
"Yes." Tipid niyang sagot at dumikwatro pa habang iniinom ang paboritong chuckie ni Ashley na kinuha ata niya sa ref.
Hindi na ako natulog sa condo ni Ashley kinagabihan dahil naaawkward ako sa kanila ni Jorlann. Feeling ko kasi naisturbo ko silang dalawa sa 'ginagawa' nila. Umuwi nalang ako nang bahay at doon nagpahinga.
Alas tres na nang madaling araw nang maalimpungatan ako pero imbis na bumalik ulit sa pagtulog ay bumangon na lamang ako at bumaba papuntang kusina dahil gusto kong magkape at medyo malamig. Nakapink akong T-shirt at puting pajama naman pang ibaba dahil komportable akong matulog na ganito lang at tinali ko naman sa bun ang buhok ko bago naupo sa dining table dito sa kusina at ini-open ko ang social media accounts ko na ang ilan ay mukhang inaamag na dahil minsan ko lang silipin.
Puro mga posts ng mga dati kong kaklase at kaibigan ang nakita ko. Lahat sila ay may sari-sarili nang pamilya at mukhang kontento na sa buhay samantalang ako eh heto at brokenhearted pa rin. Bakit ba kasi ako nahulog sa tang*nang lalaki yun eh edi sana hindi wasak ang puso ko ngayon. Letse naman kasi eh nagpakatanga din ako.
Mabuti nalang talaga at walang nangyari samin nang lalaking yun kahit paulit-ulit ko pa siya noong inaakit. Sabi ko pa naman nun sa sarili ko na hindi ko ibibigay basta hindi siya ang mapapangasawa ko pero kahit hindi ko naibigay sa tang*nang ex ko eh naibigay ko naman sa lalaking nameet ko lang sa party at hindi ko pa kilala! Diba, napakatanga ko!
At ang nakakapatawa pa eh 'yung lalaking iyon ay kapatid nang fiance ng ex ko! Ang saklap naman... Pero anong magagawa ko eh nangyari na naman. Kasalanan ko din naman kasi iyon eh.
"Ma'am Harper?" Napabalik ako sa huwisyo nang pumasok si Yaya Gloria sa kusina na mukhang nagising lang.
"Hi Yaya. Naistorbo ko ba kayo? Pasensya na po." Ani ko.
Kumuha si Yaya nang baso at binuksan ang ref para kumuha ng tubig. "Bakit gising ka pa sa oras na ito, Ma'am Harper? May problema ka ba?"
Umiling ako sa tanong ni Yaya kahit alam kong meron naman talaga. Namomroblema ako kung paano makakaganti sa tang*nang lalaki na iyon! Nanggagalaiti pa rin ako sa galit dahil sa ginawa niya sakin! Pinaglaruan niya ako! For what reason?! I can see that he love Chandra but why did she cheated on her?! Ginawa niya pa akong kabit! Never in my whole life that I dream to be come a other woman, never!
"Sigurado ka ba Ma'am Harper?" Halata sa tono ni Yaya Gloria na hindi siya naniniwala sa ginawa kong pag-iling. "Pero kung kailangan mo nang makakausap sa kung ano man yan ay handa akong makinig. "
"Thank you Yaya." Sabi ko sa kanya bago siya lumabas ng kusina para siguro bumalik ulit sa pagtulog.
Napatingin ako sa wrist watch ko. It's 4:07am. Maybe I should take a run para naman kahit papaano ay maikalma ko ang sarili at baka maisipan ko pang mang hire nang papatay kay Gavin dahil sa galit ko.
Naka dalawang ikot na ako sa buong park na pinag jogging-an ko nang mag vibrate ang cellphone ko sa maliit na bag na nakakapit sa beywang ko. Kinuha ko iyon at binasa ang mensahe na galing kay Ashley.
Ashley:
May engagement party mamayang gabi sina Gavin at Chandra. Jorlann is invited so he invite me to be his date on that engagement party.
Engagement party? Hmm wow. Kaagad akong nagtype nang reply kay Ashley.
Harper:
Where's the venue?
Kaagad namang nagreply sakin si Ashley kung saan at napangisi nalang ako dahil doon. Looks like the engagement party will be fun tonight.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
BINABASA MO ANG
Love In Between Revenge | COMPLETED
RomanceMaganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanya...